Are we Still Strangers? [5]

1.2K 47 5
                                    

“Adik ka ba?” Halos pinag-alala mo si Mommy sa ginawa mo ah! Adik ka! Adik ka!” sigaw ni Troy kay Sheena. Halos hingal na hingal rin siya dahil pumidal siya ng husto mahanap lang si Sheena.

“Mas adik ka kasi nakalimutan mong weeksary natin ngayon! Hahahaha..” tawa naman nito na parang baliw.

“Alam mo hindi kita maintindihan.. Hindi ko alam kung baliw ka o may sayad ka lang eh..” sabi  ni Troy. Seryoso na siya.

“Pareho lang yung sinabi mo eh.. Hahaha. Adik..” sabay tayo ni Sheena at naglakad na siya.

“Oh san ka pupunta?” Tanong ni Troy kay Sheena.

Tumingin naman si Sheena dun sa may bandang kaliwa at tinuro yung isang Ferris Wheel. “Dun!” sabay takbo. 

Sinundan naman ito ni Troy. No choice ulit. 

“Alam mo ang adik mo lang talaga.. Ilang oras kang naghintay dito??” naiinis na tanong ni Troy.

“Hahaha.. hmm, siguro mga limang oras?” patuloy pa din sa paglalakad si Sheena.

“Limang oras? Eh bakit hindi ka man lang nag text?” – troy

“Kasalukuyang nasa school ka at magkasama kayo ni Tanya kaya hindi 'tayo' ng mga oras na yun..” nakangiti niyang sinabi.

“Ang adik mo lang! AS IN!” tapos biglang napatigil si Troy. “Eh anong gagawin mo diyan sa Ferris wheel? Hindi naman aandar yan!” sabi niya.

“Sabi ko, gusto ko lang makasakay sa Ferris Wheel… Kahit hindi umaandar, okay na.” saka siya lumusot sa harang at sumakay sa isa sa mga upuan doon. “Tara upo ka dito! May sasabihin ako sa iyo about kay Tanya! Bilis!” yaya niya kay Troy.

Agad naman siyang sinunod ni Troy at naupo na din sa tabi nito. SInara na niya ang pintuan ng Ferris Wheel at doon, nagkuwentuhan na sila…

***

“Favorite ni Tanya ang chesse burger.”

 

Naalala niya yung sinabi ni Sheena sa kanya kagabi habang nasa Ferris Wheel sila kaya naman heto, meron siyang dalawang cheese burger na ready-ng ready niya nang ibigay mamayang recess.

“Uy! Cheese burger! Ang takaw mo naman, dalawa pa talaga binili mo!” Bati sa kanya ni Tanya na nasa harapan lang naman niya.

“Ah.. Eh… Ano…” nauutal pa siya at hindi alam kung paano sasabihin na para talaga kay Tanya yung isang burger. Tsk. Tsk…

“Favorite mo din?”

“Ah, oo! Gusto mo? Dalawa naman ito eh! Oh ito oh…” ibinigay niya yung isang cheese burger na hawak hawak niya…

Are we Still Strangers? [Completed]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin