Chapter 6.2

13.2K 193 5
                                    

NGUMITI ng matagumpay si Demi nang tumalikod ang lalaki.

Lumingon siya kay Dylan na nasa gilid lang at nagtatago, kumindat siya at sumenyas na tawagan niya siya para isagawa ang planong binabalak nila.

Ibinalik ni Demi ang emosyon niyang umiiyak at sinundad ang lalaki.

Mariin siyang napalunok nang dumiretso sila sa kusina, itinaas ng binata ang kanyang kamay dahilan para mag-flex ang mga muscles nito.

Binasa niya ang kanyang labi gamit ang kanyang dila at pinasadahan ng tingin ang lalaking nasa harapan niya na kasalakuyang nakatalikod.

Huminto ang kanyang mata sa matambok nitong puwitan.

Muli siyang napalunok at nanliliit ang mata, tila sinusukat kung gaano kalaki iyon.

Aba't dinaig pa ata siya sa tambok nito!

"I'm Demi Pantorillo, ikaw?" aniya upang maiwasan ang kanyang utak na mag-isip ng mga hindi nararapat na bagay sa kasuklam suklam na lalaking ito.

Dapat pa nga'y kanina pa siya nakabulagta dahil sa paninilip niya!

"Paul," tipid nitong wika at humarap na sa kanya ng may dalang first aid kit at yelo.

Ngayon naman ay tumambad sa kanya ang namimintog nitong abs. Nakapagat siya ng labi at pinagdikit ang hita dahil sa pagkagutom.

Tatlong taon na rin simula nang ihinto niya ang pagtingin sa mga may mala-adonis na kaanyuan.

Wala rin kasi siyang oras dahil isa siyang pulis na maraming ginagawa kaya't hindi na niya maisingit iyon, idinaan na lamang niya sa pagsasarili sa tuwing dinadalaw siya ng pagnanasa sa katawan.

Lumapit si Paul sa kanya at hinawakan ang malambot nitong palad, sa pagdantay ng balat nila ay may libu libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa kanilang katawan.

Nagkatinginan sila dahil sa naramdaman.

"Gusto mong dito ka nalang kumain ng dinner?" Alok ni Paul na ikinaalarma ng kanyang isipan.

Mabilis siyang ngumiti ng mapang-akit sa lalaki at sumangayon sa bagay na iyon.

Samantala, naroon naman sa damuhan si Dylan at naghihintay sa signal ng kanyang kaibigan.

Nakapambihis babae ito.

Hindi siya mapakali dahil sabik na siyang mahalay ang lalaking nakausap ni Demi kanina na paghihigantihan nila.

Nilalamok na siya ngunit tiniis niya.

Susuko pa ba siya kung may gwapong naghihintay sa kanya?

At lumipas ang isa't kalahating oras, masayang nake-kwentuhan ang bagong magkakilala. Magkatabi sila sa sofa at umiinom ng alak, "May pamilya ka bang nakatira dito?" pagbabaling ni Demi sa usapan nila.

"Wala, ako lang ang nananatili dito. Ikaw ba?"

Umiling si Demi at tinungga in-can na beer.

"Wala, kahit kaibigan man lang? Delikado lalo na't babae ka, nasa gitna ka ng gubat. Doon pa naman namumuhay ang mga hayop," napatigil si Demi at nanlalaki ang matang tumayo at kumaripas ng takbo sa pintuan at sinuot ang tsinelas.

Mabilis namang sumunod si Paul na ngingisi ngisi habang taranta ang babae na mabuksan ang pinto.

"Hindi mo mabubuksan iyan, babae."

Humarap si Demi kay Paul, umatras siya nang naglakad papalapit sa kanya ang lalaki hanggang sa mapasandal siya sa pinto.

"A-Anong balak mo? Palabasin mo nga ako... Gabi na, kailangan ko ng makabalik sa bahay ko."

Sinapo ni Paul ang kanyang panga at tiningala nang tumapat ang mukha nila sa isa't isa, "You're plan is now failed."

"Anong i-ibig mong s-sabihin?"

Ngumisi si Paul at pinagdikit ang kanilang katawan, "Akala mo hindi ko alam ang balak mong gawin? Demi, mas matalino pa ako sa matalino kaya't huwag mong subukang gantihan ako with your childish plots. Kilos at iniisip mo palang alam ko na... in short, you're doomed."

Napaawang ang bibig ni Demi at hindi malaman ang sasabihin.

Tila may sumabog na bomba sa kanyang tainga nang sabihin iyon ng lalaki.

Ngayon... palpak ang plano nila.

Sinturon ni HudasWhere stories live. Discover now