Part 11

486K 8.7K 775
                                    

CHOLEEN


Alam kong ayaw n’yo sa akin. But sorry, ’di mabubuo ang
kwentong ito without me.


I’m Choleen D. Rosales, Xander’s wife. Well, noon, pero I’ll
make sure na magiging Mrs. Rosales ulit ako. I thought I could give up my first love, ang pagmo-model, for Xander and our child, pero na-realize ko after giving birth na hindi ko kayang mawala ang career ko.

Yes, iniwan ko sila noon as I had lots of projects. Ang mahalaga’y nandito na ako ulit—for good.

Anak ko si Chloe at hindi ng babaeng ’yon na tinatawag
niyang mommy. Ang lakas ng loob ng impostorang ’yon, ah!

Walang sino man ang pwedeng umangkin sa anak ko. Babawiin ko ang mag-ama ko at walang makapipigil sa akin. What’s mine is mine.

Alam kong mahal pa ako ni Xander. Galit lang siya ngayon,
but eventually ay mapatatawad niya rin ako. At ’yong babaeng
tinatawag ni Chloe na mommy? Napansin kong magkahawig kami, but I’m far more beautiful and sophisticated than her. That woman is so out of fashion. How dare they replace me with that woman!


XANDER

Umuwi agad ako nang i-text ako ni Trisha about what happened sa mall. Wala talagang gagawing mabuti ang Choleen na ’yon.

Sinalubong ako ni Mommy pagdating ko sa bahay. “I’m
glad you’re here, anak. Nagkita sina Trisha at Choleen sa mall.
Gustong kunin ng babaeng ’yon ang anak mo!”

“Don’t worry, hindi na po ulit mangyayari ’yon.Sisiguraduhin
kong ’di na siya makalalapit sa atin.”

“Dapat lang, anak. Lalo na ngayong ikakasal ka na ulit. ’Wag mong hayaang sirain kayo ni Choleen.”

“Mahal ko si Trisha, Mom, at hinding-hindi niya kami masisira,” sagot ko.Pinuntahan ko na ang anak ko at si Trisha sa kwarto nila.

Naabutan kong natutulog na si Chloe, habang si Trisha ay nasa
tabi niya, parang may malalim na iniisip dahil ’di man lang nito namalayan ang pagdating ko.

“Honey, are you okay?” Bumangon siya at niyakap ako. I then kissed her on the forehead.

“She’s back, Xander. Gusto niyang kunin si Chloe.” I hugged her tight. She must have been scared.

“Hush, hon. Don’t worry, ’di ko hahayaang makalapit ulit sa inyo ang babaeng ’yon.”

“Nagtatanong ang anak mo kung sino siya. Karapatan niyang malaman ang totoo, Xander. Tinawag akong impostora ni Choleen sa harap niya,” kwento niya habang nagsimula na siyang maiyak.

“Sasabihin natin nang paunti-unti kay Chloe ang totoo. Maiintindihan niya rin ito, don’t worry.” I wiped her tears away.


Ayokong nakikitang nasasaktan siya.

“What if gusto niya kayong balikan? What if mahal mo pa
pala siya?” tanong niya nang nakatingin nang deretso sa mga mata ko.

“Honey naman. Ano bang sabi ko sa ’yo? Ikaw lang ang
mahal ko at hindi na siya. Don’t you believe me?”

“Hindi naman sa ganoon, pero…”

Hindi ko na siya pinatapos pa. I kissed her to silence the
worries she had. Nanlaki ang mga mata niya.

“Ano ka ba?! Ang hilig mo
talagang basta na lang manghalik.”

“I love you, okay? Kung kailangan kong patunayan ’yan, gagawin ko sa lalong madaling panahon.”

“What do you mean patutunayan mo?”

“Just give me time, honey. And trust me, okay?”

“Okay!”

Hinalikan ko na lang ulit siya at saka niyakap. Nagpaalam na
ako sa kanya pagkatapos.

Tinawagan ko na ang sekretarya ko to cancel all my appointments for the next seven days para makakuha na agad ako ng marriage license. Tinawagan ko rin ang kaibigan kong judge at ang iba ko pang mga kaibigan to ask for their help in preparing a surprise for Trisha.

Tapos ay nagpa-book na ako ng
flight to Boracay. Ito ang naisip kong paraan para mapanatag
si Trisha. Bibisitahin na rin namin ang pamilya niya sa Kalibo because they needed to know everthing. Pormal na rin akong magpapakilala sa kanila.

Itutuloy...

Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon