Chapter II - Awkward

206 12 1
                                    

Kinabukasan kinakabahan ako pumasok. Ganito kasi ang cycle, papasok ako ng maaga, maghahanap si Myungsoo ng kahit anu na mapapansin sakin, magaaway kami hanggang sa dumating na ang teacher, magtititigan nalang kami at pagumalis naman na ang teacher, the cycle goes on.

Minsan nakakapagod narin makipagsagutan kay Myungsoo, pero pag di ako lumaban, talo ako. Di ako papayag. Kahit babae ako ganun ganun lang? No.

"Uy Suzy mukhang nagpuyat ka ata?" Nagblink lang ako, tama ba narinig ko, si Sungyeol ba talaga yun? Sana di niya parin alam. Tinignan ko siya, nakangiti siya, grabe, his smiles never fail to make me smile as well, kaso pagtingin ko sa gilid niya wala na. Sira ang araw. That bastard is looking at me, that mocking look.

"Ah hindi actually maganda tulog ko." Nginitian ko nalang si Sungyeol at pilit na inalis si Myungsoo sa peripheral vision ko. Oh please, forbid my hands to be tainted by blood if ever i'll try to kill this jerk.

At finally, nakaupo rin. Ang awkward. At nakakatakot, kasi any minute pwedeng sabihin ni Myungsoo yung sikreto ko. Shit.

"Uhm Sungyeol anung ideal type mo?" Narinig kong sabi nung mokong, siyempre automatic na lumaki tenga ko.

"Anu ba Myung, anung klaseng tanung yan, ang aga aga e."

Di ko sila matignan. Focus on your book, focus.

Pero minsan naisip ko rin paano kaya kung homosexuals tong dalawa, tapos sila pala. Kasi bagay naman sila e. Pero mas bagay kami ni Sungyeol. Hihihi, diba?

"Just answer the question."

"Ah--"

Nakakainis naman oh, sasagot na si Sungyeol tas may mga pumasok na mga epal. Aish.

"You are my oooh special oooh special oooh special special special girl." Yung lalaking isip bata pero ang cute cute niya tas laging nakangiti. Dongwoo.

"Myungsoo anung balak mo sa Sabado?" Hoya asked. Nakaupo siya sa isang armchair malapit dun sa dalawa habang si Dongwoo naman nagsusulat ng kung ano sa whiteboard, tulad ng 'yadong' 'myungyeol' 'woogyu' at 'sungjong'.

Maya-maya, dumating na rin yung ibang classmates ko, sa wakas.

"Suzy." Teka Kim Myungsoo, anung meron? Bakit mo ko tinawag? Sinabi na ba niya? Pagtingin ko, si Hoya, Sungyeol at Myungsoo ay nakatingin sakin. Moment of truth na ba?

Tapos ngumiti lang si Hoya at Sungyeol tsaka bumalik sa pakikipagusap kay Myungsoo.

Holy mother of bananas, what's happening?

Okay wala lang yun, nantitrip lang sila. Inhale. Exhale. Review ulit tayo.

'Flourine, Chlorin-'

"Suzy goodluck sa Saturday. Hopefully matagalan mo siya." Nakasmirk na sabi ni Hoya tsaka inginuso si Myungsoo. At umalis na agad.

Clueless ako pero anu ba kasi talagang nangyayari?

NOTE: MERRY CHRISTMAS!!! ^^

That Arrogant Bastard named MyungsooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon