CHAPTER 4

2.4K 87 0
                                    


#SinfulLove

CHAPTER 4

PRESENT TIME...

"Saan ka pupunta?" tanong sa akin ng... asawa kong si Theresa na prenteng-prente na nakaupo sa sofa na nasa living room na nadaanan ko naman. Nakataas pa ang kanang kilay habang nakatingin sa akin.

"Bakit mo tinatanong?" tanong ko sa kanya.

"Kasi... asawa mo ako." Sabi niya pero biglang natawa. Baliw lang? "Anyway... Bakit ko pa nga ba tinatanong sayo kung saan ka pupunta e alam ko naman kung saan..." sabi nito.

"Alam mo naman pala e." sabi ko. Napabuntong-hininga.

"Oo nga pala... Nasabi mo sa akin minsan di ba na... may asawa ang boyfriend mo?" tanong niya. Alam niya ang tunay kong pagkatao, alam ko rin ang tunay niyang pagkatao. Kaya nga kami pinakasal ng mga magulang namin ay dahil sa iisang dahilan at para mapagtakpan ang tunay na kami, ginawa kaming mag-asawa. As usual, alam niyo na ang dahilan kung bakit. 'Yun ay para hindi masira ang dignidad at reputasyon ng mga pamilya namin dahil nga pareho kaming galing sa maimpluwensyang mga pamilya. Daddy niya, mayor ng lalawigang ito.

Nangunot ang noo at nagkasalubong ang magkabilang kilay ko.

"So... Bakit mo ngayon sinasabi 'yan?" tanong ko sa kanya.

"Uhmm... Wala lang... naiisip ko lang kasi... Hindi ka ba naghihirapan? Alam mo na... nasa isang kumplikadong relasyon ka." Sabi niya. Minsan talaga... hay naku! Ito talagang babaeng ito.

"E ano namang pakielam mo kung nahihirapan ako sa relasyong meron ako?" tanong ko. Oo, minsan tinatarayan ko siya na kinasanayan naman niya. Biruin niyo, sa tagal na naming kasal, mga almost three years na nga yata e hindi pa siya masasanay sa akin? Ako nga, sanay na e.

"Eto naman.. concern lang ako e..." sabi nito. "Hay! Mabuti na lang kami ni Lianne, kahit na patago ang relasyon... masaya naman at walang tensyon." Sabi niya. Si Lianne, girlfriend niya na maganda kagaya niya. sa pagkakaalam ko na sinabi niya sa akin, 4 years na sila e, bago pa kami ikasal, sila na talaga.

Hindi na lamang ako nagsalita.

Oo, tama kayo ng hinala, lesbian si Theresa at walang nakakaalam ng bagay na iyon kundi ako lamang at ang pamilya niya. Sa pagkakaalam ko, sila Mommy at Daddy hindi nila alam ang tunay na pagkatao nitong napangasawa ko. Ang mga magulang rin naman niya, hindi alam na may iba rin sa pagkatao ko. Siya, ang mga magulang ko at si Evo lang ang nakakaalam sa tunay na pagkatao ko.

Sa unang araw pa lamang ng pagiging mag-asawa namin, nagtapat na kami sa isa't-isa sa mga bagay-bagay na inililihim namin sa karamihan kaya ito, hindi na rin kami nahihirapan na magtago sa isa't-isa.

Bukod kasi sa naunang dahilan ng mga magulang ko at marahil ay ng mga magulang niya kung bakit nila kami ipinakasal at itinali sa isa't-isa, ang isa pang dahilan ay matalik kasing magkakaibigan ang mga magulang ko at magulang niya. Kumpadre at kumare pa nga kaya naman talagang ipinagkasundo nila kami.

Tumutol rin naman si Theresa na makasal sa akin gaya ng pagtutol ko rin ang kaso, kagaya ko, wala rin siyang nagawa kahit na katakot-takot na kalokohan na ang ginawa niya para lamang hindi siya matuloy na maikasal sa akin. Mabuti na nga lang at tanggap ni Lianne ang lahat e kagaya ni Evo na tanggap na rin na kasal na ako.

Hanggang sa kasalukuyan naman ay wala pa ring alam ang mga magulang namin na bukod sa karelasyon namin ang isa't-isa dahil nga sa mag-asawa kami, may mga iba pa kaming karelasyon. Hay! Ganun talaga, magaling kaming magtago e.

SINFUL LOVE (ROMANCE-MELODRAMA) - COMPLETED #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon