Trigger 25 - The introduction

Magsimula sa umpisa
                                    

I patted Selene's head because I find her so fun to be with. Masyado siyang positibo sa buhay at parang hindi niya rin gusto ng awkward at tahimik sa paligid niya kaya pilit niyang pinasisigla ang sarili niya.

Bagay sila ng kapatid ko dahil socially awkward iyon at medyo tahimik rin. Ngayon nalang iyon nakikipag-socialized ng hindi naiilang e. Iyon rin siguro ang rason niya sa pagsali sa Red Eagles Gang.

Demi: "If that's the case, wala pala tayong pag-aawayan so I like you already. By the way, I am the sexiest and most beautiful top tenth agent of BDA, Demi Maryhills, dearest. Nice to meet ya."

Napapailing nalang kaming lahat sa mahabang introduction ni Demi. Kahit kailan talaga hindi siya nagpapakilala sa simpleng paraan lang. 

Selene: "Matanong ko lang, Demi.. bakit wala tayong pag-aawayan?"

Demi: "That's a good question, dear. That is because.. you didn't like who I liked."

Selene: "Sino ba ang gusto mo?"

Demi: "That's another good question. Who's the one I liked? That guy between Ely and CJ."

Parang nakaramdam naman ako ng pagkailang, kaya tiningnan ako ni Selene, at nakita ko ang panlalaki ng mga mata nito at parang mahina pa nga itong napasinghap sa nalaman. Bakit naman kaya sobrang gulat na gulat siya? 

Pero nawala ang pagkailang ko at nginitian ko nalang si Demi. 

Therbie: "Nice joke, Demi. That was funny."

Demi: "Hmp!"

Inirapan ako nito at naka-cross ang braso na nagpunta sa likuran ni Micaela na natatawa lang naman. Hindi ko lang alam kung saan siya natatawa, kung sa sinabi ko o sa sinabi ni Demi. Lumapit naman si Ela kay Selene sunod at nag-bow ito sa kanya.

Micaela: "Anyeonghaseyo!  My name's Micaela Jang. I'm half-korean and half-filipino pero dito na ako nakatira since I was six years old. My korean name is Jang Mi-na. Like Girl's day's Mi-na, but her surname is 'Bang'. Nice to meet you, Belle's BFF."

Narinig ko ang pag-'tss' ni Belle sa isang tabi kaya napalingon ako sa kanya. Saktong napalingon rin siya sa akin kaya nagtama ang mga mata namin. Siya rin ang unang umiwas sa titigan namin kaya binalewala ko nalang iyon.

Selene: "Nice to meet you too, Micaela! Wow, Japanese tapos Korean? Hindi rin international ang peg ng mga agents dito sa BDA no? Hehe."

Micaela: "I know right. Hahaha!"

Nawala ang atensyon ni Selene kay Micaela noong biglang sumingit ang dalawang kolokoy boys. 

Ely: "Hi, baby. Can you be my maybe?"

Selene: "Huh? Ano daw?"

CJ: "Gago, Ely ayusin mo pagpapakilala kundi lagot ka na talaga kay Belle."

Tiningnan ni Ely ang direksyon ni Belle kaya napalingon rin ako at muntik na akong mapabunghalit noong makita ko siyang may hawak na baril pero pinupunasan lang naman niya iyon pero alam mong may ibig-sabihin ang ginawa niya.

Ely's face grimaced. Tapos noong humarap kay Selene ay nakangiti nalang ng malaki ito.

Ely: "J-joke lang iyong kanina, sensya na. Ako naman pala si Ely Salazar. Single but my heart is already taken."

Selene: "Ay, showbiz. Sino, sino?"

Ely: "Secret."

Selene: "Ang daya naman nito."

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon