Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Chapter 2

102K 4.2K 1.9K
                                    

Chapter 2

Hanggang ngayon ay nakamasid pa rin sila sa ‘kin habang seryoso lang ang mukha ng lalaking nasa harapan. Ano ba itong ginawa ko? Bakit ko ba isinigaw ang bagay na iyon?

Halata pa namang istrikto ang lalaking iyon kasi ang sama na ng tingin niya sa ‘kin na para bang gusto akong lamunin ng buhay.

“S-Sorry po…”

“Ms. Arellano, right?”

Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa ‘kin habang nakalagay ang dalawa kamay niya sa magkabilang bulsa. Naaamoy ko ang perfume niya na humahalimuyak sa ilong ko ang bango.

Sarap mo namang amuyin, Sir!

“O-Opo, Sir…”

Hindi ko mapigilan na kabahan kasi baka kung ano ang ipagawa niya sa ‘kin.

“Get out of my class!”

Napasinghap sila sa sinabi nito. Nakagat ko naman ang aking pang-ibabang labi. Sinasabi ko na nga ba’t mayroon na itong galit sa ‘kin.

“P-Per—”

He cut me off. “Now!”

Mabagal akong tumango. Bagsak ang magkabila kong balikat na umalis sa silid na iyon. Napansin ko pa ang pag-iling ni Stella na para bang sinasabi na huwag kong sundin ang utos nito. 

First day of school, first disaster.

Pero ang ipinagtataka ko lang, hindi ito mukhang teacher dahil nakasuot siya ng pang-estudyante. O baka dahil ganoon lang talaga ang uniform ng mga guro ngayon dito?

Bakit kasi sa dinami-raming school sa mundong ito’y rito pa ang napili ni lolo? Kamalasan ang dala sa ‘kin ng paaralan na nilipatan namin.

Humanda talaga sa ‘kin ang lalaking ‘yon at sisirain ko ang kinabukasan niya. Ilalambitin ko talaga siya sa puno ng kamatis—I mean, puno ng mangga nang matuluyan na siya.

Hindi pa ako nakakalayo sa impyernong room na iyon nang may tumawag sa ‘kin. Hinihingal pa ito.

“Ikaw si Gianna, right? Sabi ni Sir Samaniego na bumalik ka raw sa klase niya.”

“Really?”

Ang gagong iyon! Palalabasin ako tapos pababalikin din naman agad? Anong trip niya sa buhay at dinadamay pa ako?

Sumunod na lang ako sa kanya habang nililibot ang tingin sa kapaligiran. Isa lang ang masasabi ko—napakaganda at napakalinis ng paaralang ito.

“Introduce yourself, Ms. Arellano,” masungit nitong sambit.

Bigwasan ko kaya siya kasi sobrang naiinis na talaga ako. Kung hindi ko lang siya teacher, kanina ko pa talaga siyang pinutulan ng ulo, inilunod sa muriatic acid at hihiwain ko rin siya nang pinong-pino.

“My name is Gianna Arellano, eighteen years old. I have one sister and her name is Gennica Tamara Arellano. My favorite food is caldereta and my favorite color is pink. K-Pop lover and K—”

Napahinto ako sa pagsasalita kasi malakas niyang hinampas ang ibabaw ng lamesa. “That’s enough, this is not a fucking slambook.”

Humalakhak naman ang iba kong kaklase.

I blinked. “I was jus—”

Hinampas niya muli ang ibabaw ng lamesa.

Kawawa naman iyong lamesa, nananahimik tapos pinagbubuntungan niya lang ng galit.

“You may sit.”

Pasimple ko siyang inirapan at bumalik sa upuan ko. Gwapo nga ang lalaking iyon, masama naman ang ugali.

Accidentally Kissed the PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon