CHAPTER THREE | YBWM 2

125 18 17
                                    

CHAPTER THREE
YBWM 2

"Ayaw mo no'n sabay tayo?"

"Ayaw mo no'n sabay tayo?

"Ayaw mo no'n sabay tayo?"

"Ayaw mo no'n sabay tayo?"

Oo, hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-recover sa sinabi ni Stphen, lunch na pero lutang na lutang pa rin ako. Ewan ko ba kung bakit napakalaking epekto n'on sa'kin. Nakakabaliw lang mag-isip.

Hindi ako makakain, nakaupo lang ako dito sa garden ng Saint Mary University. As usual, mag-isa na naman ako may bago pa ba do'n? Sino ba ang makikipag-kaibigan sa isang tulad ko? Big eyeglasses, long skirt ('Yung tipong mukha na akong madre), at long braided hair. Yes I'm a nerd, pero hindi naman 'yung tipong pinandidirihan ako ng ibang students.

Siguro talagang hindi lang nila feel makipagkaibigan sa akin, masyado kasi akong mahiyain.

I hugged myself as the cold wind embraces me. Then suddenly a memory flashback on my mind. Naalala ko na naman 'yung nangyari noong isang araw, nandito din ako no'n at sa sobrang lamig napayakap ako sa sarili ko.

Not knowing na nakalagay na pala ang jacket ni Stephen sa likod ko at nand'on rin pala s'ya. Naka-crossed arms at nakatitig –I mean nakatingin lang pala sa'kin, masyado akong ambisyosa e.

Nabalik ako sa aking huwisyo nang makita ko si Pia, transferee girlfriend ni Stephen na naglalakad sa hallway kasama ang mgakaibigan niya. No doubt why did Stephen choose her. Sa ganda n'ya pa lang talo na ako tapos mabait pa s'ya ano na lang panglaban ko?

Halata naming bagay na bagay sila, halos hindi na nga magkalayo ang mga mukha nila. 'Di ba sabi ng iba 'yung mga taong bagay talaga ay halos magkahawig na. Wala na naman akong magagawa,mukhang gusto talaga nila ang isa't isa, sobrang sweet nga nila e.

Gusto ko s'ya, oo, pero 'di ba hindi naman ibig sabihin na gusto ko s'ya ay gusto kong maging kami na agad? Syempre gusto kong mangyari 'yun, pero kung alam ko namang may mahal s'yang iba bakit pa ako aasa? Siguro hanggang paghanga na lang talaga ako sa kanya.

Ayaw kong makasira ng isang relasyon para lang sa sarili kong kagustuhan. Hay ano ba ang drama ko naman. Saklap kasi ng love life ko e. Napabuntong na lang ako.

"Pangatlong buntong hininga."  Napatingin ako sa side ko kung saan nanggaling 'yung boses at nakita ko si Stephen. "So, all this time ngayon mo lang ako napansin?"

"Hala, anong ginagawa mo dito?" gulat kong tanong ko sa kanya.

"Naka-upo." Tinignan ko s'ya ng masama. Ganda ba naman ng sagot.

Jusko kung hindi ko lang gusto 'tong isang 'to matagal ko ng pinatapon sa Pluto sa kapilosopohan. "Gusto mo bang masapak?"

"S'yempre ayoko, sino ba namang may gusto? Baka naman ikaw gusto mo?" I clenched my fist at ramdam ko ang pamumula ko. At s'yempre, tinawanan lang ako. Naku, talagang sumosobra   na 'tong lalaking'to a. "Ang pula ng mukha mo, mukha kang kamatis!"

"B'wisit ka! Lumayas ka nga sa harapan ko!"

"Ano ba, Althira, wala ako sa harapan mo, nasa side mo kaya ako." Wengya 'tong lalaking 'to. Ang lakas ng trip. Tataas ko na sana 'yung kamay ko para sapakin s'ya pero 'wag na lang, baka isipin n'ya chinachansing ko s'ya.

Ay hindi n'ya naman pala alam na gusto ko s'ya, itutuloy ko na nga.

"Aray naman!" Hindi ko na s'ya hinintay tumayo at umalis na ako.

Pasimple ka pa Althira, edi naka-score ka.

I secretly smiled. Sa totoo lang dalawa ang purpose kaya ko ginawa 'yun. Una, para mahawakan ko s'ya. Pangalawa, para ako makaganti sa kanya. Naku, nagiging desperada na ako a.

"Nginingiti-ngiti mo d'yan?" Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko ang boses ni Stephen. Putek, ano na namang ginagawa ng mokong na 'to? Nakakainis, baka mabisto n'ya pa ako.

"Ano na namang ginagawa mo dito? Sinusundan mo ko 'no?" sarkastiko kong sabi na nagpahalakhak sa kanya. "Baliw."

"Sinusundan ka agad? Hindi ba p'wedeng pareho lang tayo ng papasukan na subject?" Sheez. Burn, Althira, burn. Masyado na talaga akong nagiging assuming. Jusko, mahahalata ako nito dahil sa katangahan ko e. "O, pahiya—"
Hindi na n'ya natuloy ang sinasabi n'yang may makabungguan s'yang isang estudyante. Matangkad, maputi, baligkinitan, singkit, chi— tama na, parang na-iinsecure na lang ako e. Pinulot ni Stephen 'yung mga gamit no'ng babae samantalang 'yung babae naman pinapagpag ang palda n'ya.

Pagkatayo ni Stephen at ibinigay ang gamit sa kanya halatang na-starstruck 'yung babae. Halos hindi na nga bitawan ng babae ang kamay ni Stephen no'ng ibigay sa kanya ang gamit n'ya e.

At nakuha pa n'yang ihawi ang buhok n'ya sa tainga habang nakangiti. "Elisa Vergara," rinig kong sabi no'ng babae sabay lahad ng kamay n'ya.

Stephen accepted her hands. "Rex Stephen Fajardo, ayos ka lang ba Miss— Elisa?"

Tumango 'yung babae at ngumiti ng pagkalapad. "Nice meeting you, Rex."

Sus, nice meeting daw e kilalang kilala na 'yang si Stephen dito. Naku, don't me. 'Wag n'ya lang sabihing hindi s'ya kasama sa 3.5K na follower ni Stephen sa Facebook, twitter at instagram.

At mas lalong 'wag n'yang tatawaging Stephen si Rex Stephen kung hindi mapapatay ko s'ya.

"See you around, Elisa." Umalis nakami do'n pero 'yung mata ko nando'n pa rin sa babae. Jusko, nagtatalon ba naman habang yakap-yakap 'yung librong hinawakan ni Stephen. Tapos no'ng tumingin s'ya sa direksyon namin napataas 'yung kilay n'ya ng makita n'ya ako.

Ow, sheez. Lagot. Mali 'tong ginagawa ko, may boyfriend pala si Stephen. Hindi p'wede 'to, baka anong isipin ng mga tao. Baka isipin pa nila sinisira ko ang relasyon ni Stephen at Pia.

Agad akong humiwalay kay Stephen at nauna ng naglakad sa kanya.

"Wait, Althira, hintayin mo ko!" rinig kong tawag n'ya sa'kin. Haharap sana ako pero narinig ko ang boses ni Pia.

"Babe! Kanina pa kita, hinahanap. Saan ka nanggaling?"

Lumingon ako at nakita kong hinalikan ni Stephen sa pisngi si Pia. Mas lalo ko na lang binilisan ang lakad ko at nagkunyaring hindi ko sila nakita kahit ang totoo ay halos humagulgol na ako dito sa sakit.

Reality hits so hard.

Masyado na akong nag-aasume. Masyado na akong umaasa. Dapat itigil ko na ang ginagawa ko mas lalo lang akong masasaktan kung itutuloy ko pa ang ginagawa ko. Akala ko bang hindi na ako aasa? Pero bakit ginagawa ko pa rin 'to?

Lyrics Of HeartWhere stories live. Discover now