Trigger 26 - Two women

Mulai dari awal
                                    

Boss: "Ma! Bitawan niyo ang tenga ko!"

Binitawan bigla ni Mama ang tenga ko at hinilot ko ito para mawala ang sakit. Pagkatapos ay binalingan ko ng tingin si Mama, na parang wala namang ginawang masama sa akin.

Boss: "Ma! Normal ko silang nai-train. Ano bang klaseng tanong iyan? Magagaling silang mga agents at proud ako sa kanila--aray!"

Binatukan niya ako. Nakakahiya ito! Nakikita ng mga agents at ni Selene ang ginagawa sa akin ng butihin kong ina. Great. Sigurado akong aasarin ako nito ng mga agents.

Naupo na naman si Mama, this time sa pang-isahang sofa siya naupo at ang mga agents naman parang naestatwa na sa pagtayo sa gilid. Si Belle? Parang wala lang naman sa kanya ang nangyayari.

Rosa: "Sa tingin ko ay kailangan mo silang i-train ulit. Nakukulangan ako sa ginawa mong train sa kanila. Sa isang linggong nagmamasid ako, ang iba sa kanila ay nakita kong makipag-laban. Well, they're good because they defeated their enemies, but before they could do that, napuruhan o nasaktan muna sila and that's not good, Dominic."

Sa sinabi ni Mama, agad akong napabaling sa mga agents at nakita kong ang apat sa kanila ay nakayuko. Si Therbie, Kyoko, Alchris at si CJ. Mukhang sila ang tinutukoy ni Mama dahil sila lang ang nag-react.

Boss: "Is it true? JT? Blaze? Sakura, and even you, Max?"

Kyoko: "M-may nakalaban kami ni Honey kanina, Boss. N-napuruhan si honey ko sa braso, while I was hit hard on my back."

Itinaas ni Kyoko ang damit niya na nakatalikod at nasa bandang ibaba sa likuran niya ang nangingitim na pasa. Tapos ipinakita rin ni Chris ang braso niyang napuruhan at nakita ko ang malaking pasa doon. I was surprised, and so was the other agents. Pati si Selene ay narinig kong napasinghap at nilapitan pa si Kyoko.

Rosa: "See that, Dominic? That's what I am saying. CJ and Therbie has bruises, too. I observed CJ's fight last night. Limang lalaki ang kalaban niya at mga nakamaskarang itim ang mga ito. Actually, lahat sila ay ang nakalaban nila ay ang mga nakamaskarang itim na iyon. Si Therbie naman ay kanina rin, right after Kyoko and Alchris's fight."

Sa lahat ng sinabi ni Mama, ang nakakuha lang ng atensyon ko ay noong sinabi niyang mga lalaking nakamaskarang itim. Ang alam ko lang naman na kalaban namin ngayon na mga nakamaskarang itim ay ang mga nakakalaban ni Belle, iyong mga tao ni Jerome.

I looked intently at Belle, and I saw her gritting her teeth. She's mad, that's for sure.

Rosa: "Those men with black masks were his people, huh?"

Boss: "P-paano mo rin nalaman iyan, Ma?"

Rosa: "Don't underestimate me, son. I may be old, but I can still use my instincts and my skills. Alam ko ang nangyayari dito. Si Jerome ang kalaban ninyo, tama? Siya rin ang pumatay sa kaibigan mong si Johanne. At ngayon naman ay mukhang balak niyang patayin ang anak at buong pamilya't may koneksyon dito kay Belle."

Lahat ay natahimik, pati si Belle na kaninang galit, ngayon naman ay mababakas mo ang pag-aalala niya, lalo pa't sinabi ni Mama na pati buong pamilya niya at mga kilala ay gustong ipapatay ni Jerome. Alam kong mag-iisip na nito si Belle ng negatibong bagay.

Rosa: "Don't make a hasty decision, Belle, hija. It will backfire you."

Gulat na napalingon si Belle sa Mama ko. Parang natamaan ito sa sinabi niya.

Rosa: "I just know what you'll be thinking after you heard what I've just told."

Belle: "Who are you, miss Rosa?"

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang