Love Me if You Can Special Chapter 1

20.6K 287 1
                                    

* * Celest * *

"Good morning my love!" Bati sa kanya ng asawa.

She hid her face with the blanket before peeking at him again kahit na kasi may limang taon na silang kasal ng asawa ay parang bago pa din sa kanya ang makita ang mukha nito sa bawat pagmulat niya. Nagugulat pa din siya sa kagwapuhan nito na kahit ata bagong gising ay walang kupas.

"Morning love," mahina niyang bati bago muling pumikit.

"Oops, don't fall asleep again. The kids have been waiting to see their beautiful mother since 6 AM." Doon siya biglang napabalikwas. She usually wakes up at around 5 AM to fix the kids' baon.

"Anong oras na ba? Nako! Hindi ba nakapasok si Aicelle at Ace?"

"My love, it's a Sunday and besides it's just 9 AM. Iniintay ka lang talaga nila. Kasama nila ang mga yaya nila sa may pool ngayon." Hinaplos nito ang mukha niya bago siya hinalikan sa pisngi.

"Pasensya ka na ah, hindi ako nakapagluto ngayon. Madami kasi akong tinapos na trabaho kagabi. Kukuhain kasi ni Phoenix yung mga papeles mamaya eh." Umupo na siya sa kama at nag-inat.

Alas-dos na kasi siya ng umaga nakatulog dahil sa mga tinatapos niyang reports para sa Celestia Hotel na ibibigay niya kay Phoenix. Ito na kasi ang hands on doon mula noong mag-relocate sila ni Aidan sa Tagaytay.

"Ano ba yang si Phoenix kahit Sunday nagtatrabaho. Akala ko noong ikasal siya eh magpapahinga naman ng kaunti. Hindi naman pala." Sabi ni Aidan.

Naging close na din si Aidan sa kaibigan mula noong ito ang nag-ayos sa kanilang mag-asawa. They both owe him a huge chunk of gratitude kasi tinulungan sila nito nung time na akala niya ay tapos na talaga sila ni Aidan.

"Kasama niya si EJ mamaya, mamamasyal ata sila eh." She smiled.

"Ah, hayaan mo baka may dalang pagkain. Masarap pa naman magluto ang mokong na yun!" Natatawang sabi ni Aidan.

Isa kasi iyon sa nakasanayan nila sa kaibigan, palibhasa ay magaling sa kusina at mahilig pang magyabang kaya palaging nagluluto. Little did he know na nang-aasar lang sila para magluto ito at makain nila. Kaya bagay na bagay silang mag-asawa eh! Magaling din kasing magluto si EJ.

"Ikaw talaga Aidan! Tara na nga sa mga bata. Kumain na ba kayo?"

"Pinakain ko na sila kanina, I am waiting for you para may kasabay ka." Inabot nito ang kamay niya at magkasabay silang naglakad pababa at patungo sa pool.

After five years of marriage one would think na lilipas na ang sweetness at yung alaga nila sa isa't isa pero parang kabaliktaran ang nangyayari. As each day progress ay mas lalo siyang naiinlove sa asawa, she feels as though everyday brings her more reasons to love her husband, the love of her life and the father of her kids. Minsan nga ay kinukutot niya ang sarili niya para malaman na gising siya eh.

"Mommy!" Halos sabay na sigaw ng dalawa bago nagmamadaling umahon sa tubig.

"Kids! Huwag kayong tatakbo! Madulas!" Maagap na paalala ng asawa niya sa mga bata. Napangiti na lang siya sa nakikita niya. Hindi siya nagkamali na magiging mabuti ngang tatay si Aidan, she guessed it right from the moment they both heard the twins's heartbeat. She knew right away na mali ang una niyang naisip na aabandunahin sila nito. She should have known better.

"Oh, hanap niyo daw ako?" Nakangiti niyang niyakap ang mga anak kahit na basa ang mga ito.

"Mommy, we wanted to see you right away!" Masayang sabi sa kanya ng panganay na si Ace. Nauna kasi ito ng ilang minuto sa kapatid. Nakakatuwa ngang magkaibang araw niya naipanganak ang kambal, si Ace ay March 27 ng 11:57 PM habang si Aicelle naman ay noong March 28 ng 12:01 AM. Katulad din kasi ng mga kaarawan ng mga ito ay napakaiba ng mga ugali ng mga bata.

Love Me if You Can | ✅Where stories live. Discover now