Chapter 29.2.2

Depuis le début
                                    

"What the fuck—" Mas lalo akong naguluhan. Paanong nasangkot si Wayne rito?!

"Pero kung titingnan n'yo, Sir. Mukhang na-overlook lang din ang ipinadala kay Ma'am Adison na letter. Kasi 'yung sa kanya lang po ang may watermark. The rest na po ay wala na," sabi pa niya habang tinatapatan rin ng UV light ang iba pa at wala ngang bumakat.

"I don't understand... But Wayne? We're somehow good friends..." Naramdaman ko ang paghigpit nang hawak ng asawa ko sa aking balikat.

"Somehow, Sir?" Kunot-noo pa si JR.

"Business friend," pagtatama ko pa.

"Sir..." Si Spencer.

"What?" Kumunot din ako sa kanya.

"About Sir Wayne..." Alanganin pa siyang napatingin kay Adison.

"I am not hiding anymore secrets with my wife." Mataman ko pang tinitigan ang asawa kong mataman rin namang tumitig sa akin bago magbalik nang tingin sa kanila. "You can tell me anything, Spencer."

"Ma'am Pia... is Sir Wayne's sister."

Tila bombang sumabog iyon sa aking pandinig.

Holy shit!

"P-ia.?"

Saglit akong nawala sa sarili. Pia? Gaddamnit!

"Your last relationship before Mrs. Greene, Sir..." Alanganin pa siyang sumulyap kay Adison na awang din ang mga labi.

"Sebastian, siya ba 'yung babae sa Tagaytay?"

Tumango ako at naramdaman ko kaagad ang pagkirot ng ulo ko.

"Oh God..."

"Tagaytay, Sir?" Si Spencer ulit. "Hindi n'yo po nabanggit sa akin 'yan, Sir?"

"Nawala rin naman sa loob ko, Spencer..."

"Pero hindi naman po sila taga roon. Paano pong napunta si Ma'am Pia r'on?"

"Hmm..." Hindi ko na malaman ang isasagot. I have no idea.

"Nasa isang private mental asylum po si Ma'am Pia here in Manila. How come nakarating po siya sa Tagaytay?" Si JR na hinapyawan din nang tingin si Spencer.

"I think it was a set-up, Sir, para mag-meet sina Ma'am Adison at Ma'am Pia. A plan to ruin your relationship." Si Spencer ulit na mas matigas ang tono at kunot-noo na rin.

"What the fuck—"

Gusto yatang bumigay ng utak ko sa dami ng mga impormasyong pumapasok.

"Both of them has a reason to kill you, Sir. One for the money. One for the sister." Si JR.

Mariin akong napapikit sabay piniga ang pagitan ng aking kilay. I am so fucked up!

"Ibig lang pong sabihin, Sir, dapat din po kayong mag-ingat sa kanya pati na rin kay Don Pablo habang wala pa tayong concrete evidence sa kanila. For now, at least may konting lead po tayo. May kausap na rin po akong mga ex-NBI na tumutulong din po sa akin." Si JR.

"Can we trust them?" Si Spencer ang binalingan ko.

"I background check them, Sir. We can trust them," tumatangong sagot din naman niya.

"I know them personally, Sir," dagdag pa ni JR.

"Good."

This is great. Fuck!

"Sorry po, Sir... Mrs. Greene... Kung ito pa ang wedding gift namin ni Spencer sa inyo," nahihiyang sabi pa ni JR habang nagkakamot ng batok. Sumulyap din siya kay Spencer na alanganin ding napangiti.

"It's okay. Was there anything else?" Pinaghalinhinan ko pa sila nang tingin.

"No, Sir." Si JR ulit.

"Thank you. Kumain muna kayo ni Spencer pagkalabas ninyo," sabi ko pa.

"Sige po, Sir. Congratulations po ulit!" Si JR na noon na tumayo.

Si Spencer naman ay tumango lang at sinabayan na sa paglabas si JR.

Nang tuluyan na silang mawala sa paningin ko ay tsaka ko mahigpit na niyakap ang asawa ko. Jeez, this is just too much.

"Are you okay?" nag-alala pang tanong ni Adison.

"No, Baby... I am not," malungkot namang sagot ko.

"Ssssh..." She cupped my face and looked at me intently. "I am here, Baby. I am not leaving you. We can get through this. Together..."

Tumango at mapait na ngumiti. Sa dami nang pinagdaanan ko sa buhay laking pasalamat ko talagang dumating si Adison sa buhay ko. Akala ko'y matagal nang huminto ang buhay ko.

Si Adison lang pala ang hinihintay ko sa matagal na panahon.

Siya lang pala ang bubuo sa akin.

"What will I do if I don't have you?" Mataman ko siyang tinitigan at hindi ko rin maiwasan ang mag-alala para sa kanyang kaligtasan. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa kanya.

"I am destined to be by your side, Sebastian. Kakayanin natin 'to. Malalagpasan din natin lahat 'to."

"I really hope so..." Mapait akong ngimiti at bumuntong-hininga.

"Hey..." She tugged my chin and gave me a peck on my lips. "Let me kiss your worries away, huh?"

Tumango ako at hinintay ang kanyang labing alam kong makakapagpakalma sa akin.

I am glad I have her in my life.

Kung hindi ko siya kasama ngayon ay baka kung saan na ako pinulot ngayon.


LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant