"Aalis na tayo dito."

Pahayag ko sa kanila habang kami ay abala sa pamamahinga habang nakatutok sa tsiminea na nagbubuga ng mainit na apoy.

"Ngunit kakaiba ang pamamalakad ng konseho ng mga bampira rito." Vlance.

"Kakaiba?" Tanong ni Cassiopeia.

"Ang sinumang pumasok sa loob ng kaharian ay mahihirapang makalabas, hindi ba kayo nagtataka sa madaliang paraan ng inyong pagpasok? Dahil ang lahat ay obligadong magtrabaho para sa kaharian."

"Napakalupit talaga ng mga bampira..." Galit na turan ni Cassiopeia.

"Kung ganun, kailangan muna nating pasukin at alamin ang mga pasikot-sikot dito."

Napangiti ako ng mailarawan ko sa aking isipan ang mga bagay na aming gagawin.

"Huwag mong sasabihin na magiging trabahador tayo ng kaharian, at magsisilbi para sa hari?" Vlance.

"Bakit hindi, magiging isa tayong hunter..."
Pinal na aking pahayag.

---

Maaga pa lamang ay nakapaghanda na kami ng aming sarili.

Suot ko ngayon ang itim na diyaket na gawa sa makapal na uri ng tela at pinaibabawan ng isa pang diyaket sa ganoon ring kulay na gawa naman sa makapal ng balat ng oso, ang aking mga kamay ay mayroong nakatapal na itim na mga gwantes na komportable sa kamay, sa pang-ibaba naman ay isang itim na botang pandigma at isang itim na pantalong yari sa mamahaling katad habang ang aking kambal na sandata ay nakasukbit sa aking likuran, mga maliliit na palakol na may talim sa magkabila ang mga iyon.

Magkakatulad lamang ang aming suot maliban sa kulay at sandata, kulay-kape kasi ang kay Cassiopeia na may dalawang maliliit na katana ang nakasukbit sa kanyang binti,at mistulang taong nyebe na binuhusan ng suka naman si Vlance sa kulay puti niyang kasuotan at-

"Nasaan ang sandata mo Vlance?"
Tanong ko naman kasi wala nga siyang sandata.

"Mabigat kasi kaya eto."

Ipinakita nita naman sa amin ang kanyang palad saka unti-unti ay nahulma doon ang isang balaraw na gawa sa yelo.

"Wow, ang ganda naman niyan, turuan mo ako niyan ah!"
Aliw na aliw naman si Cass habang pinapanood ito.

"Hehe, oo naman, madali lang to." Vlance.

"Aalis na tayo, maghanda na kayo."
Sabi ko sa kanilang dalawa saka umuna na akong lumabas, sa totoo lang, maganda talaga ang gawa ni Vlance, makasubok nga nun minsan ^_^

---

Malayo-layo rin ang tinahak namin patungong kapitolyo ng Calvarus. Malamig ang paligid na medyo madilim dahil sa naglalaglagang nyebe.

Ang mga malalaking kabahayan na gawa sa bato ay pawang nakapinid at tanging mga ilaw lamang mula sa mga salaming bintana ang makikita.

Magkagayunman, hindi nito maitatago ang kagandahang taglay ng paligid dahil sa mga maliliit na nilalang na malayang lumilipad sa paligid habang nagtataglay ng iba ibang kulay.

Dito na lamang namin inaaliw ang aming mga sarili habang naglalakad sa gitna ng nakakabinging katahimikan ng paligid.

Ako marahil ay kinakabahan sa mga posibleng mangyari pagdating namin duon sa aming patutunguhan, naglalaro sa aking balintataw ang mga imahe ng mga bagay na maaring mangyari maya-maya lamang.

---

"Kabayo?" Cass

"Hindi." Vlance

"Kambing?" Cass

The Dark SunWhere stories live. Discover now