Chapter III - Deal

182 12 0
                                    

"Gagawin ko yun? Nababaliw ka na ba?!!" Sinigaw ko since wala namang makakarinig, nasa rooftop kami. Hinila lang ako ng mayabang na to dito e.

"Ayaw mo ba? I'd look for Sungyeol then, and tell him the truth. Madali naman ako kausap." Nagsmirk nanaman siya, anu bang magandang paraan para alisin yung ganung smirk niya? Nakakaasar.

"Anung oras bukas?" Letsugas naman oh. Hindi ko deserve ang ganitong buhay. Oh Lord maawa po kayo.

Hindi siya lumingon pero "4pm sa plaza."

Nang makaalis na si Myungsoo, naghintay ako ng ilang minuto bago bumababa. Magiging kahina-hinala naman kung sabay kaming bababa at nanggaling sa rooftop. Mamaya baka iba pa isipin ng mga makakakita e.

"Kamusta? Anung pinagagawa niya sayo?" Tanung ni Fei na agad akong hinila papunta sa Cafeteria. Parang wala na ata kong ganang kumain e. Aigoo. Mahal ko pa buhay ko e.

Shit! Wait! Di ko pwedeng sabihin kay Fei yung pinagagawa ni Myungsoo. Inlove to kay Myungsoo e, pag sinabi ko yun baka magtampo to lalo't pumayag ako.

Anung sasabihin ko??!

Ano?

"Uh.. Sabi niya... Linisin ko daw kwarto niya." Gulp. Hindi pa naman ako magaling magsinungaling.

"Oooh. Ikuha mo ko ng souvenir ah?" Ngumiti na siya, means kinagat niya yung sinabi ko. Ugh. Ayokong nagsisinungaling kay Fei e, kahit ganto to, as much as possible, tapat ako sa kanya.....

"Anung gusto mo brief o boxers ni Myungsoo?" Binulong ko lang sa kanya at tsaka tumawa ng may halong nerbiyos. Hehe. Medyo ang pervert ko rin e nu pero ugh bakit ko nga ba sinabi yan? Baka mamaya pumayag siya e. Mahira-

"Oo ah!" Tumili pa ang loka.

Anak naman ng tupa oh. Ayoko na!!!

'Ako ang bahala sayo' naalala kong sabi ni Myungsoo kanina. Huling beses na sinabi niya sakin yan ay nung sumali kami ng Math and Science wizards' contest. Alam niyang masama pakiramdam ko nun pero sumama parin ako para di kami madisqualified, um-acting lang daw ako na kunwari sumasagot tas siya na bahala sa lahat. Within an hour, natapos niya lahat. Genius. Damn genius. Pero yung pagkakasabi niya nun kanina kakaiba e, yung parang hindi din siya ganun kasigurado. Pero anu pa nga bang magagawa ko? Nangyari na e.

"Suzy!! Tulala ka nanaman." kumawaykaway si Fei sa harap ko para makuha ang atensyon ko.

"Sorry. May iniisip lang."

"May ketchup daw ba yung burger mo?" Buti nalang di niya tinanung kung anung iniisip ko.

"Ah oo."

Buong break yung mangyayari lang bukas ang iniisip ko. Paano kung mabuko kami? Lagot siya at pati ako.

Paano kung di nila ako magustuhan?

Nakakapressure pala pag ganito.

Magpapanggap lang naman akong girlfriend sa harap ng family ni Myungsoo e, madali lang yun diba?

That Arrogant Bastard named MyungsooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon