"Tito, ano po ba ang agenda at andyan ang dalawang yan?" Yan na lang ang nasagot niya.

"Jade, may ano----" Pagsusumbong ni Meliza.

"Bilisan mo na lang ang pagpunta dito hija. Malalaman mo rin pagdating mo dito." Yun lang at binaba na ng Tito niya ang telepono.

Napabuntung-hininga na lang siya.

Ano kaya yun?

Pumasok na siya ulit sa practice room.

"I'm sorry everyone. I need to go. Let's have our practice tomorrow morning okay? Be here before 9:00 is that alright?"

"Yes!!!!" Sagot ng kanyang mga kagrupo.

"Okay. Mauna na ko sa inyo. Kaye, bago kayo umalis make sure nakalock ang door at turn off the lights okay?"

"Yes Ms. President slash Ms. Leader." Hirit ni Kaye na kaklase niya.

Tiningnan niya muna si Kaye bago siya lumabas.

Nakangiti pa rin ito at halatang nag-eenjoy sa pangungulit sa kanya.

"Yeah right." At ngumiti na lang siya.

She's currently walking down the stairs nang tumunog ulit ang cellphone niya.

*Papa calling...*

"Hello pa?"

"Odega?" (Where are you?)

"I'm still here at school."

"Come to the meeting room as soon as you get here, araso?"

"Yes" Sagot niya.

At wala na naputol na ulit ang kabilang linya.

Kainis naman. Di ba pwedeng makapaghintay? Sandali na nga lang eh. Papunta na ko dyan.

Nagmamadali na siyang pumasok sa kotse niya at pinaandar ang sasakyan.

Habang nasa sasakyan, di niya maiwasang isipin ang biglaang meeting na pinapatawag ng Chairman. Di basta-basta nagpapatawag ng meeting ang papa niya kung di importante at di kakaiba.

Ano na naman kaya to ngayon?

Kung ano man yun, just be prepared Jade. Sabi niya sa kanyang sarili.

Siya si Jade Lianne Jae. A 16 year old girl at the prime of her career. Bakit career? Well, isa lang naman siyang agent. Yes, you heard it right. Isa siyang agent. Siya lang naman ang kaisa-isang anak ng pinakagwapo at pinakamagaling na owner ng isa sa pinakamalaking private detective agency sa buong mundo. It's not exaggerated. Black Vetto Internationale is one of the best private detective agency sa buong mundo. Walang tatalo dito in terms of uniqueness and quality. And the members? Of course high quality kaya nga naturingan na best di ba? Well, dahil na rin sa galing at prestige ng kompanya sa mga naachieve nito, the Chairman has launched another branch outside the country. Unfortunately, it's Jade's worst nightmare. You'll soon know why...

Nahinto siya sa pag-iisip nang biglang may tumawid ng kalsada kaya prumeno agad siya. Buti na lang at di masyadong mabilis ang pagpapatakbo niya kahit nagmamadali na siya kundi sa punerarya ang bagsak ng loko-lokong lalaking bigla na lang tumawid.

Agad siyang bumaba at kinausap ito.

"Ahm sir, okay lang po ba kayo?" Tanong niya ngunit walang sagot dito.

"Sir, may masakit ba sa inyo?" Tanong niya ulit.

"Huh?" Sagot ng lalaki.

"I'm sorry. Do you know how to speak English?"

My Secret K-Pop Agent       (The Hidden Identity)Where stories live. Discover now