CHANGED

1K 55 10
                                    

CHANGED

-

[Zerene Alviar]

Nanghihina ako. Hindi makakain, hindi makabangon. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mapigil-pigil ang mga luha kong wala 'atang balak tumigil sa paglabas. Sa dami na ng inilabas kong luha, hindi pa ako natutuyuan ng tubig sa katawan.

Ang sakit. Ang sakit-sakit. Sobra. Bakit ganito?

Ang sakit ipagtabuyan ng taong mahal mo, pero mas masakit pala ang mawala ang taong natutunan mong mahalin higit pa sa taong itinulak ka sa iba.

Dark died before our wedding day. Dark left me and it hurts me so much that I can't stop myself from crying kahit nailibing na ito. It's been 12 days and I'm still hurting. Of course.

Settled na lahat eh, prepared na rin lahat ng mga plano namin pero hindi namin inakalang hindi tatanggapin ng katawan niya ang bagong pusong inilagay sa kanya. Hindi man lang niya muna hinintay na ikasal kami, magkaanak at maging masayang magkaroon ng sariling pamilya. I'd dream that with him.

I cried hard every time I remember him, I remember how he loves me so much that made me love him back more than he loves me. Paano na ako? Sana isinama na lang niya ako.

"Anak, please open the door. Nandito pa kami. 'Wag mong solohin ang sakit na nararamdaman mo. I understand how yo—"

"No! Hindi niyo ako naiintindihan at hinding-hindi niyo ako maiintindihan! Just please leave me alone!" I said, sobbing. Kung dala man ito ng aking nararamdaman ngayon, I don't care anymore. I just want to be alone. I don't want to see nor talk to anyone.

-

I decided to stay at my condo na binili ko talaga para mapag-isa. May ipon naman kasi ako dahil sa online business ko.

Parati ko lang naaalala si Dark lalo na kapag pinagagalitan ako ng parents ko sa bahay.

Hinayaan ko silang dalaw-dalawin na lang ako para lang payagan nila akong mapag-isa dito. That's actually their condition.

"Anak, kumain ka na. Kahit kaunti lang. Hindi matutuwa si Shawn sa pagpapahirap na ginagawa mo sa sarili mo. We made a deal right? We'll allow you to be alone but you have to take care of yourself." My Mom reminded me.

"Sorry." Mahinang sabi ko lang habang nakatulala.

"It's been five months. Alam naming mahirap, pero kailangan mong kayanin." My Dad said.

I just hugged them and cried hard again.

Minsan ay napapadalaw din sa akin ang parents ni Dark na sinisermonan din ako.

Wala din akong magawa kung 'di ang umiyak at yakapin lang sila. Hindi ko na rin kasi malaman kung saan na ako papunta.

Kumain ako ng kaunti saka nakatulog sa pagod ng kakaiyak. Tinabihan ako ni Mama at kinantahan. Nakatulog naman ako dahil doon. Hindi man gaya ng tulog ko noon, ayos na rin para sa akin. Sa tuwing nakakatulog kasi ako, doon ko lang nakakasama si Dark. Kung pwede nga lang hindi na magising.

-

[Sean Light Vergara]

Nabalitaan ko ang nangyari kay Zerene at awang-awa ako nang nalaman ko kung gaano siya naghihirap sa sakit na naidulot ng pagkawala ng kapatid ko. Of course that hurts me too. Loosing my brother after all of my sacrifices, iiwan niya lang pala kami.

I'm not around when my brother passed away that day. I'm busy trying my best to change for the better and forcing myself to accept the fact that I have to let go Zerene. Kung hindi nga lang ako kinuha bilang bestman ng kapatid ko, hindi na rin sana ako a-attend. Hindi rin naman natuloy ang kasal dahil bago ang kasal nawala ang kapatid ko.

Hi Mr. Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon