CHAPTER ONE | MEET AND GREET

621 25 15
                                    

A L T H I R A


Write the lyrics of your heart.

Napasabunot na lang ako bigla sa buhok ko. Ano ba ‘yan, ang hirap hirap naman nito. Write the lyrics of your heart? Sobrang hirap naman ng theme ng kanta, write the lyrics of your daw. Wala pa naman ako sa mood mag-compose ng kanta ngayon.

Paano ko gagawin ‘yon? Papalabasin ko ang puso ko para sabihin ang lyrics ng kantang gagawin ko? Jusko, buti na lang at tatlo kaming composer ng kanta kung hindi siguradong nag-back-out na ako sa trabaho na ito.

“Hey, T.” Napatingin ako sa pinto ng k’warto namin ng marinig kong may tumatawag sa’kin. Lumingon ako at nakita si Stephen na nakasilip sa pinto habang tumatawa. So nakita n’ya ang pagsabunot ko sa sarili ko?

“You look’s crazy, T.” I gave him death stares. Sheez, nakakahiya. Swear, mukha akong tanga kaninang sinasabunot ko ang sarili ko. Bwisit kasi itong si Stephen bigla bigla na lang sumusulpot.

I stood and crossed my arms. Feeling maarte kahit gusto kong kainin na ako ng lupa sa kahihiyan. “So you mean you fall in love with a crazy girl? Huh, T?”

Diretso na s’yang pumasok at yinakap ako. What’s with him? Parang s’ya yata ang baliw, bigla bigla na lang yumayakap. “Yes. Na-inlove ako sa babaeng takas sa mental.”

Humiwalay ako sa yakap n’ya at tinulak s’ya bahagya. “Umalis ka na nga dito. ‘Wag mo na akong ihatid. I hate you.”

He held my hands with a grin on his face. “Come on, I’m just joking, T. tara na hatid na kita?”

“Ayaw ko nga.”

“Okay, madali lang naman akong kausap. Pupuntahan ko na lang si Pia.”

Pakiramdam ko kumulo ang dugo ko ng marinig ang pangalan na ‘yon. Like what the— No way! High way! Kinuha ko ulit ang kamay n’ya bago pa s’ya lumabas ng k’warto ko. His black eyes teasingly looked at me and his lips forming a grin. “Tara, alis na tayo.”

He chuckled. Sipain ko ‘to palabas e, nang-aasar ang bwisit. “Alam  ko namang hindi ka makaalis ng hindi ako kasama.”

“Yabang mo tsong!” Lakas talaga ng topak ng isang ‘to. Bumaba na kami at pumunta sa kotse namin.

“Sinong singer n’yo?” tanong n’ya habang nagmamaneho.

“Si Zylina Kang.”

Napatingin n’ya sa’kin na para bang amaze na amaze. So pinagpapalit na ko ng lalaking ito sa Zylina na ‘yon? “Really? She’s a great singer and beauti—“

“Ano? Beautiful woman?” Tumingin ako sa kanya, ‘yong tipo bang malulusaw s’ya. Pero loko nang-aasar talaga s’ya at tinawanan ako!

“Sus, selos naman ‘tong baby T ko. ‘Wag ka ng magselos, ikaw lang ang pinakamagandang babae para sa’kin.

“Edi wow, I hate you.”

“I love you.” He held my hands. Ugh, bwisit ‘tong puso ko ba’t kinikilig ‘di ba dapat naiinis ako sa kanya ngayon?  Lakas kasing maka-‘dumamoves’ nitong panget na ‘to e.

“Kinikilig ‘yan. hindi n’ya tinanggal ‘yong kamay n’ya o!” pagloko n’ya sa’kin. Oo nga ‘no, ang tanga ko talaga, hiniwalay ko ang kamay ko at kunyaring umirap. Nakakainis talaga ‘tong lalaking ‘to.

Pasalamat s’ya pogi s’ya.



Hininto n’ya ang kotse sa labas ng building. Bago pa ako makababa ay hinawakan n’ya ang kamay ko. “Text mo kapag uuwi ka na, ha?” I nodded. “I love you take care.”

“I hate you,” I respond sympathizing each word. “Umalis ka na nga, ‘di tayo bati.”

“Bye Baby T.” Hindi na ko sumagot at sinarado na ang pinto, kunyari galit ako. Nakita ko naman s’yang tumatawa sa loob habang kumakaway pa. Ano kayang nakain ng isang ‘yun at ang lakas ng saltik?


Dumiretso na ako sa work place ng Grazi Entertainment sa pinagtatrabuhan ko kung saan isa akong staff-writer. Pagpasok ko ay nand’on na ang ibang mga nagtatrabaho at isang babae ang nakaupo kulay blue na sofa. Morena, naka-green na skirt at white blouse tapos curly ‘yung buhok n’ya sa baba.

“Kuya, s’ya po ba ‘yung mga makakasama ko?” tanong ko sa isang staff. Tumango naman s’ya kaya tumabi ako. “Uhm… Hi. Ikaw po ba ‘yung makakasama ko sa paggawa ng kanta?”

Tumingin ‘yung babaeng morena sa akin at nginitian ako. Ang ganda n’ya grabe, ang simple n’ya lang, ‘yung mukha n’ya parang may halong ibang lahi. Parang Spanish gano’n.

“Yep, I’m Serena Yaxi Serria,” pagpapakilala n’ya. She offered her hands on mine and I accepted it. “Nice meeting you.”

Ang ganda niya shems, talong talo ang beauty ko! Walang sinabi ang ganda ko grabe. Para siyang model at hindi songwriters.

“What’s your name by the way?” tanong n’ya sa’kin.

“I’m Althira Sanlero.” Napasabi siya ng ‘whoaw’ at hindi ko alam kung bakit. Tumingin lang s’ya sa’kin pero ‘di ko pero pa rin gets ‘yung ibig n’yang sabihin.

“Really? That was, oh my gosh, you’re a great songwriter!” Napa-iling ako bigla sa sinabi ni Yaxi. Hala, baka may kapangalan akong magaling na songwriter! “Can I have an autograph?”

“Hala! Hindi ano, baka nagkakamali ka lang!” sagot ko at tumawa. “Baka frustrated kamo.”

“No, ikaw talaga ‘yun! Idol nga kita, ang galing mong gumawa ng kanta, ramdam na ramdam ang bawat lyrics.” Binobola lang siguro ako ng mga ‘to.

Sasagot pa sana ako pero biglang bumukas ‘yung pinto kaya napunta ang atensyon namin d’on. Napatayo kami— I mean napanganga pala—  nang makita namin ang pumasok. Si Zylina Lexaire Kang lang naman. Ang ganda n’ya. She has a tan and smooth skin. Matured na rin ang mukha n’ya pero ang ganda pa rin n’ya, tapos ‘yung mata n’ya mapungaw at napakaganda kahit na wala s’yang contact lens at itim lang ang kulay.

Napaka-natural ng ganda n’ya. Nginitian n’ya kami at nakipag-beso. Sheez, yung cheeks n’ya ang taba. Ang cute.

“Zylina Lexaire Kang, Zy for short,” pagpapakilala n’ya at inilahad niya ang kanyang kamay sa akin. “Zy Kang.”

“Althira,” sagot ko at tinaggap ang kanyang nakalahad na kamay. “Althira Sanlero. Nice meeting you Miss Kang.”

Sandaling namilog ang kanyang mata sa aking sinabi. “Wow, you’re a great songwriter Miss Althira,” komento niya. “Zy na lang ang itawag mo, Ms. Kang is too formal.”

“You’re such a great singer too Ms— err… Zy.”

“Lets have a seat,” rinig kong sabi ni Yaxi at umupo na kami.

“Our theme is, write the lyrics of your heart, right?” tanong ni Zy, tumango ako. Nakakainis wala akong maisip na kahit isang word man lang na p’wede dugtungan, usually kasi gano’n ako para makabuo ng kanta.

“Ang hirap mag-isip ng lyrics ano, parang wala ako sa mood gumawa ngayon, ewan ko ba kung bakit ako nagkakagan’to,” sabi ko sa kanila.

“Ano ba ang kadalasan n’yong ginagawa kapag wala kayong maisip? Ako rin kasi e.” Marunong din palang mag-compose ng kanta si Zy kahit singer s’ya, ang dami n’yang talent!

Nahagilap ng mata ko ang isang gitara sa gilid ng pinto, kinuha ko iyon at pagkatapos ay nag-indian seat sa lapag. “Minsan naggigitara ako.” Bakit ba hindi ko agad naisip itong gitara?

“Ako nakikinig ng kanta,” sagot ni Yaxi kinuha n’ya ang bote ng tubig sa kanyang bag at uminom.

“Ako naman nagbabasa ng mga nobela lalo na kung tungkol sa pag-ibig ang kanta,”  Zy said.

“Ako gano’n din, I read books while streaming music.”

A brilliant smile flashed on my lips as I’ve thought of an idea. “Alam kong weird ‘to, but what if we tell our own love stories?”

Napakunot silang lahat, as I expect. “What do you mean?” tanong ni Zy.

“What if, sariling k’wento natin ang ikwento na’tin at alalahanin, ‘yun kasi ang ginagawa ko minsan. Pakiramdam ko mas feel ko ‘yung kantang ginagawa ko kapag nirerefer ko s’ya sa sarili kong kwento.”

“Game!” sagot naman ni Yaxi.

“I’m in.”

“Since ako ang nagtustos sa inyo, ako na ang mauuna.” I started streaming the strings of the guitar. “You’re on the phone with your girlfriend she’s upset…”

▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬

How was it? I need your comments— your suggestions!


Lyrics Of HeartWhere stories live. Discover now