Are we Still Strangers? [5]

Start from the beginning
                                    

Bigla naman ang sabat ni Sheena.

“Wow cheese burger!” bati niya kay Tanya. “Alam mo ba, FAVORITE KO DIN YAN?” Sabi niya kay Tanya.

“Talaga? Pare-pareho pala tayo ng favorite!” tuwang tuwa naman si Tanya. Okay, siya na ang mababaw. 

“Favorite mo din?” tanong ni Troy.

“Yup.” sagot naman ni Sheena.

At sa hindi niya malamang dahilan, binigay din niya yung isa pa niyang hawak hawak na burger niya dito. At napangiti naman si Sheena bilang ganti. “Thank you!”

***

Lumipas ang mga araw, halos lalong nagkakalapit si Troy at si Tanya. Actually kagagawan din naman iyon ni Sheena.

Nagkaroon kasi sila ng activity sa MAPEH one time at ballroom ang activity nila. Ang ginawa ni Sheena, nagvolunteer siya na si TANYA AT SI TROY ang magka-partner. Mejo nakakahiya para kay Troy yung mga ginagawa ni Sheena pero keribels lang naman… Pabor naman sa kanya yun eh. Kaya hindi na siya nag rereklamo.

“Uwaaaaa!” sigaw ni Sheena.

Nasa itaas na sila ngayon ng bundok. At eksakto din na palubog na ang araw.

“Ang gandaaaa!” sigaw ulit ni Sheena.

“Nakakabingi Sheena! Wag kang maingay!” sabi ni Troy. Hinawakan naman ni Sheena ang kamay ni Troy.

“Troy! Sigaw tayo ng malakas! Magpratice ka na para sa next week, malakas mong masasabi kay Tanya na gusto mo siya!” sabay itinaas ni Sheena ang kanilang mga kamay. As usual, para siyang timang.

“Yooooo! Aamin na si Troy! Aamin na siya kay Tanya next week! Good luck Trooooyyy!!!” at um-echo ang pangalan ni Troy sa ere.

“Ang ingay mo! 'Wag mong masiyadong lakasan! May makarinig sa iyo eh!” sabi ni Troy.

Tumingin si Sheena  kay Troy habang hinahangin ang kanyang buhok. “Wag kang KJ! Bundok ito! Walang makakarinig! Hindi yan aabot hanggang baba ano ka ba!” saka naman siya bumalik sa pagtingin sa sunset at saka muling sumigaw. “Oo nga pala! Happy 2nd weeksary Troooooyyyy!!!”

 Saka siya ngumiti at tumingin ka Troy. Napatingin din si Troy sa kanya. “Ang ingay mo talaga!” sabi ni Troy saka siya umiwas siya ng tingin.

“Troy, may isa pa pala akong sasabihin sa iyo… About kay Tanya..” sabi niya saka siya bumitiw sa pagkakahawak niya sa kamay ni Troy. Umupo siya sa lupa at humarap sa palubog na araw.

“Gusto ni Tanya, sa mga lalaking matapang. Ayaw niya ng katulad mo.”

“Ano? Edi.. Ayaw niya sa akin?” natatarantang tanong ni Troy. Ano pang silbi ng pagpapanggap namin kung ayaw sa akin ni Tanya?

As usual again, tumawa si Sheena “Hahaha. Hindi ah.. Sinasabi ko lang kasi duwag ka eh. Hindi mo masabi sa kanya na gusto mo siya.” napatigil ng bahagya si Sheena sa at tumingin siya ng seryoso kay Troy. “Ay, may isa pa pala akong sasabihin..”

“Ano?”

“Gusto kita.” 

Thump. Thump. Thump.

Natigilan si Troy. Parang may something din siyang nararamdaman sa puso niya. Napansin naman ni Sheena na medyo nag-iba yung mukha ni Troy kaya bigla siyang ngumiti ulit at nagpatuloy sa pagsasalita. “Yun yung sabihin mo sa kanya ah? Malakas na malakas…Okay ba?” sabay thumbs up.

Umiwas na naman ng tingin si Troy, pero nando'n pa rin yung something na nararamdaman niya. “O-Oo ba! Sige…”

“Gusto ko yun ang maririnig ko kapag sinabi mo sa kanya yun ah! Ayoko ng paligoy-ligoy pa.. Okay?”

Tumango si Troy. “O-Okay…” nga ba?

***

Tapos na ang second weeksary nila.

Malapit na ang third weeksary nila.

Pero bakit walang 4th weeksary kung pwede namang extend?

Tignan na lang ulit natin.

Ang may akda,

Rizza Maruja <3

--

Last Chapter before the ending! *u*

Are we Still Strangers? [Completed]Where stories live. Discover now