Chapter 1

7.5K 86 33
                                    

Chapter 1

Alexa's POV

“Ohhh shoot! Ang dilim naman dito.” nakakainis naman kasi si kuya eh, ako pa yung inutusang lumabas para hanapin si Ate. Ang bait ng kuya ko eh noh? Hahaha. Yung bunso daw ba ang utusan?

Naglakad lang ako ng naglakad. Shet naman ‘to oh. Ang dilim dilim kaya dito tapos wala ng katao-tao. Alam niyo naman sa mga subdivision e, jusko akala mo may papatay sa kanila kapag nasa labas pa sila ng 6pm.

“Nasaan si Ate? Naiiyak na ako ah, nakakatakot na eh. T-teka…Alam ko na!” Ding ding ding…IDEA!!! May naisip ako ah. Mehehe. 

…si best friend pupuntahan ko!

Gaya ng naisip ko, pinuntahan ko siya sa kanila. Malapit lang naman sila samin, halos katapat lang din ng bahay namin. ‘Di na nga lang ako nag-ingay e, kapag narinig ako ni kuya...sigurado, lagot.

“Alexaaa!” sabay yakap ang baliw na 'to sakin. Wala lang naman kasi samin ‘yan e, normal na normal lang yan. Best friend e.

“Pao, samahan mo naman ako ohh. Please?” sabi ko sa kanya at sinamahan ko ng mukhang super paawa, syempre 'di na makakatanggi yan sa'kin. Lagi naman e. Talo yan, mabilis kasing maawa. 

“Uhm...? Tinatamad ako e” seryosong sabi niya tapos tumingin sa’kin. Tss. Sobrang epal. Nakakaasar. Hindi pa ako mapagbigyan. Grabe talaga. Pero kapag siya yung nanghihingi ng pabor, kung maglambing…akala mo ako ang girlfriend niya.

“Sige wag na. Ako na lang.” sabi ko sa kanya. Ayoko naman na kasi siyang abalahin lalo na kung ayaw naman niya. Sabi niya tinatamad siya e. Lumakad na ako palayo pero tinawag niya ako.

“Teka lang Alexa! Joke lang kasi e, masyado kang seryoso” sabi niya sabay hawak pa sa braso ko. Tss. Papayag din naman pala, patagal pa. Tumango nalang ako at tumabi na siya sa’kin. 

Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad hanggang sa magtanong siya. “Saan nga pala tayo pupunta?” Oo nga pala. Nagyayaya ako di ko naman sinasabi kung saan. 

“Hahanapin natin si ate Chloe, kasi si kuya eh may ipapagawa daw siya kay ate. Kung makapag-utos siya kay ate, akala mo siya yung panganay e” pag-eexplain ko sa kanya.  

“Kawawa naman ang best friend ko. Buti nalang naisipan mo akong puntahan, kundi wala kang kasama. Mamaya mapahamak ka pa e” sabi niya sabay akbay sa’kin. Best friend your face. Nakakainis. Ayoko ng pinapakilig ako e. Makakasakal ako talaga.  

“Psh, ewan ko sa’yo. Arte mo” pagbibiro ko sa kanya tsaka ko kinurot yung braso niyang nakaakbay sa’kin. Sira e. “Ewan ko rin sa’yo. Gaganyan ganyan ka na naman tapos pag-aalalahin mo ako sa’yo” seryosong sabi niya habang nakatingin sa’kin.

“Joke lang kasi. OA ka talaga!” natawa lang siya sa’kin at ginulo yung buhok ko.

Naglakad kami ng mga 30 minutes…bago namin makita si ate. Grabe, nasa bahay lang pala siya ng officemate niya. May tinapos lang daw sila. Bumalik na rin agad kami sa bahay pero wala na ako sa mood. Parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko. *sigh*

(Flashback)

“Uy” tawag niya sa’kin kaya agad naman akong lumingon sa kanya. “Oh?” tanong ko sabay taas ng dalawang kilay. Pakiramdam ko may gusto siyang sabihin sa’kin… pero parang ayokong marinig.

“Ah kasi ano—wala lang. May ikukwento sana ako sa'yo.” Sabi niya na parang nag-aalinlangan pa. Ewan ko ba dito. Alam ko na nga kwento ng buong buhay niya, ngayon pa nag-alinlangan. “Leche, sasabihin mo o sasabihin mo?” pananakot ko sabay taas ng kamao ko.

“May choice ba ako? E iisa lang yan. Malamang sasabihin ko na” sabi niya at napakamot pa sa batok niya. Hahaha, aarte pa e.

“Kasi si Eena eh.” Okay eto na naman siya diyan sa Eena na yan. Kaya nga ba parang ayoko sanang ipakwento e. Kaso wala e, ano bang role ko dito? Diba bilang best friend, dapat handa kang makinig sa kahit na anong kwento niya? Tsk. Mahal na mahal niya kasi yun. “Nag-away kasi kami kanina.”

“Hmm, tapos? Tuloy” sabi ko sa kanya. Nakatingin lang ako ng diretso sa daan. Ayoko siyang tignan. Makikita ko na naman yung malungkot niyang mukha e.

Oo may girlfriend yang si Pao, 1 year na rin ata sila. At isang taon na rin akong nasasaktan. Isang taon na rin ang nakalipas ng maramdaman kong hindi na lang kaibigan ang turing ko sa kanya. Cliché, oo e. Wala akong magagawa, ako ang isa sa mga malas na nagkagusto sa best friend niya.

Pero ayokong aminin yun sa sarili ko kasi alam kong masasaktan lang talaga ako. Bumalik ako sa ulirat nang marinig ko yung mga sinabi niya.

“Ayaw na daw niya…” napatingin ako sa kanya, kitang-kita ko yung pamumula ng mga mata niya. Okay, nasasaktan siya. Ako rin eh. Pero hindi naman eto yung unang pagkakataong nakita ko siyang nasaktan dahil kay Eena, nasanay na rin naman kasi ako. Huminga ako ng malalim para sabihan siya.

“Pao, give her time para mag-isip. Baka naman nasasakal na naman siya sa'yo. Diba napag-usapan niyo na yan noon pa. Sorry, pero sinasabi ko to sa'yo dahil best friend kita at hindi kita kakampihan kung alam kong may mali ka. Look, we're just 15 pero sobrang seryoso niyo na diyan na tipong apektado na lahat! Pumasok kayo sa relasyon na ‘yan so be mature enough to handle everything.” Nagpayo na naman ako. Kung makapagsalita ako, akala mo wala akong sariling problema e. Hindi ko nga mapagsabihan ang sarili ko tungkol sa pagkakagusto ko sa kanya e… Best friend lang naman ako eh. Best friend lang.

Tumalikod ako sandali at nagpunas ng luha. Paisa lang. Ang sakit pala talaga.

(End of flashback)

Umuwi na kami. Nag-thank you lang ako at umalis na rin kami ni ate. Sabi niya kasi dun daw muna siya eh. Pagpasok ng bahay hindi ko na pinansin sina kuya, dumiretso na ako sa kwarto. Wala ako sa mood. Nagsenti nalang ako habang nagpapatugtog.

Alexandra Ellaine Santos, 15 years old.

Ang isa sa mga tangang na-in love sa best friend niya.♥

____________________________________________________________

A/N: Waaah~ okay, hahaha. nakakahiya lang. 

Dibali trial pa lang po kasi 'to kaya pagtiyagaan niyo na ha? :-)

Vote and comment po please? 

Someday.. {Under Revision}Where stories live. Discover now