Umupo ito sa tabi ko at naglagay ng kanin sa pinggan ko. Siya na rin ang naglagay ng ulam na binili nila. Tumingin ito sa akin at tinaasan ako ng kilay. Galit siya kapag ganito ang ginagawa niya.

"Ano pa ang hinihintay mo? Gusto mo bang subuan pa kita bago ka kumain?"

Umiling ako at sumubo. Ang huling kain ko ay kaninang hapon na pinahiya ako ni Thalia. Ayoko ng lumabas at baka makilala ako ng mga taong nasa restaurant rin.

Nakalahati ko na ang pagkain ko ng magsalita ang katabi ko, "Nalaman namin ang nangyari sayo kanina, Cassandra."

"Pinuntahan mo sana kami para kami ang gaganti para sayo!" sabi ni Laurel.

"Hayaan niyo na lang siya. Kapag gumanti pa kayo sa kanya ay kayo naman ang gawan niya ng masama. Ayoko naman na kayo ang ipahiya niya sa ibang tao. Mas mabuting ako na lang basta huwag lang kayo."

Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Hindi na sila nagsalita at kumain na lang rin. Ayokong madamay pa sila. Nadamay na nga sila sa galit ni Mr. Villacorte kaya huwag ng pati sila ay pag-initan ni Thalia.

Bumalik na sa kwarto nila yung dalawa at ako na lang nagprisinta na magligpit sa pinagkainan namin. Nilibre na nila ako ng dinner kaya ito na lang ang magagawa ko para sa kanila.

Pumasok ako sa kwarto at nakaligo na sila. Kumuha ako ng damit para maglinis na rin ng katawan. Bakit kaya ang tahimik ng dalawa? Mula pa ng matapos kaming kumain ay hindi ko na silang narinig na magsalita.

Natapos ako at nakitang nakaupo sila sa mga kama nila. Tinanggal ko ang salamin ko at nilagay sa side table.

"Bakit hindi pa kayo natutulog?"

"Lumapit ka nga samin, Cassandra. May itatanong lang kami sayo."

Umupo ako sa kama ni Laurel. Lumipat rin si Kim para nakaupo kami sa iisang kama.

"Ano ang trabahong binigay sayo ng Thalia Impakta na yon?!"

"Sa hotel."

"Kailan pa naging trabaho ang hotel?! Maging specific naman ang sagot mo. Kanina pa kaming nag-iisip kung ano ang inutos sayo!" nakakatakot si Kim kapag ang taray na niyang magsalita.

"Nagmomonitor ako ng mga hotel rooms."

Napahigpit ang pagkakahawak niya sa unan. Lumayo ako ng konti sa kanya at baka gawin niya ang ginawa niya kay Laurel sakin.

"Tatanggalan ko ng buhok ang babaeng yon. Pinapaganda pa niya nga trabaho natin. Helper at tagalinis ang binigay niya. Dapat magreklamo tayo!"

"Kanino tayo magrereklamo, Kim? Siya ang nakakataas dito. Walang epekto kahit magreklamo tayo." tama ang sinabi niya. Baka hindi pa makinig iyon sa reklamo namin.

"Sinabi ko bang sa kanya? Pwede naman tayong magreklamo kay Ma'am Vivian. Hindi tama itong ginagawa sa atin. Nasa finance tayo tapos pinatapon tayo dito para maging katulong!"

"Sa tingin ko, wala rin magagawa si Ma'am, Kim. Under siya kay Mr. Villacorte, kahit head siya ay wala pa rin siyang magagawa sa desisyon ng daddy ni Clyde." Malalaman pa na nagrereklamo kami at madagdagan pa ang galit niya sakin.

"TAMA! Ang galing mo talaga, Cass! Alam ko na kung kanino tayo magrereklamo."

"Kanino?"

Lumapit ito sa bag ko at may hinahanap sa loob. Anong ginagawa niya sa gamit ko? Nakita kong hawak niya ang cellphone ko at binigay sa akin.

"Tawagan mo si Sir Clyde. Sa kaniya tayo magsusumbong sa pinaggagawa ng Thalia Impakta na yon."

Ngayon ko na lang ulit nahawakan ito. Hindi ko na napansin sa sobrang gulo ng isip ko sa sitwasyon namin. Tinignan ko kung may text or call mula rito. Nadismaya ako ng wala man akong natanggap.

"Anong nangyari sayo? Tawagan mo na si Sir."

"Wala akong natanggap mula sa kanya, Laurel. Hindi rin ako pwedeng bigla na lang tumawag sa kanya at baka nasa meeting siya. Ang sabi niya, siya na lang ang tatawag sakin."

"Mag-iwan ka na lang ng text message sa kanya. Mababasa ni Sir yon kapag natapos ang meeting niya. Malaman lang niya na nandito ka sa Palawan at pinapahirapan ka ng kababata niya."

Tumingin ako kay Kim at sang-ayon siya sa sinabi ni Laurel. Sana nga mabasa niya agad ito. Pero kung hindi man, hindi sana magtagal iyon para makauwi kami. Unang araw pa lang ay ganito ang pinapagawa, ano pa kaya ang susunod na mga araw.

To: Clyde ko

Hi, baby! I hope you can finish your meetings and you can go home as soon as possible. I'm sorry, Clyde, kung hindi kita masasalubong sa pagbabalik mo. Nandito kami sa Palawan at nakaassign kami sa resort niyo. Nandito rin si Thalia at siya ang manager. I really miss you, baby. Take care and I love you.

Sana ay mabasa niya ito. Sapat na malaman niya na nandito ako. Ayokong magsumbong sa kanya at baka makaapekto sa kanya kung iisipin pa niya ang kalagayan ko.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Where stories live. Discover now