TF 42: The Plan

1.7K 81 5
                                    

Kristine

Maaga pa lang ay tumulak na kami ni Heaven papuntang Zamboaga.

Buti napilit ko siya na sumama ako sakanya sa Zamboanga.

Nung una ayaw niya pero napilit ko din siya ng sabihin ko na pwede namin pagtulungan ang pagbabantay kay Edward para hindi siya makatakas.

Tanghali na ng marating namin ang ancestral house nila sa Zamboanga.

May baon akong tracker para hindi mahirapan sila Marcus na matunton ang lugar na to.

Thanks to Google Map.

"La..pahanda po ng lunch..si Angelo napakain niyo na ba?"

Rinig kong tanong ni Heaven.

"Ayyy hindi pa anak..kakagaling lang kasi namin ni Aizan sa bayan eh.."

Sagot ng Lola niya.

"Pakihanda niyo na lang muna si Angelo ng pagkain La..magpapahinga muna ako medyo napagod ako sa biyahe eh.."

Agad naman gumana ang utak ko.

"Ahmmm Heaven ako na lang magpapakain kay Angelo.."

I said.

Heaven frowned

"Sigurado ka?matigas ang ulo nun baka mapikon kalang.."

Sabi niya.

I smiled and i shook my head.

"Ahhh hindi..hindi..kaya ko yun..sa ospital nga mas madami pang mas masungit sakanya eh..magpahinga ka na muna..ako ng bahala dito.."

I said.

I bit my tongue.

Sana naman pumayag siya.

Saglit siyang nagisip bago tumingin sa akin.

"Ohhh sige..pahanda ka na lang kay Lola ng pagkain ni Angelo bago ka pumunta dun..matutulog muna ko sobrang sakit ng ulo ko eh.."

She said

I faked a smile

"Sige sige ako ng bahala dito.."

I said.

Tumango lang siya at pumasok na sa loob.

Dumiretso naman ako sa kusina.

"La yung pagkain po ni Angelo.."

Sabi ko sa Lola ni Heaven.

She look at me.

Sa parang nagtatanong na nga mata.

"Pati ba naman ikaw kinukunsinti mo ang kahibangan ng apo ko sa lalaking yun?hindi na kayo naawa sa taong yun..siguradong may pamilyang nangungulila at naghihintay sakanya.."

Natigilan ako sa sinabi ng Lola ni Heaven.

I took a deep sigh.

Gustuhin ko man sabihin sakanya ang totoo ay nagdadalawang isip ako.

Mabuti na yung nagiingat.

Yumuko na lang ako at dinala na ang tray sa kwarto ni Edward.

"Eto yung susi ng kwarto niya.."

Pahabol ng matanda at inabot sakin ang susi.

So totoo nga na nakalock ito sa kwarto?

Kawawa naman..

Lumakad na ako papunta sa kwarto niya.

napalunok ako ng makapasok sa kwarto niya.

Nakaupo siya sa wheelchair at malayo ang tanaw.

Mas pumayat siya ngayon kesa nung time na comatose pa siya.

Umikot paharap sakin ang wheelchair.

He frowned upon seeing me.

"Who are you?"

Paasik na tanong niya.

Inilagay ko muna ang tray sa lamesa.

inilock ko din ang pinto para walang makapasok.

Nagtataka siyang napatingin sa akin.

"Who are you??"

He asked again.

"Shhhh..im Kristine..I am Marcus friend.."

I said.

Kita ko ang pagtataka sa mukha niya.

"Marcus?and who's Marcus?"

He asked.

I took a deep sigh.

"Mabuti pa kumain ka muna para may lakas ka.."

I said.

"No!i wont!i need to get outta here!"

He said.

"Edward kailangan mong kumain kung gusto mong may lakas ka kapag nirescue ka nila bukas!"

Medyo tumaas ang boses ko.

Gulat siyang napatingin sa akin.

"How did you know my name???"

He asked.

"Mahabang kwento..basta kumain ka muna.."

I said.

Kita ang pagasa sa mukha niya na kumain na.

Sinamantala ko iyon para tumawag kay Marcus.

"Hello Marcus nasan ka?oo nandito nako..kumakain siya..gusto niyo siyang kausapin?"

I said on the other line.

"Hello Kristine?pwede ko ba siyang makausap please??"

Babae na ang sumagot.

Sa tingin ko si MayMay na yun.

"Ohhh sige.."

I said bago inabot kay Edward ang cellphone.

"Edward girlfriend mo .."

I said.

Masiglang inabot ni Edward ang cellphone at ganun na lang ang iyak niya ng magkausap sila ng girlfriend niya.

Nakakataba ng puso na alam kong may natutulungan akong tao.

Maya maya ay..

"Kristine?Kristine nandyan ka ba??"

Nanlaki ang mga mata ko nga marinig sa labas si Heaven.

Hinablot ko ang cellphone kay Edward.

Binulungan ko siya.

"Kunwari galit ka sakin okay?wag na wag mong sasabihin kay Heaven na magkakilala tayo..hintayin mo lang ililigtas ka na namin dito.."

I said.

Binuksan ko ang pinto at tumambad si Heaven.

"Bat ang tagal mong buksan?"

She asked.

"Ito kasing si Angelo ayaw kumain eh.n"

Pagsisinungaling ko at tinapunan ng tingin si Edward.

Two Folds: MayWard FF | COMPLETEDWhere stories live. Discover now