Scene 12

8 1 0
                                    













"Ma, okay na po ako."

Sabi ko kay mama na ngayon ay pilit akong sinusubuan.


"Sigurado ka bang okay ka na?"

Nagtaas siya ng kilay.


"Opo ma, salamat."

Nginitian ko siya.


"O sya sya marami pa akong gagawin sa kusina, ikaw nang bahala sa sarili mo."


Nang umalis na si mama ay tinignan ko kung anong oras na.

40 minuto nalang bago dumating si Phoenix!


Agad-agad akong naligo at nagbihis.


Suot ko ngayon ang isang beige spaghetti strap above the knee  floral dress na binigay sakin na natanggap last year sa exchange gifts sa school, pinares ko naman ang converse white rubber shoes ko dito di kasi ako mahilig mag heels, masakit sa paa eh.


I tied my hair in a ponytail and I'm done.



"Krystelle! May naghahanap sayo! Si Phoenix daw!"


Agad kong kinuha ang bag ko at lumabas na sa kwarto.


Nakita ko si Phoenix na nakaupo sa sofa at kinakausap ni mama.


"Saan naman kayo kakain?"

Tanong ni mama na may dala-dala pang spatula.


"Sa Hilton's lang po."

sagot ni Phoenix.


Hilton's??!!!! Ang mahal mahal dun ha?


"Ganun ba? Bring home ko ha?"

Tumawa pa silang dalawa.


"Opo Tita."


"Wag mo nga akong titahin tawagin mo nalang akong Mommy""

Kumindat pa si mama.



"Ma!"

Napalingon silang pareho sakin.


"O anak! Ang gwapo naman ng boypren mo, tsaka di mo nasabing may jowa ka na pala."

Kinurut pa ni mama yung pisngi ni Phoenix.

"cute cute mo talaga."


Lumapit na ako sa kanila at hinablot si Phoenix.


"Ma ipapaalala ko lang boyfriend Ko si Phoenix."

Ngumiti ako kay mama.


"May sinabi ba akong hindi?"

Inosente ang mukha ni mama.


Oo nga wala naman siyang sinabing ganun pero ang inaasal ni mama eh parang sila yung mag jowa.


"Sge ma, byeee!!"


"Ingat kayo ha! Don't forget to PROTECT yourselves."

Inemphasize pa ni mama ang salitang "protect".


Eto namang si Phoenix eh humalakhak ng todo.


"Opo mommy! I will PROTECT her."

pareho na sila ni mama na tumatawa.


Ako naman naiwang iniintindi kung ano ang mga pinagsasasabi nila.


"Tara na alis na tayo!"

The Downcast's: SPARKSWhere stories live. Discover now