CHAPTER 22

1.4K 69 4
                                    


#SinfulLove

CHAPTER 22

"Bakit ganyan ang mukha mo Theresa? Para kang nababahala diyan?" mga tanong ni Henz kay Theresa nang mapansin niya ang reaksyon ng mukha nito habang nakatingin ang huli sa cellphone niya na hawak-hawak.

Napatingin naman si Theresa kay Henz.

"Henz..." nag-aalangang sabi nito.

"May problema ba?" tanong ni Henz.

Napabuntong-hininga si Theresa.

"Mukhang nagkatotoo iyong naging dahilan ko sa mga pulis para bigyan tayo ng tao nila na magbabantay sa atin." Sabi nito.

Nangunot ang noo at nagkasalubong ang magkabilang kilay ni Henz.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" pagtatakang tanong nito.

Muling napabuntong-hininga si Theresa.

"Henz... nakatanggap ako ng text message galing sa kung sino man... at nagbabanta siya." Sabi nito na ikinagulat ni Henz. Kaagad siyang lumapit kay Theresa.

"Nagbabanta?" tanong nito. Tumango si Theresa. "Patingin nga..." sabi pa ni Henz.

Binigay naman ni Theresa ang phone niya kay Henz. Pagkabigay ay kaagad na binasa ng huli ang text message.

"Dahil sa pakikiealam ninyo ng asawa mo... Kayo na ang susunod..."

Nanlaki ang mga mata ni Henz na kaagad na napatingin kay Theresa.

"Totoo ba ito?" tanong ni Henz.

Nagkibit-balikat si Theresa.

"Ewan ko pero... nung nabasa ko iyan... Hindi ko maitatanggi na kinabahan ako." Sabi nito.

Muling napatingin si Henz sa screen ng cellphone at binasa ang text.

"Ito ba ang unang beses na nagpadala ng ganitong klaseng text ang kung sino mang poncio pilatong ito?" tanong ni Henz na tumingin na kay Theresa.

Napatango si Theresa.

Namayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawa.

"Henz... Anong gagawin natin? Mukhang alam ng taong ito ang pinaggagawa natin." Sabi ni Theresa na bumasag sa katahimikan. "Mukhang kahit yata saan tayo magpunta or kahit anong ginagawa natin... alam at nakikita niya." sabi pa nito.

"Kailangan nating mag-ingat." Sabi ni Henz. "Ibayong pag-iingat." Sabi pa nito.

"Pero alam mo Henz... ang lakas ng kutob ko na malapit lang sa atin iyong taong nagpadala ng message na ito." Sabi ni Theresa.

Nagkatinginan silang dalawa.

"Sino kaya siya? May kinalaman kaya siya sa lahat ng ito?" tanong ni Henz.

Napailing si Theresa. "Hindi ko alam." Sabi nito.

Naupo sa edge ng kama si Henz. Nasa loob kasi sila ng isang kwarto sila ngayon.

Muling namayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawa.

"Ito na yata ang simula ng panggugulo naman nila sa atin... Hangga't hindi nila tayo napapatay... Hindi sila titigil." Sabi ni Henz na siyang bumasag naman sa katahimikan.

"Henz... Ayoko pang mamatay. Marami pa akong gustong gawin... Papakasalan ko pa si Lianne sa America..."

"Walang mamamatay." Sabi kaagad ni Henz. "Kahit isa man sa ating dalawa ay hindi nila mapapatay. Kung inaakala nila na matatakot nila tayo para tumigil sa ginagawa natin... pwes... hindi mangyayari iyon dahil hanggang sa huli... aalamin natin ang buong katotohanan at walang sino man ang pwedeng pumigil sa atin na gawin iyon..."

SINFUL LOVE (ROMANCE-MELODRAMA) - COMPLETED #Wattys2020Where stories live. Discover now