CHAPTER 2

3.6K 103 1
                                    


#SinfulLove

CHAPTER 2

Nakatingin lamang ako sa kisame ng kwarto ko habang nakahiga sa aking kama at napapangiti na parang tanga. Hanggang ngayon kasi ay naglalaro sa aking isipan ang mga nangyari sa amin ni Evo at hindi ko talaga maiwasang hind imaging masaya at... kiligin na rin.

Ngayon ko lamang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Iyong tipong sobrang saya ko kapag kasama ko ang isang tao. Sa kanya ko lamang naramdaman ang magkahalong saya at... kilig.

Masasabi ko na nga ba sa sarili ko na gustong-gusto ko na siya kung nararamdaman ko ang mga iyan? Nakakapagtaka lang kasi talaga kasi ang bilis. Pero wala na akong pakiealam sa bilis-bilis na 'yan... ang mahalaga, masaya ako ng dahil sa kanya.

- - - - - - - - - - - - -

Nasa library ako ngayon dito sa school at mag-isang nagbabasa ng libro. Wala e, walang magawa kaya kaysa naman tumambay ako sa quadrangle at makakita ng mga hindi kanais-nais na nilalang or anything, dito na lamang ako at aabalahin ang sarili ko sa pagbabasa.

Nakapwesto ang mesa at upuan ko sa pinakadulong bahagi ng library kung saan walang masyadong nagagawi. May kwento nga rito na narinig ko lang sa mga estudyante rin rito na madalas daw na may nagpapakitang multo or whatever sa kinalulugaran ko ngayon pero hindi ako naniniwala saka hindi rin naman ako natatakot. Mas natatakot pa nga ako sa mapanghusgang lipunan sa mga kagaya ko e.

"Can I share a table with you?"

Nagulat ako hindi dahil sa may nagsalita bigla kundi dahil sa kilala ko ang boses nang nagsalitang iyon.

Kaagad akong napatingala nang tingin para makita siya.

"E-Evo?" tanong ko.

Napangiti siya. Bigla na siyang naupo sa kabilang upuan na nasa tabi ko.

"Mag-isa ka yata? Wala ka bang kaibigan rito sa school?" tanong niya.

Hindi ako kaagad nakapagsalita. Paano naman kasi, ibang-iba ang itsura niya ngayon. Hindi ko sa sinasabing nagbago ang mukha niya a, gwapo pa rin naman siya pero para mas gwapo siya ngayon. Mukha siyang matalino kasi naka-eyeglass siya. Hindi siya mukhang nerd pero... Hay! Sabihin na nga lang natin na hot na nerd. Ang ganda pa nang pagkakadala niya sa suot niya ngayon kahit school uniform lang naman ito. Magaling siyang magdala ng damit.

"Oy! Natulala ka na diyan..."

Bumalik ako sa reyalidad. Napakamot na lamang ako ng ulo.

"Sorry... Hindi kasi kita masyadong nakilala dahil sa ayos mo ngayon." Sabi ko.

Natawa siya. "Estudyanteng-estudyante lang ang dating ko no?" tanong niya. Napatango ako.

"Oo nga pala... To answer your question kanina... may mga kaibigan naman ako kaso mga busy rin sila e kaya ako lang ngayon mag-isa." Sabi ko.

Napatango siya.

Pamaya-maya ay nagulat na lamang ako ng bigla niyang hawakan ang kanan kong kamay na nakapatong sa mesa. Kaagad ko iyong binawi at nagpatingin-tingin sa paligid. Mamaya kasi may makakita sa ginawa niya.

"Huwag kang mag-alala, walang nakakita."

Muli akong napatingin sa kanya. Nag-aalangang napangiti.

"Oo nga pala... Siguro naman... tayo na." sabi niya na ikinagulat ko.

"Tayo na?" pagtataka kong tanong.

SINFUL LOVE (ROMANCE-MELODRAMA) - COMPLETED #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon