SS38: Slave for the day

Start from the beginning
                                    

Nung makita ko, binuksan ko na yung compartment at inilagay doon lahat nung pinamili nila. Pinagsisipa ko yung gulong ng kotse sa sobrang inis ko. Saan kaya sila pumunta ? Tapos nag vibrate yung cellphone ko. Halos maglaway ako dahil ang sarap nung pagkain sa may picture. Tapos nung tinignan ko yung nag send, si Nate gunggong. Nakakainis talaga siya! Ugh!

[ 3rd persons POV ]

Habang nilalagay ni Krizzia yung pinamili nila John at Nate sa kotse ay may nakatingin sa kanyang lalake. Enjoy na enjoy nitong tignan si Krizzia habang halos ibalibag na niya lahat ng ipinamili nila Nate at John. Pinagsisipa ni Krizzia yung gulong ng kotse. Tawa naman nang tawa yung lalakeng nanonood kay Krizzia.

Inilabas ni Krizzia yung cellphone niya. Gusto nang maglupasay nung lalake sa kakatawa dahil halos maglaway na si Krizzia sa cellphone niya. Paano ba naman kasi, isang masarap na pagkain yung nasa screen nung cellphone niya.

Napagpasyahan ng lalake na lumapit sa kinaroroonan ni Krizzia. Habang si Krizzia naman, buysit na buysit sa nag send sa kanya ng picture ng pagkain. Nung makalapit na yung lalake kay Krizzia, nayakap naman ni Krizzia yung sarili niya dahil akala niya rapist yung lalake.

[ Krizzia's POV ]

Habang nagse-senti ako dahil sa sinend sa akin na picture ni Nate ng pagkain, may lumapit sa aking lalake. Dahil madilim, hindi ko makita yung mukha niya. Niyakap ko yung sarili ko. Baka rape-in niya ako.

" Hello. " narinig kong sabi nung lalake.

" Mister! Hindi ako pick up girl. Pumunta ka na lang ng bar kung gusto mo. Makakakita ka pa doon ng maganda. Poste lang katawan ko hindi mo ako ma e enjoy. " paatras ako nang paatras.

" Hahaha! Nakakatawa ka talaga. Hindi ka pa rin nagbabago. " kilala niya ako ?

Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko. Tapos inilawan ko yung guy. Oh my ghad! Ang pogi ni koya. Nganga lang ako doon while drooling. Ang hot niya kasi. Makalaglag panty. Makapa nga kung nakasuot pa. Baka nalaglag na. Kinapa ko, nakasuot pa naman.

" Sino ka ? Hindi kita kilala. '' tanong ko kay kuyang pogi. Gravity! Dapat pala sinama ko si Potchi para ma rape niya itong gwapong otoko.

" Hindi mo na talaga ako maalala ? Ako si Chasten Vander Lee. " oh me gas!

Binabawi ko na na ipapa rape ko siya kay Potchi. Dahil ako ang re-rape sa kanya. Chos! Siya yung sinasabi ko dati pa na crush ko na binasted ako. Sumpain! Ilang taon ko na rin siyang hindi nakikita. Mas lalo siyang gumwapo. Leche ka Krizzia! Sinaktan ka niya dati kaya wag kang magpa apekto sa kagwapuhan niya. Wag kang magpatukso.

She's Scary ( completed )Where stories live. Discover now