Are we Still Strangers? [2]

1.6K 49 6
                                    

Lumabas na si Sheena ng bahay. Sakto naman ang pagkakataon na papaalis pa lang din si Troy habang inaayos ang kanyang bike.

“Good Morning!” bati niya kay Troy.

“Ay kalabaw!” Halos mapatalon naman sa gulat itong si Troy. “bakit ka naman bigla-biglang nanggugulat? Ano ka ba naman!” medyo naiinis niyang sinabi kay Sheena.

“Pasensiya naman… Eh kasi… Gusto ko lang sumabay papunta ng school! Paangkas naman sa bike mo!” ngiting ngiti pa niyang request.

“Eh… Di ba may usapan na tayo? Kapag nakita tayo eh..”

“Ay oo nga pala… pero… Hindi ko pa alam kung saan yung daan. Hindi ba, nalimutan mong ituro sa akin kahapon kasi biglang dumating yung mga friendship mo?” sabi ni Sheena.

Oy sheet. Oo nga pala. Sabi naman ni Troy sa kanyang isipan.

“Eh.. Tsk. Sige na nga umangkas ka na! Pero hanggang dun ka lang sa kanto ah! Sumakay ka na lang ng tricycle pagka dating mo dun!”

Napangiti naman si Sheena at agad agad siyang umangkas sa likuran ng bisikleta. “Wag masiyadong mabilis ah?” sabi niya. “Takot kasi ako sa bisikleta...

“Takot ka eh sumasakay ka pa?” naiinis na sagot ni Troy sa kanya.

“Ang sungit mo naman… Sige na paangkas na lang…Ikaw naman oh.”

“Oo na, sige na…” no choice again.

Nang makarating na sila sa may kanto, medyo malayo sa kanilang pinanggalingan, agad agad naman bumaba si Sheena. Tinuro naman ni Troy kung paano sumakay ng tricycle kay Sheena dahil duda itong may gano'n sa Mindanao.

“Oh alam mo na ah? Sakay ka ng tricycle tapos sabi mo yung pangalan ng school natin, okay?” sabi ni Troy.

“Oo alam ko." nakangiti namang sagot ng kanyang kausap.

“O sige..” magpipidal na sana si Troy pero bigla siyang napatigil. “Oo nga pala, yung usapan ah. Kunwari hindi tayo magkakilala sa school. Remember, we’re STRANGERS. Gets?”

“Opo.” Mariin na pagkakasabi ni Sheena. Masunuring bata!

“Good, good.” Saka naman tuluyang nagpidal si Troy.

Pumara naman na si Sheena ng tricycle. “Manong, sa *** high school po.” At saka na ito umandar.

Siya si Sheena Mari.

Kung nasimulan niyo ang storya, malamang alam niyo na yung tungkol sa pagtira niya sa bahay nila Troy. At yung dahilan daw niya kung bakit siya nagtungo sa siyudad from Mindanao eh dahil gusto niya ng adventure…

Are we Still Strangers? [Completed]Where stories live. Discover now