Chapter 29.2.2

Začať od začiatku
                                    

Of course, ngayon pa ba ako makakapaglihim sa kanya?

Sinenyasan ko siyang lumapit sa akin at agad ko rin siyang hinila para maupo sa kandungan ko. Ibig-ibig yata niyang mahiya sa ginawa ko, pero hindi naman kumibo. Iniyakap lang niya ang isang kamay niya sa balikat ko at mataman na ring itinuon ang atensyon kay JR.

"Records po ito ng mga napangasawa ni Doña Celestina." Pasimple pa niyang hinapyawan nang tingin si Adison. Iniisip siguro niya kung may alam ba ang asawa ko sa nakaraan ko.

"She knew," pasimpleng pagkumpirma ko naman sa iniisip niya.

"Oh..." Tumango siya at itinulak palapit sa akin ang envelope.

Agad ko rin namang kinuha iyon at binuksan. Ini-scan ko ang mga papel at halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ng mga mata ko.

"Son of bitch!" Tiim bagang ko pang sabi at napasulyap sa asawa kong agad ding gumuhit ang pag-aalala sa mukha.

"W-hat is it, Baby?"

"Don Pablo Arlejo is one of Celestina's ex-husband," si JR ang sumagot.

"S-amantha's father?" Kunot-noo pa ang asawa kong tumitig sa akin.

"Yes, Baby..." Tumango ako at pinagtuunan din ang ibang pangalan na hindi ko rin naman mga nakikilala bukod lang kay Don Pablo.

"The other three exes po, mga nasa abroad na po sila at magaganda na rin ang buhay. So far po ay kayo lang ni Don Pablo ang nandito sa Pilipinas," pagpapatuloy pa ni JR. "Sa totoo lang po ay nahirapan din akong kuhanin ang mga records na 'yan. Malaki-laki rin pong halaga ang binayaran ko para diyan."

"Yeah, Spencer mentioned that..." Sumulyap ako kay Sepncer na tumango lang din. Hindi ko malaman ang dapat na isipin. Sumasakit ang ulo ko.

"At according po sa source ko ay ipinapatanggal na nga ni Don Pablo ang records nila ni Doña Celestina bago pa man daw po siya mamatay sa sakit."

"Hmm..." saglit akong nablanko. Hindi pa rin magsink-in nang maayos ang info na 'yun sa utak ko.

"He's a very rich guy already. Ano pa bang kailangan niya sa akin?"

"It's too obvious, Sir. He still wanted what is yours," sabat ni Spencer.

"You know that it is still kinda hard to believe. Para lang sa pera ipapapatay niya ako? Gusto pa nga niya akong maging manugang, remember?"

"Pero hindi naman po niya nagawa 'yun, 'di ba, Sir?" Si Spencer pa rin.

Fuck.

He has a point...

"P-ero may isa pa rin po, Sir... na nakakagulo..." Si JR ulit na alanganin pang napasulyap kay Spencer.

"What is it?" Pinaghalinhinan ko sila nang tingin.

"Na-track po namin kung saan nanggaling ang letter na ipinadala sa inyo." Napabuntong-hininga pa si JR. "Lumalabas po na sa isang agency nanggaling ang sulat ni Ma'am Adison."

"Agency?" Kumunot ako. Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari.

"Kakabili lang po ng agency na 'yun na under sa pag-aari nang isang Tsinoy na negosyante."

"I don't get it... Why agency?" Muli ay pinaghalinhinan ko sila nang tingin.

"Eto po, Sir..." Inilabas niya ang pocket na ultraviolet light kasabay ng mga sulat na ipinadala rin sa akin. Pinindot rin niya Ang UV light sa tapat ng sulat na may watermark.

W. R. Travel Agency... that seemed familiar.

"It's Wayne Ramirez Travel Agency, Sir." si Spencer ang sumagot. Seryosung-seryoso pa rin ang mukha niya.

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Where stories live. Discover now