”Tara.”

Mabilis kong pinaharuruot ang Titanium ko papuntang San Roque Hospital. Nang makarating kami roon, at nang matanaw ko ang mga bus ay lalong nadoble ang kabog sa dibdib ko.

This is it, Senna. This is it.

 

 

“Baka nandyan nga sila.” Sabi ni Suzette.

Tumango ako.

“Tara na.” sabi ni Suzette at hinila nila ako papasok sa ospital. Panay pa ang sulyap ko sa mga bus baka nandoon pa si Marco.

Nang makarating kami sa loob ay parang normal lang naman. Halos walang doktor na nagkalat. Dumating na ba talaga sila?

“Excuse me, nurse, dumating na ba yu—“ Naputol ang pagtatanong ni Suzette dahil biglang may nagsalita sa gilid namin.

“IKAW NA NAMAN!”

Sabay-sabay kaming humarap sa lalaking naka-ngisi sa amin.

“Dr. Earl!” sabi ni Suzette.

“Suzette! Magkasama pala kayo.” sabi nito. “Let me guess, are you looking for Dr. Marco Henri?”

Tumango si Suzette. Ako naman ay napako lang sa kinatatayuan ko, hinihintay kong sabihin ni Dr. Earl na nasa tabi-tabi lang si Marco o hindi kaya ay nasa banyo. Pero nawindang ako sa isinagot ng doktor na nasa harap namin...

“Hindi ka ba niya natawagan?” sabi niya. “Uhh... Malamang lowbatt ang phone nun.”

“Nasaan si Marco?” matigas kong sabi. Dami pang satsat eh.

Ngumiti naman si Dr. Earl sa akin. “Ang cute mo talaga! Girlfriend ba ito ni Marco?” tanong niya kay Suzette.

“Asawa niya yan!” sabi ni Suzette. Kahit seryoso ako ay di ko napigilang mapa-iling sa isinagot ni Suzette kay Dr. Earl. Halata namang nagulat rin si Dr. Earl.

“T-talaga?” sabi ni Dr. Earl na mukhang naniwala sa pinagsasabi ni Suzette. “Nasa Boracay sila eh.”

Di Bale Nalang [MinSul]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon