CHAPTER 8

1.8K 75 18
                                    


#SinfulLove

CHAPTER 8

"Mabuti naman at nakarating ka at pinaunlakan mo ang imbitasyon ko na pumunta rito sa bahay." Nakangiting sabi ni Alex na siyang bumungad sa pagpasok ni Henz. Nasa likod lamang nito si Evo na siyang personal rin na sumundo sa kanya at nagdala dito sa bahay nilang mag-asawa.

Tipid namang napangiti si Henz. Sa totoo lang kasi ay ayaw naman talaga niya pumunta rito ang kaso, pinilit siya nitong si Evo. Gusto raw kasi ni Alex na makita siya at pumunta sa bahay nila.

"Mabuti at napilit ka nitong si Evo... Ang totoo rin kasi niyan, ayaw kang rin niyang papuntahin rito at hindi ko alam kung bakit, mabuti na lang at napilit ko rin siya." Sabi ni Alex.

"Hindi naman sa ayaw ko Hon... ang kaso baka kasi busy rin itong si Henz sa restaurant niya kaya umaayaw rin ako sa gusto mo, baka makaabala kasi tayo sa kanya." Sabat naman ni Evo.

"Talaga? May restaurant ka Henz?" tanong ni Alex.

Napatango naman si Henz. "Business ko." sagot pa nito.

Napatango-tango naman si Alex sabay ngiti.

"Nice..." sabi nito. "Oo nga pala, Halika at pasok ka." Sabi pa nito at tuluyan nang pinapasok sa loob si Henz.

Napangiti na lamang si Henz at tuluyan na rin itong naglakad papasok. Kasunod nito si Evo.

Nilibot ni Henz ang mga paningin sa kabuuan ng bahay, it's a three story house, kumpleto sa gamit at maayos. Bagay na bagay tirhan ng isang pamilyang gaya nila Evo.

"Maupo ka na muna." Sabi ni Alex sabay nag-sign ito na maupo si Henz sa mahabang sofa na nasa living room.

Napatango naman si Henz at naupo na nga rin ito.

"Bakit mo ba ako gustong imbitahan rito sa bahay niyo?" tanong ni Henz kay Alex.

Napangiti naman si Alex.

"Gusto pa kasi kitang mas makilala pa. Hindi kasi tayo masyadong nagkakilala at nagkausap nung unang beses kitang makita na kasama nitong asawa ko. Saka since na kaibigan ka ng asawa ko, talagang gusto kita na makilala." Sabi ni Alex na nanatiling nakatayo pa rin.

Napatango naman si Henz.

"Oo nga pala... Sandali lang huh at ikukuha lang kita ng miryenda... Talagang nag-bake pa ako ng cookies para sa pagdating mo e may makain ka. Teka at kukunin ko." sabi ni Alex. Tango na lamang ang isinagot ni Henz.

Umalis na nga si Alex at pumunta sa kusina para kumuha ng mamimiryenda ni Henz. Naiwan naman sa living room sila Henz at Evo na tumabi naman sa pagkakaupo ng una.

"Pwede ka namang tumanggi sa gusto ko kahit na pinipilit kita." Bulong na sabi ni Evo kay Henz.

Napatingin naman si Henz kay Evo. Tipid itong napangiti.

"Siguro... Ito na rin ang takdang panahon para makilala ang asawa mo... Kung anong klaseng babae siya... kung bakit paulit-ulit mong sinasagot sa akin sa tuwing tatanungin kita kung bakit hindi mo siya magawang mahalin... Gusto kong malaman ang sagot kung bakit nga ba." Sabi ni Henz.

"Henz... Di ba sinabi ko na rin naman sayo ang sagot dati pa... kasi mahal kita at wala na akong ibang mamahalin pa kundi ikaw lang... kaya kahit kailan, hindi ko siya magagawang mahalin..."

"Pero gusto ko pa ring malaman ang sagot kung bakit nga ba talaga... Kung ano bang meron ako na wala siya at anong wala ako na meron siya." Sabi kaagad ni Henz. Nagbubulungan sila.

SINFUL LOVE (ROMANCE-MELODRAMA) - COMPLETED #Wattys2020Where stories live. Discover now