Prologue

1.4K 40 24
                                    

"Please maawa ka, h'wag mong gawin sa'kin ito, please" kasabay ng pagbuhos ng aking mga luha at halos mamaos na ako sa pagmamakawa sa kanya, habang ako ay paatras ng paatras ng higa sa kamang kinaroroonan ko, pero tila ata ito'y nabingi at hindi ako pinakinggan.

Ipinagpatuloy nya ang paglapit sa akin at guhit-guhit sa kanyang mga labi ang malademonyong ngiti.

"Mula ngayon akin ka na Julia!" nagpakawala ito ng malademonyong halakhak na tila'y mangingilabot ka kapag ito ay iyong narinig.

Nawawalan na ako ng pag-asa na makawala pa sa bitag ng kapahamakan na paniguradong mababago nito ang aking buhay at pagkatao.

Unti-unti itong lumapit sa akin habang ako'y patuloy ang pag agos ng aking luha at panginginig ng buo kong katawan dahil sa takot.

Pilit akong nagpumiglas ng sapilitan nya akong halikan, ngunit talaga ngang sobrang lakas nito, hinawakan nito ang magkabila kong kamay at iginiya ito sa ulohan ko at kanya itong itinali sa headboard ng kama.

Hagulgol at sigaw nalang ang kaya kong gawin sa mga oras na ito. At nananalangin na sana ay may dumating upang ako'y tulongan. Hindi ko kayang manlaban dahil nakatali ang mga kamay ko. Wala akong magawa para ipagtanggol ang aking sarili na kalimitan kong ginagawa sa ibang tao.

"Kahit mamaos ka pa kasisigaw d'yan, walang makakarinig sa'yo. Remember, nasa gitna tayo ng gubat" bumaba ang halik nito sa aking leeg at ramdam kong nagiiwan ito ng mga marka dahil sa tindi ng paghalik nito, para bang sabik na sabik ang hayop na ito.

Pilit parin akong nagpupumiglas kahit alam kong wala na akong magagawa pa. Alam kong ito na ang simula ng pagkawasak ng buhay, puso, kaluluwa at pagkatao ko. Sana'y isang masamang panaginip nalang itong mga nangyayari sa akin ngayon. Sana, pero hindi.

__________
THANK YOU

Don't Forget to VOTE and COMMENT

Misery Turns To FelicityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon