Part 26

360K 5.6K 185
                                    

XANDER

Trisha slept peacefully sa tabi ko. Mabuti at ligtas ang asawa
ko. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung tuluyan siyang nawala sa buhay ko. Mahal na mahal na mahal ko siya.

Tumagilid siya paharap sa ’kin at niyakap ako. “Love you,
hon,” bulong niya. Nanaginip yata siya.

“Mas mahal kita, honey ko,” sabi ko kahit ’di man niya ako
naririnig.

Someone then knocked on the door. “Xander, nasa baba si
Choleen. Gusto ka niya makausap,” sabi ni Mommy.

Ano naman kaya ang kailangan ng babaeng ’yon? Bumaba ako at nakitang naghihintay si Choleen sa living area.

“What are you doing here? Manggugulo ka na naman ba?”
tanong ko sa kanya.

“No, sweetheart. Nabalitaan ko ang nangyari. Naisip ko baka
iniwan ka na ng babaeng ’yon. Baka hindi naman talaga siya
nawawala at pera lang talaga ang habol niya sa ’yo.”

“What are you talking about, Choleen?” Adik din ’to, e!

“I will take care of you and Chloe. Hindi na babalik ang
Trisha na ’yon. Iniwan niya na kayo.” Akala niya ’di pa bumabalik ang asawa ko?

“Umuwi ka na, Choleen. You’re not making sense.”

“But Xander, mahal kita. Ako naman ang una mong minahal,
’di ba?”

“Minahal kita noon pero anong ginawa mo? Si Trisha na
ang mahal ko ngayon at kahit ano pa ang gawin mo, hindi na
mababago ’yon.”

“Xander, please! Bigyan mo naman ng chance na magkaroon
si Chloe ng buong pamilya.”

“Meron na siyang pamilya, Choleen. Hindi mo ba nakikita na masaya na kami? Kaya pwede ba, pabayaan mo na kami.”

“Pero ako ang tunay niyang ina. Hindi ang babaeang ’yon!”

“Inang tumalikod sa kanya noong mga panahong kailangan
niya ang kalinga mo. Mas naging ina pa nga sa kanya ang taong
hindi niya ka anu-ano,” sagot ko.

“Umalis ka na, Choleen.”

“No, Xander! I love you. Please come back to me.” Mabilis
siyang nakalapit sa ’kin at hinalikan ako.

“Enough!” Hinawakan ko siya sa dalawang kamay at hinila
palabas ng bahay.

“’Wag mo na kaming guluhin pa!”

“You can’t do this to me! Magbabayad ka—kayo ng babaeng ’yon!”

Iniwan ko na siya sa labas at pumasok na ako.

“Daddy, is she crazy?” tanong ni Chloe. Nagtatago pala siya
sa may gilid ng sofa at narinig niya ang lahat.

“Don’t mind her, anak. Paglaki mo, maiintindihan mo rin ang
lahat. Tara, let’s just go check on Mommy.”

Itutuloy....

Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon