Chapter XXV- The Missing Days

ابدأ من البداية
                                    

"Ahhh ikaw yung kaibigan ni Hailey ahhh bakit ka napatawag?" Sabi na nga ba eh sya nga pero paano nya nakuha yung number ni Jake hayysstt bahala na nga bakit kaya sya napatawag

"Whatt?!Si Hailey aalis na?!" Parang nabingi ako nang sabihin nya yon

" Oo papaalam ko sa kanya now na sige bye" At binababa nya na yung phone nya

"Pre ano si Hail-" Pero hindi ko na sya pinatapos at tumakbo na paalis ng bar

Tinakbo ko ang dorm namin at agad dumiretso sa kwarto nya pero nagulat ako nang naka padlock na ang kwarto nya kaya dali dali akong tumakbo sa kwarto ko para kunin yung phone ko

Nang buksan ko ang pintuan nyang ko bumungad sa akin ang isang papel na alam kong galing sa kanya..

-----------------------------------------------------------

Dear James,

Gusto ko lang sanang sabihin na salamat sa lahat ,Salamat dahil kahit sa maikling panahon naging parte ka nang buhay ko at napasaya mo ang kagaya kong weird at neird..

Salamat pala sa mga efforts mo at sorry sa lahat kung masyado mataas ang pride ko at kahit anong gawin at gustong yakapin ka di ko magawa hahah natatawa na nga lang ako sa sarili ko at iniiisip kung baliw na ba ako kasi bakit di ko magawang aminin na mahal parin kita at hanggang sa pag-alis ko ikaw parin hahah...Oo nga pala nabasa ko na pala yung sulat mo na iniwan mo rin sa pinto ko tulad ng ginawa ko ngayon pero sana mabasa mo ito nang maaga di tulad ko na naging tayo na lahat ,hanggang sa alam mo na matapos na ngayon ko lang nabasa yung espesyal na sulat na ginawa mo.....Oh pano humahaba na pala tong nasusulat ko hahaha Sana sa pag alis ko marami ka sanang matutunan at  ganon rin ako  at Sana makahanap ka ng babaeng para saiyo at hindi ka sasaktan yun lang....Hanggang dito nalang ,Paalam at salamat James Carter

                                 
                                               Love, Hailey

-----------------------------------------------------------

Agad kong kinuha ang phone ko at kahit hindi pa sinasara ang pinto ay tumakbo na ako pababa,Iisa lang ang iniisip ko at yun ay ang mahabol sya

Pagkalabas na pagkalabas ko bumungad sa akin ang isang kotse at biglang bumubaba yung salamin nang kotse

"Need a ride " Asar na sabi ni Jake

Walang sabi sabi akong sumakay at agad naman nyang pinaharurot ang kotse nya

"Wala na bang ibibilis yan" Sabi ko

"Gusto mo bang mahuli ako?!"

"Wala akong pakialam basta bilisan mo!" Galit kong sabi

Nang makarating kami sa airport agad kong tinanong sa isang staff ang flight na kailangan kong pigilan

"Im sorry sir,But they're already on air"

"Hindi yon pwede miss kailangan ko syang pigilan" At nagsisimula na akong mag eskandalo pero wala akong pakialam  kaya nagpatawag na sila nang gwardya

"No let go of me! No,Hailey!!"

"Jake pls tell to this stupid guard that I need to stop that f**king airplane now!! So he needs to let go of me now!!"

"Wala na akong magagawa James gayon kadin kaya umalis na lang tayo"

"No Haileyyyyyyy!! Come back!! *sob* No!! hailey wag mo kong iwan! *sob*"Sigaw ko sa labas at unti unti na akong nawala sa sarili kaya naglakad ako paalis habang tumutulo ang luha

" Bae pls bumalik ka na"  Huling mga salita na nasabi ko nang biglang

*BOOOOGSSSSHHHHHH*

Nakarinig ako nang mag sigawan sa paligid ko at yung iba may tinatawagan at tumabi sa akin si Jake at sumisigaw sya nang tulong at tumulo ang huling patak nang luha sa mata ko at naaalala ang mukha nya bago lumabo ang paningin ko at nawalan na ng malay....

Nagising ako sa isang hospital at nakita ko ang mga tao sa paligid ko "Sino sila?" Tanong ko sa sarili ko at hindi na ako nakapagpigil na tanungin din sila

"Sino kayo?" Tanong ko sa mga taong nakapaligid sa akin

"Wag mo kaming lokohin pre natulog kalang nang isang buwan di mo na kame kilala" Sabi nung lalaki

"Huh? Hindi ko naman talaga kayo kilala at tsaka isang buwan na akong tulog?" Tanong ko sa kanya

"Oo" Sagot nung lalaking di ko kilala at wala akong ideya sa mga nangyayare

"Sandali lang ah" Sabi niya

Tumango na lang ako

Hinila nya yung babae at isa pang lalaki at nagusap sila at nagbulungan pero may parte akong narinig

"Nangyari na nga yung sinabi nang doktor na either mawalan sya ng memorya o normal parin ang lahat sa kanya...." Sabi nung lalaking nakausap ko kanina

At tumango ang dalawa tanda nang pagsang-ayon

"Dahil alam naming wala kang naaalala hayaan mo kaming ipaalam lahat sayo" Pagbalik nung lalaki kaninang kumausap sakin

Kwinento nya nga lahat sa simula at pag napagod ang lalamunan nya yung babae naman at napagod sya sa isang lalaki naman at vise versa 

Nalaman kong yung una palang lalaking kumausap sa akin pagkagising ko ay si Jake yung babae naman ay si Casey at yung isa naman ay si Alex

Ang dami kong nalaman sa buhay ko dahil sa mga kwento at patunay nila naniwala naman ako sa lahat ng kwento nila pero hindi ako naniwala na may minahal ako nang sobra at ang pangalan daw non ay Hairley bayun o Harley basta di ko sya kilala at hindi ko alam kung totoo yung sinasabi nila ....

END OF FLASHBACK......

JAMES POV

Makalipas ang ilang taon na kasama sila at naging maayos naman ang lahat at ngayon ay graduate na kami nang college hayyyss masasabi kong marami pa akong hindi nalalaman sa pagkatao ko at kung sino ba ako pero isa lang masasabi ko masaya ako ngayon dahil sa bago kong buhay ngayon at oo nga pala may syota na pala ako si Lily sya yung nag alaga sa akin at nagparamdam sakin kung paano magmahal at tatlong taon na kami at suportado naman ako ng mga kaibigan ko kahit na minsan parang may gusto silang sabihin na ayaw nila akong maging kami ni Lily pero later on tinanggap naman nila yung relationship namin, Uhmmmm,Parang ngang may naaalala ako kay Lily, Pero sino?  haysss pinasasakit lang yung ulo ko nitong taong na toh...





************************************

YAN NA PO YUNG UD NA HINIHINTAY NYO HAHAHA SORRY PO KUNG NAPATAGAL HAHAH 🙇🙇🙇🙏🙏

ANO KAYANG MANGYAYARI SA DALAWA HAYSS HINDI NA AKO MAKAPAGHINTAY KAYO BA HINDU NA RIN BA KAYO MAKAPAGHINTAY🙏😖😣

COMMENT NA DALI PARA MALAMAN KO FEEDBACK NYO SA CHAPTER NA TOH📝✏📝

I DEDICATE THIS TO ALL OF YOU READERS,TO ALL OFF MY FRIENDS AND TO MAAM ALBERTO THANK YOU MAAM HAHHAHA 😘😘😘😘






While You Were Gone (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن