Tumango-tango ako sa sinabi ni Kate kaso biglang sumimangot si Kate sakin tapos ay ngumiwi. "Kill joy ka talagang babae ka!"

Natawa na lang ang iba sa reklamo at pag-aamok ni Kate. Nakatingin lang ako dito habang ngumunguya.

"Kita niyo na! Kita niyo! Mas interesado pa siya sa sandwich niya kesa sa sinasabi ko!" Nag-aalborotong turo sakin ni Kate.

"Tama na nga yan Kate! Para kang batang nag-aamok!" Saway sakanya ni Rico na sa hindi malamang dahilan ay nagpatahimik naman kay Kate at masama lang itong tinignan.

Bigla namang bumuntong hininga si Elsa kaya napatingin ako sakanya. Nakita kong nakalumbaba ito habang titig na titig saakin kaya agad ako nakaramdam ng pagkailang.

"Alam mo Mindy ang misteryosa mo. Siguro kung lalaki ka ang dami nang nagkagusto sayo," saad bigla ni Elsa.

Binatukan siya ni Trent kaya sinamaan siya ng tingin ni Elli. "Tanga ninto! Marami ng lalaki ang nagkakagusto sakanya kaya hindi na kailangan maging lalaki siya para lang may magkagusto sakanya," sabi ni Trent pero umirap lang si Elsa sakanya.

Wala naman nagkakagusto saakin kaya hindi ako naniniwala sa sinabi ni Elsa at Trent. "Wala namang kagusto-gusto saakin," biglang saad ng bibig ko.

Sasabihin ko lang sana sa sarili ko pero napalakas pala. Pero totoo naman. Walang kagusto-gusto sa katulad kong mahina at lapitin ng aksidente.

"Anong wala!? Maganda ka, mahinhin, mabait, matalino at higit sa lahat ang misteryosa mo kaya mas nakakadagdag interes."

Napalingon ako sa nagsalita at agad akong kumaway sakanya. Ngumiti siya saakin at naglakad siya palapit sa mesa namin.

"Hi Mindy! Kamusta ka na? Na-miss mo siguro ako,"  nakangiting saad nito.

"Hi Kaine! Kamusta bakasyon?" Tanong ko dito.

Umupo siya sa tabi ko at hindi naalis saaking ang mata niyang masarap titigan dahil itim na itim ito.

"Hello Kaine! We exist," sarkastikong sabi ni Pia.

Nagtawanan sila habang nakatingin saamin ni Kaine. Si Pia naman ay pairap-irap sa isang tabi pero tumawa din kalaunan.

"Ewan ko sainyo!" Asik ni Kaine sa mga kaibigan.

Ang daming dala ni Kaine na plastic bag. Kaya naghiyawan ang mga kaibigan namin sa tuwa.

"Pasalubong ko sayo Mindy!" Sabi ni Kaine tapos binigay niya saakin ang isang plastic bag. "Kayo wala!"

Nagreklamo ang mga ito pero kalaunan ay tatawa-tawang inabot ni Kaine ang mga pasalubong sakanilang lahat.

"Teka nga lang! Kayong dalawa!" Ani ni Rico na may nanliliit na mata sabay turo niya kay Kaine at saakin. "Parang may favoritism kayo dito!"

Naguguluhan ako sa sinabi ni Rico kaya nagkatinginan kami ni Kaine. Nagkibit balikat lang si Kaine saakin na parang hindi din alam ang sinasabi nito pero may sinusupil na ngiti ang labi nito.

"Lagi na lang si Mindy ang kinakausap ni Kaine," sabi ni Rico with hand gestures.

Humampas si Karen sa table na parang may napagtanto. "Oo nga! Pagkausap ni Mindy si Kaine kahit konti may expression pero kami! Kahit akong pinsan mo kahit katiting walang expression!" Madamdaming sabi ni Kate saakin. Nagtanguhan silang lahat lalo na si Kate na gusot ang mukha.

"Hindi naman," depensa ko sakanila.

Wala naman akong favoritsm sa kaibigan. Sadyang matiyaga lang talaga si Kaine na kausapin ako at isa pa, hindi niya ako hinahayaan mag-isa lalo na tuwing hindi ako makasunod sa pinag-uusapan nila.

Nang magbell ay nagsabay na kami ni Kaine. Kaming dalawa kasi ang magkaklase.

"Masarap 'yang chocolate na binili ko pati wag ka maingay ha?" Lumapit siya saakin at bumulong. "Ikaw talaga ang favorite kong kaibigan."

Ngumiti ako sakanya at ganun din ang ginawa niya. Kumindat pa 'to sakin na parehas naming ikinatawa.

"Kaine na puro kain!"

Napatingin ako sa biglang nagsalita at napakunot noo ng mapansing ayun din ang mga lalaking nangharang sakin kanina.

"Kaine na puro kain!"

Nagtawanan ang mga lalaki. Tumingin ako kay Kaine at napansin kong malungkot ang mukha niya habang nakatungo.

"Kaine ano ba yung kick that asshole's balls?" Ani ko.

Naalala ko ang sinabi ni Gray kanina at sa hindi ko malamang dahilan ay nanlaki ang mata ni Kaine.

"Mindy! Saan mo natutunan 'yan!" Nanlalaking mata na sabi ni Kaine.

Nanlaki ang mata ko ng malaman ang ibigsabihin no'n. Lumapit ako sa lalaking nang-aasar kay Kaine.

"Woah! Mukhang grasya na ang nalapit mga 'tol," nakangising sabi no'ng lalaki.

"Mindy!" sigaw bigla ni Kaine.

Tuwang-tuwa ang lalaki kaya tinignan ko ito ng malamig at....

"Aray! Ang sakit! Puta pare solid!"

Tumatalon-talon siya sa hindi ko mawaring dahilan pero mukhang sakit na sakit siya. I think his in pain because of what I did.

"Bakit mo ginawa 'yun!" Nag-aapoy na sigaw sakin nung lalaki saakin.

"Wag na wag niyo na ulit aasarin si Kaine kundi makakatikim kayo ulit sa'kin," malamig na sabi ko.

Bago pa man makasagot yung lalaki ay may humatak na saakin palayo sa mga lalaking yun.

"Bakit mo ginawa yun?" Pagalit na sabi ni Kaine.

"Inaasar ka kasi nila..." pagdadahilan ko. 

Nagulat din ako sa ginawa ko. Basta nakaramdam lang ako ng inis doon sa mga lalaking yun dahil sa ginawa nila kay Kaine.

"Hindi mo dapat ginawa yun," madiin na sabi niya.

Tumango ako at tumungo. Hindi ko inakalang magagawa ko iyon sa lalaki. Ibig bang sabihin hindi ako ganun kahina gaya ng iniisip ko? Kaya ko kaya ulit lumaban?

I'm Mindy Jane Espeilla, kaya ko din lumaban.

Her DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon