Part 29

362K 5.2K 356
                                    

Magtatagal ba ang galit n’yo sa asawa n’yo lalo na kung kagaya
siya ni Xander na sweet na, gwapo pa? At mahal ko siya kaya naniniwala ako sa kanya.

Dumarami na yata ang kaagaw ko sa asawa ko, ah? Ilang
Choleen at Venice pa kaya ang meron? Buti na lang ako lang
ang mahal niya.

“Mommy ko,” bati ni Chloe sabay yakap sa amin pagdating
namin sa bahay.

“Baby, bakit ganyan ang mukha mo?” Pulang-pula ito.

“Umiyak ka ba?”

“Akala ko kasi umalis ka na. Si Daddy kasi bad. May baby siya
with that ugly Venice.”

“Anak, hindi naman totoo ’yon. Ang sabi ni Daddy, she’s
lying. ’Wag ka na magalit sa daddy mo. Bati na naman kami.”

“Really?” Namilog ang mata nito.

“Promise, baby.”

Lumapit si Xander at niyakap si Chloe. “Look, baby, Mommy
and I are okay na.”

“Yehey! My Mommy and Daddy are sweet again,” sigaw nito.
After dinner, kinausap ko si Chloe while getting ready for
bedtime.

“Anak, kahit na magkaaway kami ng daddy mo, hindi
ka dapat nagagalit sa kanya.”
“But I don’t want you to get hurt.”

“Baby, normal lang naman sa mga mommy at daddy ang
mag-away minsan, e. When you grow up, maiintindihan mo rin
kami. But it’s not good na nagagalit ka kay Daddy.”

“Pero Mommy, baka iwan mo kami ni Daddy ’pag nag-away
kayo.”

“Promise, hindi gagawin ni Mommy ’yon. Basta promise mo sa ’kin, kahit anong mangyari, love mo si Daddy, okay?”

“Promise, Mommy!”

’Di kasi dapat apektado si Chloe sa mga nangyayari.

I read her favorite bedtime story at maya-maya ay nakatulog
na siya. Pagkatapos ay pumasok na rin ako sa kwarto namin ni
Xander kung saan ko siya naabutan na nakasimangot habang hawak ang cell phone ko.

“Dadalaw daw ang best friend mo bukas.”

“Talaga? Tumawag ba siya?”

“Hindi, nag-text lang. Psh!”

“Ay, pwede ba?”

“Baka sabihan na naman akong masungit noon ’pag tumanggi
ako. Tinext ko na sa kanya ang address.”

“Thank you, honey.” Niyakap ko siya. Ang bait naman ng
Xander ko.

“Kung pwede lang na hindi, e.”

“Honey naman, e. Pumayag ka na, ’di ba?”

“Oo na. Sige na.” Natawa ako. “O, bakit parang kinikilig ka
d’yan?”

“Ha? Natutuwa lang ako. Ang tagal kasi naming ’di nagkita
ni Miggy.”

“Baka iba na ’yan, ha?” Selos na naman siya.

“Honey, ano ka ba? Best friend ko nga lang si Miggy.”

“Tama na nga ’yang kababanggit mo ng pangalan niya.

“Ay, suskopo! Ang mahal ko nagje-jelly na naman.”

“Gustong-gusto mo naman.”
Nagtawanan na lang kami.

CHOLEEN

May naisip na akong plano para mapaalis si Trisha sa buhay
nina Xander at Chloe. Alam kong mahal na mahal ni Trisha
si Chloe, kaya naisip kong ilayo ang bata at ’wag itong ibalik
hanggang hindi niya hiniwalayan si Xander.

Kakayanin niya bang masaktan si Chloe? Tingnan natin ang tapang niya kapag ang bata na ang involved.

Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon