CHAPTER 9

1.6K 80 3
                                    


#SinfulLove

CHAPTER 9

Tulalang nakatayo sa harapan ng bintana si Henz. Hanggang ngayon kasi ay naiisip niya pa rin si Alex at ang naging pagkikita at pag-uusap nila mismo sa bahay nila ng asawang si Evo.

"Mukhang tulala ka diyan a? May iniisip?"

Naputol ang pagkakatulala ni Henz at napatingin kay Theresa na nakatayo na sa tabi niya at nakangiting nakatingin sa kanya. Napabuntong-hininga ito.

"Ano ba 'yang iniisip mo at mukhang ang lalim-lalim?" tanong ni Theresa.

Muling napabuntong-hininga si Henz.

"At mukhang kasing lalim pa ng pagbuntong-hininga mo." Dugtong pa ni Theresa.

Napaiwas nang tingin si Henz. Tumingin ito sa labas ng bintana.

"Nagkita at nagkausap na kami ng asawa ni Evo." Sabi ni Henz na ikinagulat ni Theresa.

"Ha? Talaga? Alam na ba niya?" sunod-sunod na tanong ni Theresa.

Napatingin naman si Henz sa kanya. Napailing ito.

"Wala pa siyang alam... at sana... hindi na niya malaman pa kahit kailan." Sabi ni Henz.

"Paano kayo nagkita? Saan? Saka talagang nag-usap pa kayo?" mga tanong ni Theresa.

Tumango si Henz. Nagsimula itong magkwento sa mga nangyari.

"Wow! At talagang pumunta ka pa sa bahay nila ha... ang lakas ng loob mo." Natatawang sabi ni Theresa.

"Theresa naman..." sabi ni Henz.

"E kasi naman... ang lakas ng loob mong paunlakan pa ang imbitasyon niya at pumunta sa bahay nila ng jowa mo... Mukhang habang nandun ka yata ay hindi ka nakokonsensya sa pinaggagagawa ninyo ng jowa mo habang nakatalikod siya." Sabi ni Theresa.

Napabuntong-hininga si Henz.

"Sa totoo lang... napakabait niya... halatang mapagmahal sa pamilya at sa asawa. Siya iyong tipo ng tao na dapat mahalin at hindi dapat masaktan at maloko." Sabi ni Henz.

"So kung ganun... Hihiwalayan mo na ang asawa niya? Kasi mukhang nakokonsensya ka e..."

"Kung kaya ko nga lang gawin e... Bakit hindi. Hindi naman kasi ako ganun kasamang tao para manakit ng damdamin ng iba... Ang kaso... hindi ko kaya... Hindi ko kayang iwan at hiwalayan si Evo dahil mahal na mahal ko iyon. Kahit nga konsensya ko... handa kong lunukin para lang hindi ko maisip na hiwalayan na siya kasi hindi ko talaga kaya." Sabi ni Henz.

Napailing-iling si Theresa.

"Hay Henz... Mabuti na lang si Lianne... walang sabit... ang sa akin naman... hindi ko masasabing sabit ka dahil alam naman ni Lianne ang lahat... Kumbaga... smooth lang ang relasyon naming dalawa at kahit tago man ito sa lahat... at least masaya pa rin naman kami hindi kagaya sayo... kumplikado." Sabi ni Theresa. Napabuntong-hininga ito. "Bakit ba naman kasi sa may asawa pa tumibok 'yang puso mo? Bakit ba naman kasi kahit na alam mong may asawa na iyong tao... siya pa ang napili mong mahalin?" mga tanong pa ni Theresa.

Nagkibit-balikat si Henz. "Ewan ko ba... Eto kasing puso ko... walang utak at walang mata... hindi naiisip ang tama at mali at hindi nakikita na mali ang mahalin niya ang isang gaya ni Evo kaya ito... wala akong magawa... puso ko ito e at siya ang kumokontrol sa akin." Sabi nito. Napabuntong-hininga. "Pero alam mo... Kahit na ganito... Kahit na mali ang lahat ng mayroon sa amin ni Evo... kahit na alam naming may puso kaming naaapakan sa tuwing ipaparamdam namin sa isa't-isa ang pagmamahal... Masaya pa rin ako. Masayang-masaya. Hay! Pakiramdam ko... Sa tuwing nagiging masaya ako sa piling niya... nagiging masamang tao na rin ako dahil nananasak ako ng tao patalikod. At ang masaklap... wala na akong pakielam sa taong nasasaksak ko basta ang alam ko, masaya ako." Sabi pa nito.

Napatango si Theresa.

"Oo nga pala... Change topic tayo..." sabi ni Henz. "Alam mo ba na Daddy ni Alex... iyong asawa ni Evo iyong isa sa mga pinaghihinalaan natin na may gawa sa pagpaslang kay Daddy? Si Emmanuel Garcia?" sabi pa nito.

"Talaga?" tanong ni Theresa.

Napatango si Henz.

Natahimik ang dalawa.

"Hanggang ngayon ba wala pa ring tawag ang mga pulis tungkol sa development ng kaso?" tanong ni Henz.

Napailing si Theresa.

"Sabi ko naman kasi sayo... mas mabagal pa sila sa pagong kung mag-imbestiga... Ewan ko kung marami lang talaga silang iniimbestigahang ibang kaso kaya sila mabagal or sadyang mabagal lang talaga sila... Hindi ko sa nilalahat ng pulis a pero karamihan... ganun." Sabi nito.

Napabuntong-hininga si Henz.

"Ay oo nga pala... Bago ko makalimutan." Sabi ni Theresa sabay na may nilabas itong isang bagay mula sa bulsa ng suot na pants. Isang cellphone. Inabot iyon kay Henz na tinanggap naman ng huli.

"Cellphone 'yan ng Daddy mo... Hindi ko sinasadyang nakita 'yan sa ibabaw ng ref... Pupunta na sana ako sa mga pulis para ibigay iyan sa kanila at baka makahanap sila ng ebidensya ang kaso naisip ko... dapat na tayo muna ang makakita at makapag-imbestiga sa cellphone na 'yan." Sabi ni Theresa.

Napatingin si Henz sa hawak na cellphone. Sandaling tinitigan ito. Muling tumingin kay Theresa.

"Paanong napunta ito sa ibabaw ng ref natin? E hindi naman madalas na narito sila Daddy..."

"Tange! Nakuha ko 'yan sa mansyon niyo... Pumunta kasi ako roon kasi pinapunta ako ng isa sa mga yaya roon dahil may naiwan ka pa raw na gamit mo roon at sa akin pinakuha... E sakto... naisip ko na maghanap na rin ako ng mga bagay sa mansyon niyo na pwede nating magamit sa sarili nating imbestigasyon sa kaso ng mga magulang mo at 'yan... nakita ko 'yan... Kainis nga e... sa kwarto pa ako ng mga magulang mo naghanap nang naghanap pero wala akong nakita kundi mga ordinaryong gamit lang nila iyon pala... nasa ibabaw lang ng ref ang bagay na 'yan na pwede nating magamit sa pag-iimbestiga dahil mahalagang gamit 'yan ng Daddy mo." Sabi ni Theresa.

Napatango si Henz. Muling tumingin sa cellphone na hawak.

"Nabuksan mo na ba ito?" tanong ni Henz.

"Hindi pa... Sadyang hinintay na rin kita para sabay tayong magbukas niyan at umalam sa kung anumang nilalaman niyan." Sabi ni Theresa.

Napatango na lamang si Henz. Masasagot na kaya ng cellphone ng Daddy niya ang misteryo sa kung sino ang pumatay sa mga ito?

-KATAPUSAN NG KABANATA PANG-SIYAM-

SINFUL LOVE (ROMANCE-MELODRAMA) - COMPLETED #Wattys2020Where stories live. Discover now