One

1.2K 40 25
                                    

Julia's POV

Mula sa sala ay rinig na rinig mo ang masasaya nilang kwentuhan at tawanan ng aking mga magulang kasama ang mga bisita hanggang dito sa kusina na kinaroroonan ko.

"Oh, anak ba't nandito ka, bakit hindi mo samahan ang mga magulang mo na harapin ang mga bisita?" tanong ni Nay Stella habang bitbit ang mga pinagkainan ng mga bisita kanina at inilapag ito sa lababo.

"Eh Nay, wala naman akong alam sa pinag-uusapan nila. Tyaka tutulong na lang po ako dito" tugon ko dito at ginawaran ng malawak na ngiti. Si Nay Stella ang naging katulong namin mula ng mag-asawa ang aking mga magulang at sya din ang naging yaya ko mula pa sanggol ako dahil abala ang mga magulang ko sa kani-kanilang mga trabaho, pero kahit ganoon pa man ay may oras pa din sa akin si Mama at Papa.

"Julia, h'wag na kami na lang para saan pa't ang daming mga katulong" kinuha nito ang hawak kong pinggan at towel tyaka nya inayos ang aking damit.

"Sige na Julia, pumunta ka na s---"

"Julia, halika ipapakilala ka namin kay Mr. and Mrs. Monteverde at sa kanilang anak" nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Mama papuntang sala.

"Ma naman, h'wag mo naman akong gugulatin" maktol ko kay Mama habang kami'y naglalakad. Napatingin ako sa pinanggalingan ko at nakita kong ngumiti si Nanay Stella sa akin.

"Sorry, gustong-gusto ka kasi makilala ng mag-asawa" pagkarating namin sa sala ay isang malapad na ngiti ang ibinungad sa akin ng mga tao na akin din namang sinuklian ng matamis na ngiti.

"Wow, ang ganda naman ng anak ninyo Olivia at Alfonso" puri sa akin ng babaeng kasing edad ni Mama habang nakatingin ang mapanuri nitong mga mata sa akin, sinuklian ko lang ito ng ngiti pati na si Mama at Papa.

"Syempre naman, kanino pa ba mag mamana" malakas na tawanan ang itinugon ng mga tao sa sala.

"Julia, this is Mrs. Clarita Monteverde, and this is Mr. Joaquine Monteverde, and this is their son Albert Monteverde. Everyone this is my only daughter Julia" turo nito isa-isa, ngunit ganon na lamang ang pagkamangha ko ng dumako ang tingin ko sa kanilang anak na si Albert. Napaka perpekto ng pigura nito pero tila yata isang bato at robot ito dahil walang mababakas na emotion mula sa perpekto nitong mukha.

"Uhm, good day po" kinamayan ko sila at isang pagbati at matamis na ngiti ang iginawad ko sa kanila. Nang kamayan ko si Albert ay ramdam ko ang pagpisil nito sa aking palad na tila'y nakuryente ako at binitawan ko agad.

Nagpatuloy ang masaya nilang kwentuhan kasama ako at nagtanong sila sa akin ng kong ano-ano tulad ng mga hilig kong gawin at pinagkakaabalahan sa buhay. Minsan ay nahuli ko si Albert na nakatingin sa akin, nakakakilabot at nakakatakot ang pamamaraan ng pagtingin nya sa akin, parang hinahagod nya buong pagkatao ko. Umiwas na lang ako ng tingin.

Nagpaalam ako sa kanila at nagtungo ako sa may Garden, parang gusto ko muna ng tahimik kaya dito sa Garden ako nag tungo.

"Julia!" kinilabotan ako sa malamig at matagis na boses na tumawag sa pangalan ko. Tiningnan ko ito at nalaman kong sinundan pala ako ni Albert dito.

Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin ko kaya minabuti ko na lang na itikom ang bibig ko. Napaka seryoso talaga ng mukha nito walang mababakas na emosyon mula rito.

Literal na nanlaki ang mata ko dahil sa gulat ng bigla-bigla ay halikan ako ng lalaking ito, a passionate kiss. Dahil sa gulat ay nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Nang matauhan ako ay agad ko itong tinulak at sinampal ng napakalakas na naging sanhi ng pamumula nito. Napahawak sya sa pisngi nitong nasampal.

"Anong karapatan mong kunin ang unang halik ko ha? Eh hamak na stranghero ka sa akin" singhal ko dito dahil sa galit ko, nanggagalaiti ang mga mata ko at gumagalaw ang panga ko dahil sa galit.

Sa halip na sagotin ako ay agad nitong hinila ang batok ko at ipinulupot ang isang braso nito sa baywang ko at hinalikan na naman nya ako ulit. Pilit akong kumakawala sa mga halik nya pero napaka higpit ng pagkakayakap nya sa baywang ko at pagkakahawak nya sa batok ko. Tumulo na ang mga luha ko sa kapipiglas habang syay patuloy pa rin ang paghalik nya sa mga labi ko, parang sabik na sabik ito.

"Julia nasaan ka?" rinig naming tawag sa akin ni Nay Stella. Agad naman akong pinakawalan ni Albert at tumayo ng tuwid at medyo dumistansya sa akin na nagkunwaring walang nangyari, pinunasan ko naman ang mga luha ko para hindi makahalata si Nay Stella.

"Nandito ka lang pa lang bata ka kanina pa kita hinahanap. O tara na sa loob magpahinga ka na daw sabi ng Mama mo" sobrang laki ng pasasalamat ko na dumating si Nanay Stella dahil kong hindi baka kong ano na ang nagawa sa akin ng lalaking ito. Agad naman akong sumama sa kanya at iniwan si Albert mag-isa sa Garden. Liningon ko ito bago umalis at nakita ko ang pag ngisi nito sa akin.

Agad akong inihatid ni Nanay Stella sa aking silid. Bago ako magpahinga ay naligo muna ako at nagbihis. Tiningnan ko ang orasan at 10:56 na pala ng gabi.

Lumipas ang mga oras at hindi mawaglit sa aking isipan ang nangyaring kapangahasang ginawa sa akin ni Albert kanina sa Garden, tila ba'y paulit-ulit na sumasagi sa aking isipan ang pagkawala ng unang halik ko.

Mawawala na nga lang ang first kiss ko, sapilitan pa ang pagkuha at sa taong di ko naman boyfriend at higit sa lahat sa taong di ko pa gaanong kakilala.

Pabaling-baling ako ng higa mula sa aking kama, hindi ako makatulog. Tiningnan ko ang orasan at pasado alas dos na nang madaling araw. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at isinuot ang kulay maroon kong roba at nagtungo sa balkonahe ng aking kwarto upang magpahangin at magpa antok, pero ganoon na lamang ang gulat at pagtataka ko ng may makita akong bulto ng isang lalaking naka jacket ng itim at nakasumbrero nasa harapan ng aming gate at nakatingin sa kinaroroonan ko, pilit kong inaaninag ang mukha ng lalaki pero hindi ko ito masilayan hanggang sa ito'y tumalikod at agad na naglakad paalis sa kinaroroonan nya kanina. Agad na din akong pumasok at isinarado at ni-lock ko ang sliding door ng balkonahe at pilit na pinatulog ang sarili.

"Julia, gising na!" katok ni Mama bago pumasok sa aking silid dala ang tray ng pagkain.

"Good morning Ma, ba't ka pa nagdala ng breakfast dito eh pababa naman na po ako" hinalikan ko sa pisngi ni Mama habang inaayos ko ang hikaw ko. Inilapag ni Mama ang tray sa Desk sa tabi ng bintana ng aking kwarto.

"Good morning too. Eh akala ko tulog ka pa, tyaka ba't ang aga mo ngayon at nakabihis ka, may hearing ka ba ngayon?" bumalik ako sa harapan ng salamin at sinuri ang aking sarili, at ng makuntento ako sa aking itsura ay tyaka ko lang sinagot si Mama.

"Opo Ma, ngayon kasi ang huling hearing ng hawak kong kaso" lumapit ako kay Mama.

"Oh sya, kumain ka na para may lakas kang maipagtanggol ang kliyente mo, sige baba na ako. Good Luck!" hinalikan ko muli ito sa pisngi at nagpasalamat, nagpaalam na ito at lumabas na ng aking silid.

Habang kumakain ako ay biglang sumulpot sa aking isipan ang nakita kong lalaki sa harap ng gate ng bahay namin kagabi. Ano kaya ang ginagawa nito doon kagabi at sino kaya 'yon? Tanong ko sa aking sarili, nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Pagkatapos kumain ay agad kong ibinaba ang pinagkainan ko at inilagay sa lababo, nadaanan ko si Nanay Stella at binati ko ito ng may ngiti sa mga labi.

Hinanap ko naman ang aking mga magulang upang makapagpaalam para makaalis na ako, at natagpuan ko sila sa may Garden na nag a-almusal habang nagbabasa ng dyaryo si Papa.

"Ma, Pa! Alis na po ako" agaw ko sa atensyon nila at hinalikan sila pareho sa pisngi.

"Sige, mag-ingat ka" bilin sa akin ni Papa. Lumabas na ako ng Garden at nagpahatid na lang ako sa driver.

Pagkarating ko sa trial court ang pagbati ng mga tao ang agad na bumungad sa akin, na binati ko din pabalik.

"Good morning Atty. Julia Valdes" bati sa akin ni Atty. Cruz, abogado ng nasasakdal.

"Magandang umaga din sa 'yo Atty. Cruz" isang ngiti ang iginawad ko dito.

Makailang minuto lang ay dumating na ang judge at nagumpisa na ang hearing.

__________

Plagiarism is a CRIME!

THANK YOU

Don't Forget to VOTE and COMMENT

Misery Turns To FelicityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon