Patuloy kami sa pakikinig kay Chin lalo na't sa mga dapat gawin namin dalawa ni Alexis.

"Ethan, napag-aralan mo na 'yong mga pwede naming daanan kung sakaling magkahabulan?" seryosong tanong ni Uriah.

"Okay na, napasok ko nadin system ng mga traffic management within the area." sagot ni Ethan. "Hoy ate." aniya kaya napalingon ako sa cellphone. Hindi agad siya umimik at tinignan lang ako. Halata sa mukha niya ang inis at pag-aalala. "Mag-ingat kayong dalawa, pagkakalat ko picture mong panget pag kahit galos nagkaron kayo. Ge."

sabay abot niya ulit ng cellphone kay Chin, napangiti nalang ako dahil natawa ko sa itsura niya, sobrang seryoso kasi tapos nambanta pa. Hay! Gusto ko siya yakapin at kurutin. Napatingin ako kay Alexis na nakangiti din.

Ang relax niya lang talaga ano, para siyang pinaghalong Chin at Demi. Para siyang si Demi kasi tahimik lang din pero focus lagi sa mga ginagawa at para din siyang si Chin kasi masungit at palaban. Bale ang kabuuan para din siyang girl version ni Uriah.

Matapos ang paghahanda at pagpapaliwanag ay inilagay ko na ulit ang wig ko. Grabe! Ang kamay ko nanlalamig.

"So okay na tayo lahat? Relax lang kayong dalawa okay? Pag alam niyong masyado ng delikado labas agad. Wag niyo na intindihin ang misyon. Ingat." huling paalala samin ni Chin.

"Una na ko." paalam ni Alexis. Hindi kasi kami magsasabay para hindi malaman na magkakilala kami.

"Ingat ka." aniya ni Uriah sa kanya. Tumango tango lang si Alexis at tumingin sakin. "Kita nalang tayo sa loob. "

"Okay. Ingat ka." sagot ko at hinawakan ang kamay niya. Gaya ng akin, malamig din ang kanya. Tumango lang siya at ngumiti ng kaunti sakin. As in unti lang para lang maiparamdam niya na kaya namin 'to tsaka ko naramdaman na pinisil niya din ang kamay ko.

"Hatid ko lang siya. Balik din ako agad." paalam ni Doms.

"Make sure na di ka mahahalata Doms." paalala ni Uriah.

Lumabas na silang dalawa kaya naman napapikit ako at napadasal sa sobrang kaba. Ang lamig ng buo kong katawan. Dala na ng kaba at dahil din siguro sa suot ko kahit na hininaan naman na ang aircon ng sasakyan.

Pagdilat ko bumungad sakin ang seryosong mukha ni Uriah, nakatitig siya sa mga mata ko at parang sa loob-loob niya ay gusto niya akong pigilan pero pinipigilan niya ang sarili na sabihin 'yon. Dahil alam niyang di na ko aatras pa.

Tinitigan ko lang din siya at nginitian, 'yong ngiti na nagsasabi na wag siyang masyado mag-alala, na ayos lang ako at gusto ko talaga gawin ang bagay na 'to.

Iniabot niya ang kamay niya na ipinagtaka ko. "Is it cold?" malumanay niyang tanong habang nakatitig ako sa kamay niya. Muli akong napangiti nung malaman ang gusto niya.
Ipinatong ko ang kamay ko sa palad niya at tsaka niya hinawakan 'yon mahigpit.

Ang lamig din ng kamay niya, pero 'yong pakiramdam na hawak niya ang kamay ko at halos ayaw na niya bitiwan ay nagbibigay ng kaginhawaan at pakiramdam ko ay safe ako. Nakakakalma, nakakaadik.

'Gusto kong putulin ang kamay niya at bitbitin lagi para kalmado lang ako bawat oras.'

Ay ano ba 'yan! Kung anu-ano na naman naiisip ko.

---

Relax! Relax Agatha. Andito na ko sa loob at mula dito ay rinig ko na ang ingay mula sa baba.

Maigi akong tinitigan ng mga bantay nung maiabot ko sa kanila ang bayad ko. Inalala ko ang sinabi sakin ni Alexis, kung paano tumitig ng hindi halatang kinakabahan.
Ang sabi niya isipin ko lang na ang mga tinitignan ko ay... aso.

When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz