Two

904 33 15
                                    

Masaya ako na naipanalo ko ang kasong hawak ko. Ang kasong iyon ay napaka common na sa mga tao, minamaltrato ng asawang lalaki ang kanyang asawa at mga anak tuwing ito ay nalalasing at ang masaklap pa doon ay ang paulit-ulit na pang gagahasa nito sa asawa nya.

Ang mga ganoong lalaki ay hindi sapat ang kulongan para pagbayarin ang mga ganong kahayopang ginawa nito sa kanyang pamilya. Ang mas bagay doon ay ang kamatayan na ang tawag ay Death Penalty, pero hindi pa naisasabatas ang ganoong parusa dito sa Pilipinas dahil sa iba't-ibang dahilan.

Nabalik ako sa ulirat ng mag ring ang aking cellphone, sinagot ko ito.

"Hello?" nagtatakang sagot ko sa kabila, dahil ang tumawag ay ang kliyente ko.

"Hello Atty. gusto ko lang pong magpasalamat ulit sa inyo, kung hindi po dahil sa inyo baka patuloy pa rin ang kahayopang ginagawa sa akin ng aking asawa, maraming salamat po talaga" may sinseridad ang boses nito na buong nagpasalamat sa akin. Sa katunayan ay ako ang nag udyok sa kanya upang idemanda ang kanyang asawa dahil hindi ko kayang pabayaan lang ang mga taong naaapi at naabuso. Ikinuwento sya sa akin ng isa sa malapit kong kaibigan na si Bea kaibigan nya din, dahil sa awa sa kanya ni Bea ay si Bea na mismo ang lumapit sa akin at humingi ng tulong na tulongan ko ang kaibigan nito, at sino ba ako para tanggihan ang mga taong kailangan ng tulong ko.

"Ano ka ba, walang ano man. Tungkolin ko ang ipagtanggol ang mga taong nangangailangan ng tulong" napakasarap talaga sa pakiramdam na napapasalamatan ka dahil natulongan mo sila, napakagaan ng pakiramdam.

"Maraming salamat po talaga, napakabuti nyio, sige po Atty." ibinaba na nito ang tawag at napangiti na lang ako, nakatulong na naman ako.

Tok! Tok! Tok!

"Come in"

"Julia tinatawag ka ng Papa mo, may gusto daw s'yang sabihin sa'yo" si Nay Stella. Sumunod na ako sa kanya at pinuntahan namin si Papa sa Library ng bahay.

Bago ako pumasok ay kumatok muna ako ng tatlong beses. Pagpasok ko ay bumungad sa akin si Mama at Papa na seryoso ang mga mukha, nagtaka naman ako kong bakit ganon ang reaksyon ng kanilang mga mukha.

"Pinatawag niyo daw po ako Pa?" pagkasara ko ng pinto ay agad akong tumayo sa harapan nila ng may pagtataka sa aking mukha.

"Yes, please seat down" umupo ako sa may couch na nasa harapan at seryoso ding tinitigan ko sila. I can sense na may maling nangyayari. Tumikhim muna si Papa bago ito magsalita.

"Julia, naaalala mo ba ang bahay natin sa San Lorenzo?" umpisa ni Papa sa magiging diskosyon namin.

"Opo Pa, bakit po?" paanong makakalimutan ko ang lugar at bahay sa San Lorenzo, eh doon ako pinanganak at doon din ako lumaki. Napakaraming masasayang alaala ko doon lalo na sa bahay namin doon kasama ang mga magulang at lolo't lola ko, kaya hinding-hindi ko makakalimutan 'yon.

Lumipat lang kami ng Manila mula ng mamatay ang Lola at Lolo ko dahil sa isang aksidente ng minsa'y pauwi na sila ng bahay galing sa reunion nilang nagkakaklase noong high school. Isa din ang rason kong bakit kami lumapiat ng Manila ay napagdesisyonan ng aking mga magulang na magpatayo ng sarili nilang business na. Nagpatayo sila ng sarili nilang bangko at pharmaceutical company gamit ang pinagsama nilang pera dahil galing silang pareho sa mayamang pamilya.

Dahil sa sipag at tyaga ng aking mga magulang ay lumago ang business nila at nag karoroon ng maraming branch all over the world.

"Kinausap ako kanina ng Ninong Richie mo at sinabi nyang gustong bilhin ng Mayor ng San Lorenzo na si Mayor Jhonny Salvador ang bahay natin dahil sa maituturing ang bahay natin doon na pinaka matanda at pinaka antik sa buong bayan ng San Lorenzo, ipinamana pa ng mga Lola't Lolo ko sa mga magulang ko at sa akin, pumayag man tayong ibenta ito o hindi ay wala daw itong pakialam. Alam mong napaka importante sa pamilya natin ang bahay na iyon Julia, kaya gusto ko sana na pumunta ka ng San Lorenzo at ikaw mismo ang mag ayos nito" tulad ng dati ay seryoso ang boses ni Papa habang ito'y nagsasalita.

"Sige po Papa, bukas na bukas din ay pupunta ako ng San Lorenzo upang ako mismo ang kakausap kay Mayor Salvador" ako man din ay hindi makakapayag na makuha nila ang bahay namin. Kahit sino pa ang maka bangga ko.

Ang mga Salvador ay kilala sa buong San Lorenzo lalo na sa mundo ng politika, mula pa noon ay sila na ang namumuno sa buong lugar mula sa pinaka mataas na posisyon hanggang sa pinakamababa ay Salvador ang nakaupo. Pero lingid sa kaalaman ng nakakarami ang mga ilegal nilang gawain kagaya ng pangungurakot at pag i-import ng mga ilegal na droga at baril papasok sa Pilipinas, pati na rin sa walang humpay nilang pagpatay sa mga taong komokontra sa kanila.

"Alfonso! Ano, ilalagay mo sa kapahamakan ang anak mo, alam mo kong ano ang kayang gawin ng mga Salvador kapag kinontra mo sila, kaya nilang pumatay masunod lang ang hangarin nila. Alfonso naman, h'wag mong ilagay si Julia sa sitwasyong ikakapahamak niya" napatayo na si Mama at mababakas sa boses nito ang pagka disgusto sa balak ni Papa.

"Olivia, hindi mapapahamak ang anak natin. Magpapasama ako sa kanya ng mga bodyguards, at para saan pa't naging magaling na Abogada ang anak natin, sya ang makakapag ayos ng gusot sa bahay at lupa natin sa San Lorenzo" napatayo na din si Papa at mukhang nagkakaroon na ng tensyon ang mga magulang ko kaya nakapag desisyon na ako.

"Ma, Pa. Sige po Pa gagawin ko ang pinag uutos mo po, gagawin ko ito para sa inyo at para na rin kay Lolo at Lola" nginitian ko sila pareho. Gusto ko ding tumulong dahil mahalaga sa pamilya namin ang bahay at lupa na iyon.

"Anak" tiningnan ko si Mama at bakas sa kanyang mukha ang labis na pag aalala para sa akin. Pero siniguro ko sa kanya na wala dapat syang ipag alala at isa pa'y tulad ng sinabi ni Papa pasasamahan nya ako sa mga bodyguards.

"Julia, h'wag na h'wag kang gagawa ng bagay na ikaka disappoint ko at ikakapahiya ng pamilya natin" may katigasan ang boses ni Papa, at opo na lang ang naisagot ko habang nakayuko ako.

Lumabas na ako ng Library at pagkasara palang ng pinto ay rinig ko na agad ang pagtatalo nila Mama at Papa tungkol pa rin sa pag punta ko ng San Lorenzo.

Naglakad na ako palayo sa Library at habang naglalakad ay naramdaman ko ang pagkauhaw ay at agad akong bumaba patungong kitchen pera kumuha sana ng tubig, pero ng ang pinakamababang palapag na lang ng hagdanan ay bigla na lang akong natapilok at agad na bumagsak sa sahig, dahil sa sakit ng paa ko ay napasigaw ako narinig ko namang nag uunahang pumunta sa gawi ko upang tulongan ako.

"Julia! Dyos ko" si Mama na sobrang alalang-alala sa kalagayan ko. Namimilipit sa sakit ang paaka na halos sumigaw na ako sa sakit.

Paglapit naman sa akin si Papa ay agad niya akong binuhat at sinabihan si Nay Stella na ihanda ang sasakyan para maidala ako agad sa hospital. Agad namang sinunod ni Nanay Stella ang utos ni Papa.

Isinakay ako ni Papa sa backseat at sumakay din si Mama, nasa gitna nila akong dalawa.

"Bilisan mo Ramon" utos ni Papa sa driver namin at tulad nga ng sinabi ni Papa ay binilisan nito ang pagmaneho.

Halos maiyak ako sa sakit ng Paa ko at napapasigaw pa din. Inaalo na din ako ni Mama pero tila yata sobra ang sakit at hindi ko na iniintindi ang nangyayari sa aking paligid.

Makalipas ang sampong minuto ay sa wakas nakarating na kami sa pinakamalapit na hospital at agad kaming inasikaso ng mga nurse at doctor, agad nila akong pinaupo sa wheel chair.

Nagulat ako ng makita ko kong sino ang Doctor at walang iba kundi ang pangahas na lalaking nagnakaw ng unang halik ko na si Albert, hindi ko na ito inintindi dahil sa sakit ng paa ko.

“Ako na pong bahala kay Julia Tita, Tito hindi naman po malala ang nangyari sa kanya, wala kayong dapat ikabahala, maupo muna po kayo” rinig kong pagpapakalma nito sa aking mga magulang. Nagtungo ang mga magulang ko sa upoan na medyo may kalayoan sa emergency room.

Anong hindi malala, eh halos mamilipit na ako dahil sa sakit ng paa ko, sapakin kita dyan eh, nasabi ko na lang sa aking isipan.

“Dalhin niyo siya sa aking opisina” humarap ito sa kinaroroonan ko na seryoso ang mukha.

“Bakit po Doc?” takang tanong ng babaeng nurse dito.

“Wala ng maraming tanong, sundin niyo na lang ako” sinunod nga nila ang utos ni Albert at dinala nila ako sa kaniyang opisina maging ako ay nagtataka din pero mas nanaig ang sakit ng paa ko at kong paano mawawala ang sakit.

__________

Plagiarism is a CRIME!

THANK YOU

Don't Forget to VOTE and COMMENT

Misery Turns To FelicityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon