Trigger 29 - Strong vs strong

8.3K 133 9
  • Dedicated kay Mar'z Policarpio
                                    

[Edited Ver.]


Strong vs strong



Therbie's PoV :

Ely: "Tingnan mo, CJ, oh."

CJ: "Shit! Ako rin e tingnan mo itong braso ko."

Knight: "Nag-t-tinginan palang sila niyan ah? Grabe."

Hindi nalang ako kumibo sa usapan nila at nag-concentrate sa panunuod sa loob ng Gigantic ring. Talaga ngang nakakapagpataas-balahibo ang presensya ng bawat isa, paano pa kaya kung dalawa na silang magkasama? Baka kahit mga bouncer ay magtakbuhan palayo kapag nakita ang dalawang malalakas na babae.

Kasi, kahit pinagmamasdan lang namin sila, ramdam na ramdam na agad namin ang intimidating and menacing aura nila. Partida, nagtitinginan palang sila niyan. Paano kung naglalaban na?

Hindi ko nalang ma-imagine.

Kasalukuyan akong katabi ni Selene at sa kabilang side niya ay si Kyoko at siyempre katabi nito si Alchris. Sa kabilang gilid ko naman ay sina Knight, CJ, Ely at Demi at Micaela. Lahat kami nakatutok sa magiging laban nina Belle at Tita Brenda.

Nicolet: "Guys, I'm back! I brought some popcorn and drinks for us."

Agad na tumalima si Knight at nilapitan ang girlfriend niya at tinulungan ito sa mga dala-dalang makakain. Ako naman ay napapailing at tiningnan sila ng mataman.

Nicolet: "What, Therbie?"

Therbie: "Anong tingin ninyo, nanunuod tayo ng movie? Popcorn and drinks? Really?"

Demi: "dearest, don't get mad. Ikapapangit mo iyan sige aayawan na kita."

Micaela: "As if naman may pakialam si Therbie kung ayaw mo sa kanya o hindi."

Demi: "YA!! Micaela Jang, shut up!"

Micaela: "Not gonna happen, bitch. Anyway, Therbie, huwag ka ngang ma-reklamo dyan. We should just enjoy the show."

Mas lalong hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Micaela. Show? So, talagang pinanindigan nilang movie ang panunuorin, ha? 

Selene: "Hayaan mo na kuya Therbie. Nagugutom ka na rin naman kunwari ka pa e. Naririnig ko kaya iyong tiyan mong naghuhurumentado na."

Napapahiyang napahawak ako sa tiyan ko at napayuko habang naririnig ko silang tumatawa. Kanina pa nga ako nagugutom, dahil sa kaba noong training at iyong tensyong naramdaman ko kanina. Hindi ko naman akalain na maririnig ni Selene iyon samantalang mahina lang naman ang tumutunog sa tiyan ko.

Tumikhim ako kaya't nanahimik na sila at naging seryoso na habang kumakain ng popcorn. Binigyan rin nila ako kaya't hindi na ako nag-reklamo at muling bumalik ang tingin ko sa one-way mirror wall ng Gigantic ring. 

Medyo iba na ang hitsura sa loob ng gigantic ring. May mga boulders ng nakatayo dahil ang gagamiting armas nila Belle ay baril, kung saan sila pareho magaling. Sa aming lahat na agents, tanging si Belle at Nicolet ang talagang nagkukumpitensya sa pagiging sharp-shooter dahil parehong baril ang gamit nila. 

Magaling rin naman kaming mamaril, pero iba ang lebel ng dalawa. Noong training days namin, madalas magkatapat sina Belle at Nicolet sa barilan pero kahit mahaba ang oras na inaabot, nananalo pa rin si Belle dahil kahit mas magaling silang dalawa, siyempre PINAKA magaling pa rin si Belle. 

Hence, she's the top 1 of BDA, our one and only Princess Trigger.

CJ: "Shit! Simula na."

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon