Part 54

269K 4.6K 274
                                    

Nagkakagulo na ang lahat sa bahay nina Xander. Walang tulog ang lahat, at walang makapagsabi kung saan dinala ni Choleen sina Isha at Chloe. Iyak tuloy nang iyak si Trisha.

“Hindi ako papayag na makipagkita ka sa kanya nang
mag-isa,” tutol ni Xander.

“Pero ’yon ang gusto niya, hon. Alalahanin mo na nasa kanya
ang mga anak natin,” sabi ni Trisha.

Buo na ang loob niya na sundin ang gusto ng kakambal niya. Ang mahalaga sa kanya ay maligtas ang mga anak niya.

“No! Hindi natin alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng babaeng ’yon. I can’t put you at risk.” Niyakap nito ang asawa.

“’Wag kayong mag-alala, Sir. Gagawin natin ang lahat para
maligtas ang pamilya n’yo,” sabat ng pulis. Naghihintay na lang sila ng text ni Choleen.

Samantala, may isang batang nagtatago sa ilalim ng mesa
sa loob ng kwarto kung saan naroon si Isha. Palihim nitong
binabantayan ang kapatid na pinapadede ng isang dalagitang
inutusan ng Mama Choleen niya.

Wala man lamang nakapansin kay Chloe mula sa pagsakay
niya sa loob ng van, hanggang sa pagpasok niya sa bahay na
kinalalagyan ng kapatid niya. Naglalaro siya ng bisikleta nang nasaksihan niya ang pagkuha kay Isha, kaya’t palihim siyang sumakay sa nakabukas na van. Sa harapan nakaupo si Choleen noon kaya hindi siya napansin na sumakay, maging ng dalawang tauhan nito.

“Kawawa ka naman. Nasaan ang nanay at tatay mo?” sabi ng
dalagitang nagpapadede kay baby Isha.

Si Chloe naman ay nag-iisip kung kakampi ba o kaaway ang dalagita, pero sa isip nito, mukha naman itong mabait.

“Hang on, Isha. Ate’s here!” pabulong na sabi nito. Gutom na rin siya dahil kanina pa siya huling kumain. Lakas-loob siyang lumabas sa pinagtataguan niya.

“Ate…” tawag ni Chloe sa dalagita.

“Ay, kabayo! Hala, sino kang bata ka? Saan ka naggaling?”

Chloe gave her a friendly smile. “’Wag po kayong maingay. That baby is my sister. Kinuha po siya ni Mama.”

Naguluhan naman ang dalagita. “Bakit naman kukunin ng
Mama mo ang kapatid mo?” tanong nito.

“Basta, Ate. My sister was kidnapped by that bad lady outside, who is my mother. Pero hindi niya anak si Isha.”

Mukhang na-gets na rin ng dalaga. “Pero iisa ang papa n’yo?”

“Tama, Ate. Can you help us escape? Pero Ate, may food ka
ba? Gutom na po ako, e.”Inilapag muna ng dalaga si Isha at saka may kinuha sa plastic bag—isang burger na binili niya kanina.

“Ayan, kumain ka
muna. Ano nga pala ang pangalan mo?”

“My name’s Chloe, and that is baby Isha.” Nilunok muna
niya ang kinakaing burger bago muling nagsalita.

“Mama and Daddy are seperated. I have a new mommy, and Mama is mad at her that’s why she kidnapped my sister,” kwento niya sa dalaga.

“Naintindihan ko. Kawawa naman pala itong si baby Isha.
Hayaan mo’t mag-iisip ako kung paano kayo mailalabas dito.
Teka, paano ka pala nakarating dito?”

Nagkwento naman si Chloe. Namangha ang dalaga sa kwento ng isang limang taong gulang na bata. Kakaiba ang talino nito.

“Ikaw, Ate, what’s your name?” tanong ni Chloe.

“Ako si Ate Jeza. Bilisan mo na d’yan, baka bumalik na ang
Mama mo, makita ka pa niya. Malalagot tayo ’pag nagkataon.” Inisip ni Chloe na tumawag sa daddy niya dahil kabisado
naman niya ang numero nito.

Kaya tinanong niya si Jeza kung pwede niyang mahiram ang cell phone nito.

“Meron, Chloe, kaso walang load.” Nadismaya ang bata sa narinig. “’Pag nakatakas kami dito, Ate Jeza, papa-supply-an po kita ng load kay Daddy. How
about telephone, meron kayo?”

“Promise ’yan, ha? May telepono yata dito pero nasa labas, sa
may sala. Ganito na lang, titingnan ko kung makahihiram ako ng cellphone doon sa dalawang kuya sa labas.”

“Teka, Ate, that’s a bad idea. Baka po mahuli tayo. Bad guys
ang mga ’yon, e.”

“Ako na ang bahala doon. Magtago ka na lang muna ulit.”
Nakarinig sila ng mga yabag. Mabuti at nakapagtago agad si
Chloe bago pumasok ng kwarto si Choleen.

“Sinong kausap mong muchacha ka?” tanong nito kay Jeza.

“Wala po, Ma’am. Kinakantahan ko lang po ’tong baby.” Sa
isip ni Jeza’y “ang maldita naman ng babaeng ’to. Kaya siguro ipinagpalit siya ng asawa niya.”

“Kanta pala ’yon? Baka tula! Mabuti at napatulog mo na ’yang batang ’yan. Umiikot na ang puwet ng nanay n’yan sa pag-aalala, e. Buti nga sa kanya!”

Ngayon ay sigurado na si Jeza na masama talaga si Choleen.
Kailangan niyang gumawa ng paraan para matulungan ang
mga bata.

“Pwede po ba akong lumabas saglit mamaya? Tatawag lang
po ako sa kapitbahay namin, baka nag-aalala na po ang nanay ko.” Pero ang totoo, tatawagan niya ang pamilya ni Chloe.

“Ang dadrama n’yong mga hampaslupa! Bahala ka. Basta
siguraduhin mo lang na hindi ngangawa ang batang ’yan.”
Lumabas na si Choleen pagkatapos.

Lumapit naman si Chloe kay Jeza.

“Akin na ’yong numero ng bahay n’yo o ng daddy mo. Sa
labas na lang ako at makikitawag. Magtago ka lang nang maigi d’yan,” sabi ni Jeza sa bata.

Labis ang tuwa ni Chloe. Ibinigay na niya ang number ng
daddy niya pati na rin ang sa bahay nila. “Thank you, Ate.
Mag-ingat po kayo.”

Nakatawag na si Jeza at si Xander ang nakausap nito. Sinabi nito ang lugar na pinagdalhan sa mga bata.

“Maraming salamat. Hulog ka ng langit. Pakibantayan na
lang muna ang mga anak ko,” pasasalamat ni Xander kay Jeza.

Naghanda na sila sa pagpunta sa kinaroroonan ng mga bata.
Ayaw na sana silang pasamahin ng mga pulis dahil delikado ang operasyon, pero hindi pumayag sina Xander at Trisha.

Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon