"Hinarangan nila ako bigla," mahinang sabi ko.

Hindi ako marunong lumaban. Naiinis ako sa sarili ko dahil sobrang hina ko at hindi man lang mapagtanggol ang sarili ko.

"Why don't you kick that asshole's balls?"

Tuwing napapahamak ako ay lagi na lang kailangan ng tulong ng iba. Wala na ba kong magagawa ng ako lang? Hindi ko ba talaga kayang tumayo sa sarili kong paa?

Bahagya akong sumulyap dito pero agad ding napaiwas ng tingin ng mapansing mataman itong nakatingin saakin. "Anong balls?"

He groaned. "Damn that inoccent of yours."

Napaangat ang tingin ko ng makita ang mga kaibigan namin na kumakaway saamin. Nauna na dun si Gray na tumabi agad kay Mary. Iniisip ko pa rin yung balls na tinutukoy ni Gray. Mga basketball player ba ang mga lalaking yun kaya kailangan kong sipain ang mga bola nila?

"Hi! Bakit kayo magkasama?" Tanong ni Mary habang umuupo ako sa tabi ni Kate.

"Some goddamn jerks are harassing her so I help her," sabi ni Gray.

Agad na napatayo si Kate at nanlalaki ang matang tumingin sakin. "Sinong nangharass sa pinsan ko!?"

Hinatak niya ko patayo at inikutan. Napakunot noo ako sa ginagawa ni Kate. "Bakit?" Sabi ko.

Umupo na lang ako kahit na nakataas ang kilay niya saakin. "Mindy naman! Mag-ingat ka!" Nakapameywang na sabi ni Kate.

Tumango-tango ako sa sermon ni Kate. Tama naman siya. Kailangan kong mag-ingat.

"Hoy Kate! Wag mo ng sermunan si Mindy! Naharass na nga," pairap na sabi ni Elsa sa pinsan ko.

Nagsamaan sila ng tingin at ako naman ay kumagat sa sandwich kong may palaman na cheese at ham.

"Wag kang kunsintidor Elsa!" Sabi naman ni Apple sabay harap saakin. "Mindy lumaban ka! Wag kang lalampa-lampa! Wag masyadong mahinhin kundi mapapahamak ka talaga."

Tumango ako at kumagat sa sandwich ko na may mayonnaise din palang kasama.

"Pati pagtango mo mahinhin pa rin," pagpansin ni Mary.

Nakatingin sila saakin lahat kaya napatungo ako sa sobrang pagkailang na nararamdaman.

"Girls, tama na yan! Naiilang na si Mindy sa ginagawa niyo," awat naman ni Trent sa mga 'to.

Ngumuya lang ako habang nakikinig sakanila na pinag-uusapan ako na parang wala ako sa harap nila ngayon.

"Mahinhin talaga si Mindy at wala tayong magagawa dun. Basta tulungan na lang natin siya," sabi ni Pia.

Nagsitanguan ang iba sa mungkahi ni Pia na tila isa talaga itong magandang plano.

"Ewan ko sainyo ang gulo niyo," ungos ni Rico.

Nag-usap na sila ng kung anu-ano tungkol sa past nila na hindi ko maintindihan.

"Gray ano ba! Tumigil ka sa pagmumura! Cursing machine ka talaga!" Natatawang sabi ni Mary.

Sumang-ayon ang lahat sa sinabi ni Mary at ang masasabi ko lang ay masarap ang sandwich na kinakain ko.

"Okay if that's what you want," nakangiting sabi ni Gray sa nobya nito.

"Pagnaaalala ko kung paano nangligaw si Gray sakin natatawa na lang ako," ngiting-ngiti na sabi ni Mary. Nagtawanan sila sa hindi ko malamang dahilan.

"Mindy!" Natatawang tawag saakin ng pinsan ko na agad ko naman tinignan. "Alam mo ba nung naging sila Mary at Gray, kumanta si Gray at ang nakakatawa ay nung pagkatapos kumanta ni Gray biglang umulan!" Tatawa-tawang sabi ni Kate.

Her DebtWhere stories live. Discover now