Chapter 5

2.3K 57 16
                                    

Chapter 5

Halos di ako nakatulog kagabi kakaisip kung anong mangyayari sa araw na toh. Ngayon ang unang piano lesson ko with Mia. Para lang akong tanga na pabiling biling sa higaan kagabi. Parang hindi ako makapaghintay na dumating na yung kinabukasan. Natatandaan ko last time na nagkaganito ako, nung first tour namin ni Kuya Kenneth na walang kasamang parents and that was ages ago!

Kahit puyat, napakaaga ko ding nagising. Ang weird kasi parang hindi ako makapagdecide kung anong geet up ko. Alam ko naman mga typical na damit na sinusuot ni Kuya Kenneth pero parang biglang nagiba yung ihip nang hangin. Gusto ko poging pogi ako ngayon araw na toh. Gusto ko maimpress si Mia. Bakit? Ewan ko…baka kasi type ko na talaga sya!

“Goodmorning Kate! Kumusta ka na?” Tulad ng dating gawi, sinundo ko si Kate at gaya ng ginagawa ni Kuya Kenneth, may flowers para sa kanya.

“Okay na ko.” Sagot nya pero parang masama pa din loob sakin.

“Tara na..baka malate pa tayo eh.” Sabi ko na lang habang inaalalayan sya sa pagsakay sa kotse ko.

Biglang pumasok sa isip ko…pano kaya kung si Mia yung binigyan ko ng flowers at inaalalayan ko sa kotse ngayon? Hindi ko napansin na hanggang tenga nap ala yung ngiti ko.

“Uy! Ngingiti ngiti ka pa jan…tara na nga!” Ginulat ako ni Kate na naghihintay na sa kotse. Nakangiti na din sya…kinikilig ba sya o guni-guni ko lang?

“Ahm…Kate..sila Nadine, barkada mo ba?” Tanong ko habang nagddrive papuntang school. Pagkatapos ng ilang seconds tska lang nagsalita si Kate.

“Oo..pero mali ang iniisip mo..magkakakilala na kami since bata pa. Pero hindi ako sumasali sa mga flirting nila ah.” Depensya nya kagad.

“Sino naman may sabing yung ang iniisip ko? Natanong ko lang…kasi…naawa ako kay Mia kahapon-” Hindi pa ko tapos napasimangot na si Kate.

“Si Mia, si Mia, si Mia… si Mia nanaman! Obssessed ka na yata dun sa Mia na yun!” Hindi ko inaasahan na ganyan. Bakit ba parang biglang naiinis sya kay Mia? Dati naman inaasar lang nya ko nung hindi ko pa nakakausap si Mia? Nagseselos ba toh? Pero hindi naman kami mag-on at alam kong mahal na mahal nya si Kuya.

“Sorry naman! Sige na nga wag na si Mia pag-usapan.” Sagot ko na lang kesa magalit pa sakin sigurado magagalit din sakin si Kuya kung buhay yun. Baka multuhin pa ko mamaya……joke lang!

“Kasi naman eh….si Mia tahimik lang yun pero ewan ko kung anong klaseng babae yun. Kaya nag-aalala lang ako sayo. Kasi umaayos na yung buhay mo…baka mamaya magloko ka nanaman…” Bigla namang huminahon si Kate ng mapansin na nagulat ako sa reaction nya.

“Wag kang mag-alala may promise ako sa grave mismo ni Kuya na magiging matino na ko. Ayoko lang nang naapi ng ganun yung tao…kahit naman sinog babae pa yun ipagtatanggol ko din. Tska may kailangan kasi ako kay Mia, nagpapaturo akong tumugtog ng piano…” Excited kong sabi sa kanya. Sabi ko kasi yung tinutugtog sa kanya ni Kuya Kenneth, ipplay ko sa anniversary nila na mejo malapit na din.

“Bahala ka…lapitin ng gulo yung Mia na yun.” Sumuko na si Kate at tumahimik.

“Ahm…Kate hindi kita masasamahan mamaya sa lunch ha… yun lang kasi yung time ko na magpractice…” Paalam ko na hoping na hindi sya magalit.

“Sige…sabay na lang ako kay Nadine.” Payag naman sya pero parang disappointed na naiinis nanaman. Hindi na lang ako kumibo. Kailangan ko lang naman pumayag sya. Kasi kung hindi sya payag, wala din naman akong magagawa kundi mag-isip ng ibang alibi.

Once Upon a SunsetWhere stories live. Discover now