Chapter 15. The Next Big Step

Start from the beginning
                                    

"Mimi, here's the water." Caedy said, flashing a wide smile.

My eyes widen as I saw little Caedy holding two glasses of water in both hands.

"Okay sweetie, let's give Mama a cold shower then." Glaiza said grinning from ear to ear.

"No, no, no, Caedy Cassidy, stop right there!" I warned.

Pero napapikit na lang ako ng maramdaman ko ang lamig ng tubig na sumaboy sa katawan ko. Then I heard them both laughed hard.

Sinamantala ko ang pagkakataon at mabilis na kumawala.

With me dripping wet, hurriedly rushed to the sink and get my own glass of water.

Nagulat pa si Glaiza at napahinto sa pagtawa nang sabuyan ko ng tubig. Bahagya na ding nawisikan si Caedy ng tubig na isinaboy ko.

Her eyes went in slits as she turned to me. Pagkatapos ay muling nagtinginan ng makahulugan ang mga ito. Tila nag-usap ang mga mata bago isang makahulugang ngiti ang sumungaw sa mga labi.

Alam kong may binabalak na naman ang mga ito nang magkasabay na muling bumaling sa'kin kaya inunahan ko na.

"Hey, gumanti lang ako. Kayo ang nauna." I said, giving them a warning look but unable to suppress my smile.

"Caedy, attack !!" Glaiza and Caedy run towards me.

Bago pa ako makaiwas ay pareho na silang nasa harap ko at mahigpit akong niyakap at sinimulang kilitiin.

"Hey, please stop ..." Hindi ako magkandatuto sa pagtawa at ganun din naman sila sa malakas na paghalakhak.

Nasa ganun kaming tagpo ng isang tinig ang nakapagpatigil sa'min. At magkakasabay pa kaming napalingon sa pinanggalingan nito.

"What's happening here?" It was Jayson's voice who echoed around the kitchen.

Hindi namin namalayang nakatayo na pala ito sa may pintuan, madilim ang anyo na marahil dahil sa inabutang tagpo.

Kumalas ako sa pagkakayakap ni Glaiza at si Caedy naman ay yumakap sa binti nito.

Glaiza gave Jayson a death glare. Walang pakialam sa galit na inilalabas ng mga mata ng huli.

"I'm asking you Rhian, anong ibig sabihin nito?!" He said in an angry voice.

Bahagya pa akong napapitlag dahil sa lakas ng boses nito.

"Hwag mo syang sigawan! Wala kang karapatan!" Singhal dito ni Glaiza sa malakas at hindi magpapatalong tinig.

"At sinong may karapatan? Ikaw?" Jayson glared and started walking towards Glaiza.

Bahagya namang inilayo ni Glaiza si Caedy na nanatiling nakayakap sa binti nito pagkatapos ay sinalubong si Jayson.

Nang tuluyang magkalapit ang dalawa ay nagsukatan ng tingin ang mga ito. Walang gustong magpatalo, parehong bakas sa mga mata ang pagkasuklam para sa isa't isa.

"Kung inaakala mong natatakot ako sa yaman mo, nagkakamali ka." Sumisingasing si Jayson sa galit.

"Then bring it on, asshole." Glaiza respond, her eyes in slits because of pure anger.

"Hey, hey, you two stop it." Mabilis akong pumagitna sa kanila bago pa sila magkapisikalan. "My daughter's watching you."

Bahagya namang napayapa ang mga ito matapos tapunan ng sulyap si Caedy na ilang hakbang lang ang layo sa amin at nagmamasid sa mga nangyayari. Confusion was written in her little eyes.

"I'll wait for you outside and make it fast. You have a lot of explaining to do." Marahas na baling sa'kin ni Jayson.

Tumango lang ako bilang tugon.

Winning Back Mrs. De Castro (MGDC: Book 2)Where stories live. Discover now