Nagtrabaho naman si Randy Evaristo sa isang mataba at mayamang Intsik na si Mr. Lee. Kasama niya si Bert bilang mga personal na body guard sa mayamang Intsik.

Nang gabing iyon ay inatake ng magkapatid na Mangkukutod si Mr. Lee sa loob ng VIP room sa isang bar sa may Ermita. Na kung saan napatay din nila si Bert, isa sa mga personal na body guard ng matandang Intsik. Sinuwerteng nakatakas si Randy sa magkapatid na mangkukutod. Pero nakunsensiya si Randy dahil sa pag-iwan kay Bert kaya muling bumalik ito sa loob ng bar. Patay na si Bert ng madatnan siya ni Randy.

Gustong maghiganti ni Randy para sa kanyang matalik na kaibigan at sinubukang habulin ang dalawang aswang. Doon ay nadatnan niya ang isang babaeng nakasuot na itim na hapit na pantalon at long sleeve na damit at kitang-kita niyang nakikipagsagupa ito sa magkapatid na aswang na pumatay sa kanyang among si Mr. Lee at kasamahan sa trabaho na si Bert. Siya si Maria Odessa dela Rosa, kalahating Diwata, kalahating tao at nahawaan ng dugong Sangre.

Inatake si Randy ng mangkukutod na si Trisha. Samantalang si Odessa ay si Chelsea naman ang kanyang kinalaban. Sa tulong ng Eskrihala ay madaling napatay ni Odessa si Trisha.
Sugatan naman si Randy ng tinulungan siya ni Odessa. Gamit ang Eskrihala ay nasunog ang katawan ni Trisha, pero nakuha pa nitong makalipad at makatakas kay Odessa dahil sa pagtutok ng baril sa kanya ni Randy. Nawalan ng malay si Randy dahil na rin sa mga sugat na natamo kay Trisha.

Nakatakas si Trisha at nakarating sa mansion ng kanilang pinuno na si Claudius. Doon ay namatay si Trisha sa kandungan ng kanyang ina.

Nagising si Randy sa munting dampa ni tandang Ursula, ang huling babaylan sa kagubatan ng Alaya. Ang kagubatang binabantayan ni Laurea o si Mariang Sinukuan. Dito ay nakilala niya ang diwata at nagkalapit ang loob ng dalawa.

Sa pagbilog ng pulang buwan ay nakaramdam ng kakaibang lakas ang mga anak ng buwan at napapadalas na ang pag-atake nila sa mga tao.

Sa mansion ni Caudius ay tinipon niyang lahat ang mga elders o mga nakatatandang lider ng mga iba't-ibang angkan mula sa mga anak ng buwan. Pinag-usapan ang plano nilang sakupin ang Pilipinas kasabay ang paglusob din ng mga anak ng buwan sa iba't-ibang panig ng mundo.

Lahat ay sumang-ayon sa kanyang nais maliban kay Demetria. Sa pagkakataong iyon ay nagkaroon ng dahilan si Claudius na pagbintangan si Demetria na taksil sa samahan at ipinapiit siya sa basement ng mansion.

Samantala sa lungsod ng Angeles ay hinihintay ni Calisha ang kanyang kaibigang si Maro para tulungan ito sa kanyang ginagawang thesis. Si Maro at Odessa ay iisa.

Hindi nakarating si Odessa sa kanilang usapan kaya nagdesisyon na lamang na umuwi na lamang ito. Sa kanyang paglalakad ay napansin niyang may isang lalake ang sumusunod sa kanya at minabuting bilisan ng kanyang paglalakad.

Tama nga ang kanyang hinala, sinusundan nga siya ng misteryosong lalaki. Sa tulong ng mga tao sa pamilihan ay nailigaw niya ang lalaki at hindi na siya nasundan nito. Papauwi na sana siya ng matanggap ni Calisha ang text ng kanyang madrasta para ibili ng gamot ang kanyang ama. Pumasok muna siya sa isang mall para bumili ng gamot.

Nang makabili na ay lalabas na sana siya sa mall para umuwi, nang biglang bumuhos ang malakas na ulan at minabuti na munang bumili ng aklat sa isang bookstore at basahin ito habang hinihintay na tumila ang ulan. Ngunit sa kanyang pagbabasa ay di na niya namalayan na magsasara na pala ang mall  at nagmadali itong lumabas  para makauwi.

Hindi pa rin tinantanan ng kamalasan si Calisha sa kanyang pag-uwi dahil may balak na masama sa kanya ang isang tricycle driver. Natakasan niya ang ang driver pero naghihintay pala kay Calisha si Cornelius, isa sa mga angkan ng  matatandang lahi ng mga bampira.

Doon ay nakatagpo niya si Maro ang kanyang kaibigan at iniligtas siya nito sa bampira. Pero nalagay sa kapahamakan ang buhay ni Odessa sa matandang bampira, na iniligtas naman sila ni Laurea.

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Where stories live. Discover now