Chapter 4 | YBSMS 3 |

96 15 3
                                    

Chapter 4 |
YBSMS 3 |


Kailangan ko na s’yang tigilan.

Napahiga ako sa kama at napahilamos sa mukha ko. Nakaka-inis. Hindi p’wede ‘tong nagkakalapit kami ni Stephen, may girlfriend s’ya. Hindi tama ‘to. May mahal na iba ‘yung tao kaya hindi pwede ‘tong pinapangarap ko.

Siguro dapat tigilan ko na talaga ‘tong ginagawa ko. Siguro talagang dapat layuan ko muna s’ya para mawala na ‘tong nararamdaman ko. Siguro gan’on na nga lang. Siguro gano’n na lang ang gagawin ko para matigil na ang pagpapantasya ko sa kanya.

Dahil pag mas lalo pa akong lumapit sa kanya, mas lalo lang akong mafafall, at mas lalo lang akong masasaktan.

Pero ‘di ba masasaktan din naman ako paglinayuan ko s’ya?

Ugh. Bakit ba kasi gan’to? Kahit ano ang piliin ko sa dalawa masasaktan lang ako. Napaka-risky talagang umibig. Ang tanga-tanga ko lang at naglaro pa ako sa laro ng pag-ibig.

Pero wala na akong magagawa e. Andito na ‘to. It’s either I’ll  be hurt or we will be both hurt. S’yempre mas pipiliin ko na na ako ang masaktan kaysa naman kaming dalawa, at pagnagkatong nangyari ‘yun, siguradong iiwasan at pangdidirihan na talaga ako ng lahat.

Mas mabuti na sigurong ako nalang masaktan.

Mas mabuti na sigurong ‘wag na akong umasa.

Dalawa lang naman ang p’wedeng mangyari pag-umasa ako e. Ang masaktan ako dahil hindi n’ya ako minahal o ang masaktan ako dahil minahal n’ya ako pero hinusgahan naman kami ng lahat.

I’m waiting Stephen for almost 3 years. 2nd year collage ako nang magkagusto ako sa kanya. 3 taon akong umasa at naghintay sa kanya. All those time I thought our feeling is mutual dahil sobrang bait n’ya sa’kin.

Pero mali pala ang akala ko.

Naloko ako ng sarili ko. Sadyang mabait lang pala talaga s’ya, hindi lang sa’kin pero sa lahat. Akala ko n’on matitigil na ang pagkagusto ko sa kanya, pero lalo ko lang s’yang nagustuhan dahil sa kabaitan n’ya.

I’m really the queen of all the stupid.

Hindi naman s’ya pa-fall e. Masyado lang akong assumera.

Napahilamos ako ulit ng mukha ko. Itutulog ko na lang ‘to.

---

The next day…

“Is that all clear?” Napatango na lang ako sa tanong ng professor namin. Ano pa bang isasagot namin? Mapapatango ka na lang talaga kahit na ang totoo e ni katiting ay wala kang maintindihan.

“Okay, class dismissed.” Mabilis pa sa ala-unang tumayo ang mga kaklase ko at nauna pang lumabas sa professor namin. Ako naman pinanood ko muna silang makalabas bago ako umalis.

Yakap-yakap ko ang libro ko nang maglakad ako sa hallway papunta sa garden kung saan ako nag-lulunch.

“Ay pusa!” Napatingin ako sa likod ko ng may  humawak sa balikat ko.”P-pia?”

Swear, gulat na gulat na gulat ako. Sino ba naman ang hindi kung ang isang Pia Klaethon na girlfriend ng taong gusto mo ang  humawak sa balikat mo? 

“Uhm… your Althira Sanlero, right?” tanong n’ya sa’kin, tumango naman ako. “Pia Klaethon.”

Okay, ang awkward. Alam ko namang s’ya si Pia e. Sino bang hindi makakakilala  sa kanya, e simula ng ipakilala ni Stephen na s’ya ang girlfriend n’ya s’ya ay nakilala na s’ya agad kahit na limang buwan pa lang s’ya dito.

“Anyway, I just want to say na take care of my brother.” Tatanungin ko pa sana  s’ya pero agad s’yang tumakbo.

Brother?
Sinong brother ang tinutukoy n’ya? Sa pagkaka-alam ko e solong anak s’ya tapos ngayon may brother echos s’yang nalalaman? Baka naman nagkamali lang s’ya, baka kapangalan ko lang.  E? Pero wala naman s’yang kapatid e. Ano ba ‘yan. 

Ang gulo n’ya rin pa lang kausap.

Nagpatuloy na lang akong maglakad at didiretso na sana ako ng garden para mag-lunch ng marinig ko ang mga bulong-bulungan dito malapit sa canteen.



“Hala, totoo  ba ’yun? Sayang naman bagay pa naman sila.”

“Oo nga, bagay na bagay sila. Narinig ko lang ’yan kanina sa ibang students.”

“Mga bess! Napalitaan n’yo na ba? Break na daw si Pia at papa Rex!”

“Naku bes, kanina pa naming pinagkukwentuhan ‘yan. Ikaw talaga.”


Napatigil ako at halos malaglag ang panga ko sa sinabi n’ong isang babae. Si Stephen at Pia, nag-break? Hala, parang ‘di naman kapaniwapaniwala ‘yun. Hindi ko mapigilan ang sarili ko at nilapitan ko sila.

“Ate totoo po ba?” tanong ko,  napatingin naman sila sa’kin. “Totoo po ba na wala na sina Stephen at Pia?”

Tumango ‘yung isang babae. “Oo, kalat na kalat na nga ‘yan sa university e.”

“Paano n’yo po nalaman?”

“Nag-update ng description si Pia sa FB na single na s’ya.” Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi n’ya. Seriously, pinagloloko ba nila ako? Porket ba nag-update ng description na single break na agad? Jusko, people nowadays nga naman.

“Pfft. Ang babaw naman ‘ata no’n?”

“Ano ka ba gurl. Hindi lang ‘yun, kinwento din ng isa sa mga kaibigan n’ya ‘no.”

Tumango na lang ako at umalis na. Gano’n na ba talaga kababaw ang mga tao ngayon kaya pati single na facebook description ng tao may kahulugan na? Hindi ba p’wedeng napindot lang?

Pero sabagay, sinabi naman daw ng  kaibigan ni Pia. Hay ewan, hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot ako sa nabalitaan ko. Kasi naman nakakalungkot, wala ng love life si Stephen at sigurado akong masasaktan s’ya.

But there’s something inside me na natutuwa dahil s’yempre baka magka-chance pa kami. Ay ewan, mali ‘to. Dapat hindi ako matuwa dahil nasira ang relasyon ng dalawang tao. B’wisit.

Napabuntong na lang ako ng makarating na ako sa garden. Dahan-dahan kong binuksan ang nangangalawang na na gate at dumiretso sa isang bench. Kakain na sana ako ng may marinig akong kaluskos galing sa likod ko.

Tumayo ako at tinignan kung sino ‘yun. Si Stephen. S’ya na naman? “Stephen? Anong ginagawa mo rito?”

Humarap s’ya sa’kin at nakita ko ang namamaga n’yang mata. He smiled full of sadness. A fake smile indeed. Naka-awa s’yang tignan. Parang gusto ko s’yang yakapin dahil sa ekspresyon n’ya pero hindi ko magawa.

“Uhmm… Stephen, totoo bang…”

“Totoo bang break na kami ni A— Pia?” pagpapatuloy n’ya sa tanong ko. Tumango ako. “Oo… Wala na kami. I broke up with her.”

Lyrics Of HeartWhere stories live. Discover now