Scene 3

23 2 0
                                    





"N-naku wag na nakakahiya naman tsaka feeling ko kailangan mo ng uhm... Lonely time?"
Yumuko ako.

Ano ba tong ginagawa ko? Grabe nakakahiya super!

"Krystelle gabi na tsaka wala nang dumadaang sasakyan."
Seryoso niya akong tiningnan feeling ko matutunaw na ako.

"Uhm.. Sge sge."
Kinamot ko yung batok ko.

Pinatunog niya yung sasakyan niya.

Binuksan niya yung pintuan ng passenger's seat

"Uhm t-thank you."

Bago siya pumasok sa loob ng sasakyan kinuha niya muna yung teddybear tsaka flowers.

"Sayo na to."
Tapos stinart yung sasakyan.

Tahimik lang ako habang nagdrdrive siya.

"Para kanino pala to?"
Binasag ko yung matahimikan

"Para sana kay Lia."
Nabasag yung boses niya.

"Si Lia pala yung nililigawan mo?"
Wow ngayon ko lang nalaman na si Amelia pala yung nililigawan niya.

"Busted..."
Wala ayun na tumulo na yung luha niya.

Sh*t anong gagawin ko?
Bakit ko pa kasi inopen up yung topic? Ang bobo lang krystelle bobo.

"Uhm uhm sorry sorry di ko sinasadya bababa nalang ako diyan sa may eskinita kung gusto mo."

Di ko na talaga alam kung anong gawin ko.

Naghiwalay ang kaluluwa at ang katawan ko noong bigla niyang hininto ang sasakyan.

"Ouch."
Bulong ko sa sarili ko.

"It's not your fault. I don't deserve someone like her anyway."
I feel like i could see his soul through his eyes.

"Bakit mo nasabi yan?"
Ano ba Krystelle  ang tsismosa mo naman!

"I saw her kiss Louie, her ex."
May halong galit sa boses niya.

Kawawa naman pala talaga tong lalakeng to, nagmamahal na nga lang sinasaktan pa,buti pa ako single and happy.

Pinaandar niyang muli ang sasakyan niya.

"Alam mo mas maganda pag single ka kasi walang commitments, walang gastos, walang sayang na oras at higit sa lahat walang sakit."
Tumatango tango lang ako.

"I guess you're right..."

"Tsaka she doesn't deserve even a drop of your precious tears Phoenix."

"You're right again Krystelle..."

"Wait pano mo pala nalaman ang pangalan ko?"
Kanina pa ako nagtataka eh.

"I.D mo..."

"Aah..okay"
Nabalot nanaman ang sasakyan ng nakakabinging katahimikan.



"diyan nalang ako sa tabi, dun sa may red na gate!"
Tinuro turo ko pa yung bahay namin noong nakita ko na.

Bumaba na ako sa sasakyan niya.

"Salamat talaga Phoenix sa paghatid mo sakin ha? Tsaka pasensiya ka na kung marami akong tanong."
Ngumiti ako.

"Walang anuman Krystelle."
And he smiled back.

His smile gave me goosebumps, ang gwapo!

The Downcast's: SPARKSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon