Chapter I - Eavesdropping bastard

300 15 0
                                    

"Yehey! Isang sem nalang gagraduate narin tayo. Whooo!" Sigaw ng classmate kong si Sungyeol, with matching octopus dance pa ang loko.

Pero nangingiti ako kasi ang totoo, crush ko siya. Walang nakakaalam kundi ako at si Fei. Kasi kung titignan mo siya, ang bait na matalino pa, bonus factor na yung kagwapuhan at height niya no.

"Baka matunaw!" May biglang tumusok sa tagiliran ko, siyempre sensitive ako may kiliti napatawa tuloy ako. Hay Fei, anung kasalanan ko sa mundo para magkaroon ng kaibigang tulad mo.

"Fei parang awa mo na. Wag kang maingay pwede ba?" Inirapan ko nga. Okay lang naman yun e, sanay na kami sa isa't isa. Ultimo ang wrestling, one way of showing affection narin namin yun sa isa't isa e.

"So you have a crush on my dear friend?" Nanigas ako. Nanigas buong katawan ko. Lumunok ako. Wag mo sabihing narinig niya ang lahat, kasi kung itong lalaking to ang paguusapan, magaling siya sa Science lalo na pagexperiment mostly din ang conclusions, so pag may naiisip siya ayon sa observations niya, aba, patay na.

Lumingon kami pareho ni Fei, in sync pa nga e. Matapang ako, oo naman, pero weakness ko yung crush ko kaya as much as possible wala dapat makaalam nun, e ang malas narinig ng bestfriend niya.

"Eavesdropping, wow Kim Myungsoo." Tinaasan ko siya ng kilay, kunwari di kinakabahan. Swallowing the pride left in me, "Wala akong gusto, at kung meron man, pakialam mo ba?" Finally, standing on my own ground ulit. Kaya ko to, it’s not like never pa ko nanalo ng argument sa mokong na to. Well ... Oo magaling siya pero, mas magaling ako!

"Well if it concerns Sungyeol, then may pakialam ako." Pagkatapos e ngumiti na siya, paalis na. Lagot ako. Masyado bang halata sa mukha ko na crush ko ang bestfriend niya?

Teka delikado ako.

Bago pa makaalis si Myungsoo, hinila ko na yung braso niya.

"Hoy! Di ko siya crush no." Sinubukan ko namang magboses matapang ulit e, kaso katulad ng sinabi ko, weakness ko si Sungyeol ....

"It’s written all over your face, Suzy." Nagsmirk siya. Kahit kailan talaga nakakainis pagmumukha nito, nabisto na ko e. Wala na kong magagawa. Paano nalang pag nalaman ni Sungyeol? Anung reaction niya? Kainis naman oh. Di pa pumasok sa isip ko ang possibility na mangyari to, kaya ayan di ako ready.

"You want me to keep it?" Tumingin siya sakin na parang nanghahamon.

"Kilala kita, alam ko may kapalit yan." Wala na kong magagawa. May pumisil sa palad ko, ay oo nga pala andito pa bestfriend ko. Back up lang ang peg Fei? Kaso wala naman siyang masabi. Inlove to kay Myungsoo e so anything against him from her is impossible. Ang pagpisil niya sa kamay ko siguro as a sign na moral support.

"Wag ka magalala, di naman mahirap ang kapalit." And with that plus wink, umalis na siya.

Paano na?

Tumingin ako kay Fei at inalog alog siya ng konti.

"Fei anung gagawin ko?" Sira na ang araw ko, samantalang kanina e ang saya ko pa. Tsk. Never talk about your crush when a bastard (like Myungsoo) is around.

Lesson learned. Aigoo.

"Ang gwapo ni Myungsoo."

"Fei!"

NOTE: First chapter is done! Yay, sana nagustuhan niyo kahit medyo fail yung comedy, lol. Thank you for reading! :)

That Arrogant Bastard named MyungsooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon