FALLING FOR THE PLAYBOY

1K 56 34
                                    

FALLING FOR THE PLAYBOY

-

[Zerene Alviar]

Ilang araw ang lumipas matapos ang date daw namin ni Dark at ilang araw din ang lumipas na hindi ko mahagilap sa campus si Light.

"Zerene, hinahanap mo nanaman ba si Light?" Bungad ni Fiona sa akin. Siguro napansin niya ang palingon-lingon ko lagi sa paligid.

"Oo. Nakita mo ba siya?"

"Hindi pero balita ko nasa hospital si Dark, so siguro binabantayan niya."

"Okay. Thank you." May pilit na ngiting sagot ko.

Ba't hindi ko nga ba naisip na pumunta sa bahay nila? Eh alam ko naman. Mas minabuti kong pumunta sa hospital kung saan una kong nakilala si Dark. Alam kong doon lang siya idadala nila.

Pagdating ko sa hospital nakasalubong ko si Light na may pasa ang tabi ng labi. Nagulat ako. Biglang nag-alala.

"Light!" Agad na tawag ko dito.

Hindi ko tuloy napigilang lapitan at hawakan ang mukha.

"Ba't nandito ka?" Halatang inaantok siya base sa kanyang mga mata. Iniwas nito ang mukha sa pagkakahawak ko nang haplusin ko ang tabi ng labi nito. Umiwas din ito ng tingin.

"Anong nangyari sa'yo?" Puno ng kuryosidad na tanong ko.

"W-wala 'to. Misunderstanding lang namin ni Papa." Mahinang sagot nito na parang nagdadalawang isip pang sabihin sa akin.

"Nag-aalala ako sa'yo. Hindi ka kasi pumasok parati kitang inaabangan."

Nagulat ako nang bigla nito akong yinakap. I feel relieved. I don't know why.

"I'm sorry." Bulong nito saka ako binitawan. Minabuti kong hindi na magtanong pa dahil mukhang wala akong makukuhang sagot.

Sinamahan ako nito sa room ni Dark. Naabutan ko ang parents nila and they welcomed me with smiles. Mga ngiting hindi halatang may problema.

Lumapit ako sa hinihigaan ni Dark pagkatapos kong magmano sa parents nila. Iniwan nila kami. Lumabas sila kasama si Light.

"Kumusta?" Bungad na tanong ko dito.

"Okay lang. Lalo na't nandito ka na." Mahinang sagot nito saka hinawakan ang kamay kong nakapatong sa tabi ng hinihigaan niya. Napakurap-kurap ako at kinalma ang sarili ko. Bigla kasi akong naalarma sa ginawa nito. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Dark, ngayon pa lang kung ano man ang nararamdaman mo sa akin. Please sto--" Hindi niya ako pinatapos magsalita.

"No. I won't stop. I can't stop. I wanted to court you from now on, siguro kaya mo 'yan nasasabi kasi dahil sa condition ko 'di ba? Ayaw mo sa may sakit? Magpapagaling ako at magpapalakas para sa'yo. Hayaan mo lang akong mahalin ka." Nahihirapang sabi nito na para bang naiiyak na. Naaawa ako. Gusto ko siyang pigilan sa mga sinasabi niya pero hindi ko magawa. Nag-isip na lamang ako ng mga salitang hindi gaano makakaapekto sa kalagayan niya ngayon.

Binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak nito saka muling huminga ng malalim.

"Magpapagaling ka at magpalakas para sa sarili mo at sa pamilya mo hindi para sa akin na kakakilala mo lang. Bata ka pa kaya hindi mo pa alam ang tunay mong nararamdama--"

Hindi nanaman ako nito pinatapos magsalita.

"I'm old enough to know about my feelings for you, Zerene! Feelings ko 'to kaya ako ang dapat may alam ng tunay kong nararamdaman." He insisted.

"But not enough to know what's mine."

"Bakit? May gusto ka bang iba? Si Kuya ba? I know how you look at him like how I look at you. Buong buhay ko si Kuya na ang malakas, walang sakit, matapang, matalino at maraming nagmamahal bakit pati sa taong gusto ko mapupunta sa kanya?"

Hi Mr. Playboy (COMPLETED)Where stories live. Discover now