Hinila niya ang upuan at saka ako marahang umupo. Nagmadali naman siyang pumunta sa harapan para maupo na rin.

“You’re really weird. Ikaw nagset up nito?” Tanong ko at tumango siya ng tipid. Natawa na lang ako ng tanggalin niya ang mga nakatakip sa pinggan.

“Tadaah!” Wowㅡhindi ko inexpect na marshmallow ang laman noon.

“Nahawa ka na sa ka-weirduhan ni dad.” Naiiling na sabi ko pero kumain pa rin kami. Mabilis lang din lumipas ang oras at minabuti na naming bumalik ng academy.

Magkahawak lang ang mga kamay namin habang naglalakad sa village nang may bigla na lang bumangga sa balikat ni Zero. More of sinadyang banggain.

“Ano ba? Tumingin ka nga sa dinaraanan mo.” Sabi no’ng lalaking nakabangga. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Zero sa akin kaya pinigilan ko siya.

“Wag mo na pansinin.” Sabi ko at saka siya hinila palayo.

“Hoy, bumalik ka rito kupal!” Huminto ako sa paghila kay Zero at saka tumakbo pabalik doon sa lalake. Hindi na ako nagdalawang isip at binigyan siya ng isang suntok na magpapatulog sa kanya.

“Ikaw na nakabangga, ikaw pang maangas. Eh, wala ka namang binatbat. Mas kupal ka pa sa kupal eh!” Sabi ko kasabay nang paglapit sa ‘kin ni Zero.

“Erin, come on. Let’s run.” Hinawakan ni Zero ang kamay kasabay ng paglingon ko kung saan siya nakatingin. May mga lalaking lagpas sampo ang naglalakad papunta sa direksyon namin. The hell?

“Mukang kaibigan nila ang isang ‘yan.” Dagdag niya at saka niya ako hinila para tumakbo at mukhang tama nga siya dahil hinahabol kami noong mga lalake.

“Hoy! Kayong dalawa!” Sigaw ng isa sa kanila pero nagpatuloy lang kami sa pagtakbo.

“Damn it! Pagpapawisan tayo nito. Babalik pa tayo ng academy.” Reklamo ko at bigla na lang akong napahinto sa pagtakbo. Gano’n din si Zero dahil nasa harapan na namin ang iba. What? Ang bilis nila.

“Mga estudyante pala ‘to ng Monstrous, eh. Kaya pala ang lakas loob suntukin si boss.” Sabi ng isang lalake.

“Boss? Boss niyo ‘yong lampa na ‘yon? Isang suntok lang, bagsak na? Pathetic.” Natatawang sabi ko, dahilan para bigla akong sugurin ng isa ngunit mabilis nakaharang si Zero para bigyan siya ng isang suntok.

“Wag na ‘wag mong ilalapat ‘yang madumi mong balat sa girlfriend ko.” Madiing sabi ni Zero. Nagkibit-balikat lang ako at saka sinipa ang lalaking pasugod mula sa likuran ko. Wala naman kaming choice kung hindi ang makipaglaban sa mga ito dahil nakorner na nila kami.

Nagtalikuran lang kami ni Zero habang isa-isang nilalabanan ang mga pilit sumusugod sa amin. Pinagpag ko lang ang kamay ko ng matapos, hindi man lang kami nagalusan.

“Tara na.” Aya ko at saka kami naglakad na parang wala lang ang nangyari.

Pagbalik namin sa academy ay agad kaming dumiretso sa mga kanya-kanyang classroom.

“So what happened?” Tanong ni Rozee nang lumapit siya sa akin. Tinaas-taas niya pa ang dalawang kilay niya kaya napailing ako.

“Hmm may binugbog kaming mga lalake sa daanㅡ”

“What the?” Pag-react ni Jennie.

“Mamaya na tayo magkwentuhan.” Sabi ko dahil pumasok na ang prof. Nakangiti lang ako the whole time, simple lang ang araw namin pero sobrang saya ko pa rin.

Xian’s POV

Breaktime and as usual. Magkakasama kaming walo and we’re getting everyone’s attention. Ganito naman na noon pa. Sanay na rin kami at hindi na iyon masyadong binibigyan ng pansin.

“Hindi ko talaga akalain na mapapasabak kayo sa gulo. It’s your ANNIVERSARY remember?” Tanong ko. I’m always like this, lagi ko silang pinagsasabihang dalawa na ‘wag ng sasabak sa kahit anong klase ng gulo pero hindi sila mapagsabihan.

“Sorry na nga, eh. Nakakabwisit naman kasi, siya na ‘yong nakabangga tapos si Zero pa ‘yong kupal? My god! I hate drugs!” Inis na sambit ni Erin at napailing na lang ako.

“Eh paano kung mga gangster pala ‘yong mga ‘yon? Paano kung balikan kayo? Tss. Hindi talaga kayo nag-iisiㅡ”

“Hey, relax. Malaki na ‘yang dalawa, aasahan mo ba na mapagsasabihan mo ‘yang mga ‘yan? Sa parents nga nila hindi nakikinig ‘yan, eh. Sa ‘yo pa.” Pagputol ni Jen habang hinihimas-himas ang likuran ko.

“Oo nga, alam mo namang kapag napa-trouble ang isa, damay ‘yong isa.” Dagdag ni Rozee.

“Mabuti pa kami ng babe ko, behave lang.” Ani Jester at tumango naman si Chloe habang nakangiti.

“Eh ‘di kayo na sweet!” Sarcastic na puna ni Alex.

“Let’s just make a deal. Kapag may isa sa atin ang napasok sa gulo, may penalty na 500.” Suhestiyon ni Zero.

“Sure ka? Mauubos pera niyo ni Erin.”  Komento ko.

“Weh? Baka mas maubos pero niyo, baka nakakalimutan mong linggo linggo may dinadala ‘yang si Jennie sa infirmary.” Pagsingit ni Erin.

“As if I care.” Pagtataray naman ni Jen. I almost forgot, responsibilidad ko nga pala itong si Jen. Wrong move.

“Gawin na nating 1k. By partners na ‘yon.” Suhestiyon ni Alex, halatang game na game sa idea.

“Okay, deal.” Nakangiting sabi ni Rozee kaya wala na rin kaming choice kung hindi ang sumangayon and in the first placeㅡIdea ko naman ‘yon. Luging-lugi kami kila Alex at Rozee, lagi lang naman silang nakatambay sa keen’s lab kaya imposibleng masabak silang dalawa sa kahit anong gulo.

“Hey, Jen. Behave please.” Makaawa ko ngunit inilabas lang niya ang dila niya at pilyang ngumiti.

“Magbe-behave lang ako kapag tayo na.” Pangaasar niya pa at napailing na lang ako. Hindi ko alam kung ano pa ang pumipigil sa akin para ligawan si Jen. I’m already in love with her, natatakot lang siguro ako na baka hindi ko siya maprotektahan gaya ng pagprotektang ginagawa ni Zero kay Erin.

All this time parati kaming magkasama. Ako ang taga-ayos ng mga gulong ginagawa niya. Despite of her insolence, mabait pa rin naman si Jennieㅡshe’s adorable.

Nagpatuloy kaming walo sa pagkain nang bigla na lang kaming nakarinig ng isang malakas na sigaw mula sa boses ng isang babae. Nagsitayuan ang mga estudyante at saka nagkumpulan sa labas.

“What’s going on?” Tanong ni Chloe nang magsitayuan na rin kami para tignan kung ano ang nangyari.

“Tabi!” Pilit sumiksik si Erin sa mga estudyanteng nagkukumpulan at nang makapunta na kami sa labas ng cafeteria ay nanlaki na lang ang mga mata namin. Agad naman kaming nagkatinginan nila Zero.

Lalaking walang malay and it was Xander. May iilang kalmot sa mukha na may bakas pa ng mga dugo.

“Sinong gumawa nyan?” Tanong ni Alex. Agad naman umupo si Rozee para kapain ang pulso nito.

“H-he’s dead.” Nanginginig na sabi niya nang lingunin kami. Napahawak na lang sa bibig si Erin.

“What?” Nagmadaling maupo si Jester para tignan kung nagsasabi ng totoo si Rozee. Pagkahawak nito sa palapulsuhan ni Xander ay marahan siyang lumingon sa amin at saka umiling nagsasabing wala na nga itong buhay.

“W-what happened?” Nauutal na tanong ni Erin.

“H-hindi ko alam pero paglabas ko. Nand’yan na siya.” Sabi ng babaeng halos maiyak sa takot, mukhang siya iyong sumigaw kanina.

Is this some kind of joke? Anong nangyayari? Sino ang gagawa nito? Dito sa loob ng school? Hindi maganda ang pakiramdam ko rito. Mag-uumpisa na naman ba? At bakit si Xander? What’s going on?

Monstrous Academy 3: The Hidden Secret. [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon