CHAPTER TWO | YBWMS ONE |

187 23 13
                                    

Chapter Two | You Belong With Me, Stephen 1

▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬



3 years ago…

“You’re on the phone with your girlfriend, she’s upset
She’s going off about something that you’ve said,
She doesn’t get your humor like I do…”

Hindi ko mapigilang hindi mapasabay sa tugtog sa radio habang nakadungaw ako dito sa bintana ko at tinitignan si Stephen.  Bakit ba kasi pakiramdam ko ginawa para sa’kin ang kantang ‘yan? Saktong sakto ang mga lyrics sa ginagawa ko.

“I’m in the room it’s a typical Tuesday night,
I’m listening to the kind of music she doesn’t like,
And she’ll never know your story like I do,”

Tuesday din ngayon at nakikinig din ako sa music, great, just great. Ako yata ang pinapatamaan ng kantang ito e. Alam ko ang lahat ng nangyari kay Stephen, alam ko ang k’wento ng buhay n’ya, since high school magkaibigan na kami. Pero bakit hindi ako ang pinili n’ya? Akala ko may chance pa pero wala na pala, kasi iba may pala s’yang gusto.

“But she wear short skirts,
I wear t-shirts
She cheer captain, and I’m on the bleachers
Dreaming about the day when you’ll wake up and find
That what you’re lookin’ for has been here the whole time,”

Hay naku Stephen, bakit ba kasi hindi na lang ako? Napakatanga mo naman yata para hindi makitang ako lagi ang nasa tabi mo. Buti pa ang You Belong With Me ni Taylor Swift happy ending, samantalang ako una lang ang magkatugma. Sabagay sino ba naman ako para magustuhan n’ya? Maganda ang girlfriend n’ya, sexy. Kamusta naman ako? Isang babaeng nagtatago sa malaking salamin at t-shirt.

If you could see that I’m the one who understand,
Been here all along so why can’t you see
You belong with—“

Bwisit! Biglang nag-block out! Wrong timing naman, kung kailan sasabihin kong you belong with me saka naman nawalan ng power. Grabe ang galing tyumempo. Sign na siguro ‘to na hindi talaga kami para sa isa’t isa. May galit ba ang mundo sa’kin at ayaw n’ya kong bigyan ng kahit isang chance lang na masabing, ‘You belong with me’?

Buti na lang at mayro’n akong glow in the dark na rosaryo na nasa altar kaya hindi medyo madilim. Dahan dahan akong tumaya para kumuha sana ng kandila ng biglang magbukas ang pinto ng dorm ko. May papasok at may hawak s’yang kandila kaya lumiwanag ang sala pagpasok n’ya.

“Stephen? Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya, tumabi s’ya sa’kin sa sofa.

“Uhm… nagdala ng kandila. Alam ko kasing wala ka e,” sagot n’ya sakin. Kahit na madilim kitang kita ko pa rin ‘yung ngiti n’ya.  Sheez.

‘Yun lang ang sinabi n’ya pero pakiramdam ko ang daming paru-paro sa t’yan ko. Sheez. Ano ba ‘to? Alam mo ‘yung pakiramdam na parang concern s’ya sa’yo na baka mapano ka, sa isip ko gano’n ang iniisip ko na dahilan kung bakit s’ya nandito ngayon.

Calm down Althira, pinagdalhan ka lang n’ya ng kandila, ‘wag kang masyadong assuming.

“Heto pala, kunin mo na, may reserba pa ako sa dorm.” Kinuha ko ‘yung  kandila sa kamay n’ya, tumayo na s’ya paalis. “Sige mauna na ako.”

Ayos din pala ang black out na ‘to. Kung hindi dahil dito hindi ako pupuntahan ni Stephen. Talagang gumaganda ang araw ko kahit gabi na, at kahit kaninang umaga lang ay nakita n’ya akong napahiya sa maraming tao. Stephen, you really make my day.

Pumunta na ako sa kwarto ko para matulog, pinatong ko ang kandilang binigay sa akin ni Stephen sa tabi ng lampshade at tinitigan ‘yun. Stephen, hindi ba p’wedeng ako na lang?

Hey Stephen, I know looks can be deceiving
But I know I saw a light in you
As we walked we were talking
And I didn’t say half the words I wanted to.”

Hindi ko mapigilang hindi mapakanta habang nakatitig sa kandila. My looks deceive you Stephen. Pero sana makita mo na ang tunay na ako.

“Of all the girls tossing rocks at your window
I’ll be the one waiting there even when it’s cold,
Hey Stephen, boy, you might have me believing
I don’t always have to be alone,”

Pero paano mo pa ba ako mapapansin kung ang dami ng naka-aligid sa’yo? Kung may girlfriend ka na? Paano pa kita hihintayin kung may kasama ka ng iba? I don’t always have to be alone, pero sa tingin ko ito na talaga ang destiny ko. Sabagay, may makikita pa naman siguro akong iba bukod sa kanya.

Cause I can’t help if you look like an angel
Can’t help if I wanna kiss you in the rain so
Come feel this magic I’ve been feeling since I met you
Can’t help if there’s no one else
Mmm, I can’t help myself.

You’re an angel Stephen, siguro kaya maraming nagkakagusto sa’yo dahil gwapo at mabait ka. Siguro gano’n ka lang talaga. Siguro likas na talaga sa’yo ang pag-aact bilang angel. But there’s no other feeling. Ako lang talaga siguro itong nagbibigay ng malisya sa mga ginagawa mo.  Hanggang doon lang siguro ‘yun. I’m alone feeling this magic. I’m dreaming kissing you in the rain.

---

I walked silently on the road. Akong mag-isa ang pumupunta sa eskwelahan. Sino pa ba ang makakasabay ko kung wala naman akong kaibigan? Nakayuko ako habang naglalakad when suddenly someone grabbed my arms. Tumingin ako sa likod at nakita ko s’yang nakangiti.

Si Stephen.

“Hey, bakit wala kang kasabay?” tanong niya at sinabayan ako sa paglalakad.

“Wala naman talaga akong kasabay ‘no. Hello, sino pa ba ang sasabay sa’kin?” sarkastiko kong sagot sa kanya.

“Meron kaya.” Napatigil ako sa sinabi n’ya. Sino Stephen?

Ikaw ba? Oo, ang ine-expect kong isasagot n’ya ay: Meron kaya, ako.

“’Yung anino mo.” Tumawa s’ya pagkatapos sabihin ‘yun. Samantalang ako gusto kong bumuntong hininga ng pagkalakas-lakas. Ang galing ko talagang manghula ng sasabihin n’ya.  Ang assumera ko kasi e.  Oh great, nakalimutan ko na naman kanina na isa s’yang joker.

“Huy, bakit hindi ka tumatawa? Nakasimangot ka na naman. Ang laki-laki na nga ng salamin mo tapos nakasimangot ka pa?” sabi n’ya sa’kin. “Naku, lalo kang papangit n’yan.”

Ang galing n’ya, ha? Nakuha n’ya pa akong inisin. Ang sarap n’yang batukan.

“So, sinasabi mo pangit ako?” I stopped, crossed my arms and raised my eyebrows. “Huh? Ako ba niloloko mo?”

Tumawa na naman s’ya. Sheez, baliw yata ito e. “Ang taray-taray mo naman. Syempre joke lang ‘yun, tara na nga.”

“Ewan ko sa’yo, bakit ba kasi hindi mo dinala ang kotse mo?”

“’Wag ka ng magreklamo ayan nga and’yan na tayo e.” Tumigil s’ya atsaka lumapit sa’kin sabay bulong sa’king tainga. “Ayaw mo no’n sabay tayo?”




That’s the only word he said but I felt my heart skips a beat.

Lyrics Of HeartWhere stories live. Discover now