Dalawang card na lang at matatapos ko na ang kalahati ng binigay ng babaeng yon. Akala niya siguro ay hindi ko matatapos ang pinapagawa niya. Napahawak ako sa tiyan ko ng kumulo ito. Nakaligtaan ko ng kumain ng lunch sa paglilinis. Nagugutom na ko. Iniwan ko sa isang tabi ang cart ko. Kakain muna ako bago ako maglinis ulit. Hindi ko na kaya at nanlalambot na ko.

Lumabas ako ng hotel at naghanap ng restaurant. Malapit ang mga pools kaya tiningnan ko kung makikita ko sila Kim at Laurel. Aayain kong magmeryende. Nakalagpas na ako pero hindi ko man lang sila nakita.

Naghanap ako ng bakanteng table at umupo ako ng makakita ako sa bandang dulo. Umorder ako ng heavy meal para magkalaman na ang sikmura ko. Sumasakit na rin kasi dahil sa hindi ako kumain ng breakfast at lunch.

Nilagay ng waiter ang order ko at nagsimula na ako. Mas lalo akong nagutom ng maamoy ko ito. Nakakalahati ko na ang mga order ko ng may dumating at umupo sa bakanteng upuan sa harap ko.

"Ang galing mo naman, Cassandra! Nakuha mo pang kumain dito at iniwan ang trabaho mo."

Pinunasan ko ang bibig ko ng napkin at hinarap ito. Ano na naman ba ang problema niya!

"Nang dahil sa pinapagawa mo ay hindi ako nakakain kaya ginagawa ko ang bagay na hindi ko nagawa kanina."

"Sumasagot ka pa! Ganyan ba ang ginagawa mo sa Villacorte? Oras ng trabaho mo tapos bigla ka na lang umaalis at hindi tinatapos ang pinapagawa sayo."

"Malapit ko ng matapos, Thalia, ang sinasabi mong pagmonitor ko ng mga room kaya pwede bang iwan mo ako dito? Kailangan ko naman kumain at mula pa kaninang umaga ay wala pang laman ang sikmura ko!"

"Wala akong pakiaalam kung hindi ka kumain ng buong araw. Gawin mo ang inutos ko sayo! Ako ang masusunod dito kaya kapag sinabi kong bumalik ka ngayon, babalik ka!"

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang pagkain ko. Nakakawala siya ng gana sa pagsigaw niya. Dapat maubos ko ito para hindi sayang ang order ko.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko, Cassandra?! Bumalik ka sa hotel at tapusin mo ang paglilinis!"

Hinayaan ko siyang magsisigaw. Siya naman ang mapapagod at hindi ako. Napansin ko na may tumitingin na sa gawi namin dahil sa lakas ng boses niya. Hindi ba siya nahihiya sa ginagawa niya. Naturingan na manager ng resort pero nag-eeskandalo sa simpleng bagay lang.

Napatayo ako ng maramdaman ko ang malamig na tubig sa damit ko. Basang basa ang damit ko at pati ang palda ko ay nadamay.

"Siguro naman ay magtatanda ka na, Cassandra. Ayoko sa lahat na hindi nakikinig at sinusuway ako. Enjoy your food."

Pinatawag niya ang waiter, "Bigyan mo nga siya ng bagong tubig. Nadulas kasi ang kamay ko at natapon sa kaniya."

Umalis ito na natutuwa sa ginawa niya sakin. Nakita ng maraming tao ang sadyang pagsaboy niya sakin ng tubig. Hindi ko na hinintay ang pagdating ng waiter at nag-iwan na ako ng bill sa table ko.

~¤💞¤~

Nakahiga ako sa kama ko habang hinihintay na bumalik ang mga kasama ko. Natapos na ang mga trabaho namin at nagdesisyon na magsama sama muna kami sa room namin bago matulog.

Pumasok silang may dalang pagkain. Tumayo ako at tinulungan silang iayos ang mga dala nila.

"Bakit ang dami niyong dala?" Binuksan ko ang mga styro.

"Sabay sabay tayong kakain ngayon." Sabi ni Hanz.

"Sinabi niyo na kumain na kayo. Nagugutom ulit kayo?"

"Ikaw ang dapat naming tanungin. Hindi ka nakasabay ng lunch sa amin at hindi ka rin sumabay ng dinner. Magtapat ka nga, Cassandra, nagpapakamatay ka ba?" tanong ni Kim.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Where stories live. Discover now